Mikay: Nasa school na kami ni master at tinatanong ko siya kung sigurado na siya sa kaniyang desisyon na patawarin na ang tunay niyang pamilya.
Amara: "Hindi karin makulit no!? Sinabi ko na kanina pa, pero ikaw ang kulit kulit mo?" Ngayon heto na naman po ako at magpapatahan ng batang isip. "Sige na tumahan ka na at ililibre na lang kita ng ice cream"
Mikay: "Totoo? yeheh! Ice ice ice creammmmm!!!!!"
Habang kumakain sila Amara sa upuan nila ay may mga nakatingin sa kanila.
Elayka: "Uy! Kuya akala ko ba ibibigay mo yang dala mong pagkain kay Amara, Ibigay mo na dahil oras na maubos na ni Amara yung kinakain niya tiyak na hindi na niya kukunin yan"
Edward: "Nahihiya ako pero sige kakapalan ko na ang muka ko, Mapatawad lang niya ako"
Rafael: "Sandali sabay ako may ibibigay rin kasi ako kay Mikay" Hawak ko ang isang kahon na puno ng candy.
Lumapit nga ang dalawa sa lamesa nila Amara.
Edward: "Amara alam kong galit kayo sa amin dahil sa pang huhusga namin sa inyo ng walang tamang basehan, Sana mapatawad mo pa ako sa kabila ng kamaliaan ko"
Rafael: "Ako rin Mikay humihingi sayo ng tawad dahil hindi ako nagtiwala sayo"
Mikay: "Buti alam mo?" Kinuha ko ang mga dala nila. "Kukunin ko to ngunit hindi ibig sabihin non ay napatawad na kita dahil 1/4 lang ang pinatawad ko sa kasalanan mo!"
Rafael: "Ha 1/4 lang!?
Mikay: "May angal ka!?"
Rafael: "Wala po boss!"
Amara: "Sige bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon pero kaylangan mong patunayan na hindi kana basta basta manghuhusga ng kapwa mo kung wala ka namang ebidensya"
Tuwang tuwa ang dalawa habang nagpapasalamat sila sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon na mapatunayan nilang tunay ang pagmamahal nila.
Guro: "Student tahimik! Gusto kong sabihin sa inyo na magkakaroon tayo ng fieldtrip on friday. Yun lang! Sige at makakalabas na kayo"
Hiyawan ang mga estudyante at tawanan.
"Makapag ayos na ng gamit!"
"Ako rin I'm so excited na best!" Sabi ng baklang classmate nila.
Elayka: "Hi Amara, Mikay!"
Mikay: "Hi din! Master anong bibilin nating baon para sa friday?"
Amara: "Si nanay na bahala doon dahil hindi korin alam"
May tumawag sa kanila.
Edward: "Hello dad, bakit po kayo napatawag?"
Anton: "Punta kayo dito sa meeting natin"
Elayka: "Ano sabi ni dad?"
Edward: "Pinapupunta tayo sa meeting place"
Marisa: "Kung ganon tara na!"
Edward: "Amara mauuna na kami sa inyo!"
Amara: Tumango lang ako.
Nagtungo na sila sa lugar na pinag mi mitingan nila.
Anton: "Mabuti naman at nandito na kayo, Mayroon kasi kayong mission"
Elayka: "Saan po dad?"
Anton: "Pupunta kayo sa Pasig, nandon ang taong kaylangan ninyong hulihin patay man o buhay pero alam kong hindi papahuli ng buhay ang lalaking yun"
At nagsimula na nga sila sa pagalis,
Naghaharutan naman sina Marisa at Aaron.
Elayka: "Uyy! Naglalambingan sila,
Alam ko dyan nagsisimula ang tinatawag na love ayieeehh! kinikilig ako!"
Marisa: "Eeeeewww! Mandiri ka nga sa sinasabi mo? Elayka nakakadiri, Hindi ako papatol sa lalakeng ito! Mamaya may sakit yan na nakakahawa"
Aaron: "Lalo naman ako! Hindi ako pumapatol sa amasona at hindi maganda at sexy"
Marisa: "Ang kapal ng mukha mo! Bakit gwapo ka ba!?"
Aaron: "Napakagwapo ko kaya! Hahaha kaya nga ako habulin ng mga babae" Pero kung maaari ngalang na humiling na sana ikaw nalang ang humabol sa akin hindi na ako papahabol sayo dahil ako pa mismo ang lalapit sayo. Kung maari ko lang isatinig ang aking nararamdaman ay ginawa ko na. Oo inaamin ko matagal ko na siyang mahal kaya nga inaasar ko siya ng mapansin niya ako.
Marisa: "Irrgg!!!! Kainis ka talagang bakulaw ka! Sinisira mo ang maganda kong araw"
Aaron: "Ang sabihin mo ay nakumpleto ang araw mo nang nasilayan mo ang gwapong katulad ako" Sabay kintad ko.
Sky: "Tama nayan at mamaya ay sa simbahan ang bagsak ninyong dalawa" Ang sama ng tingin ni Marisa, Itong Aaron naman na ito ay nagkaroon ng korteng puso ang mga mata napaghahalataan na may gusto kay Marisa ang kaso manhid yung isa. Kaya naiiling nalang ako dahil sa nakikita ko naman, ay mahal nila ang isat isa.
Edward: "Tara na!"
"Yes Lider" sabi nilang lahat at nagtungo nanga sa kanilang pupuntahan.
Mark: Nandito kami ngayon sa pasig. Ako ang naatasan na magmonitor sa cctv kaya nasa loob lang ako ng ban.
Edward: Kaylangan namin na mag ingat dahil mahusay makipaglaban ang lalakin yun. Nagsasalita si Mark sa kabilang linya. "Edward nasa ikalimang palapag siya, magiingat kayo maraming mga bantay" "Ok salamat pare" sagot ko
Habang abala ang mga tauhan ay isa isa naman silang inuubos ng grupo ni Edward.
Elayka: "Ang sweet talaga ng honey ko! Pano ba naman sabi niya ingat daw ako dahil kapag ako'y napahamak ay hindi narin niya gugustuhing mabuhay, Diba ang sweet?" Teka may papalapit na kalaban, psst psst, o di humarap karin sabay pukpok ko ng baril at nawalan agad ng malay, ang lampa naman nito.
Tauhan ng Kalaban: "Boss Lito, tumakas na kayo dahil ikaw ang sadya nila rito" Tumango naman siya sakin
Hindi pa siya nakakalayo ng marinig niya ang mga putok ng baril kung saan siya nanggaling.
Edward: "Hangang dyan ka nalang!" sabi ko sa kanya.
Lito: "Ano ako sira at makikinig sayo!?" Tumawa at sabay atake niya kay Edward.
Naglalaban silang dalawa at walang ibig magpatalo.
Edward: Tinadyakan ko si Lito sa sikmura at pinaulanan ko ng aking mga kamao.
Hinihingal na ang kalaban pero wala itong planong magpatalo. Kaya nag laban uli sila. Nang may makita silang baril nag unahan sila sa pagkuha nito. Nakuha ito ni Lito, pero hindi nagpatalo si Edward at nakipag agawan sa baril. Hanggang nakalabit nila ang katilyo ng baril at pumutok ito. Sabay bagsak ng kalaban na wala ng buhay.
Nagdatingan naman ang mga kaibigan niya at inalalayan siya sa paglalakad dahil marami rin siyang mga sugat na natamo sa pakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
ActionIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
