Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Master Of All Master 21

61 7 3
                                        

Amara: "Napag-aralan ko na ang mga yan! Yan ang gamitin mo sa new project mo!"

Kinuha ito ng kanyang kasosyo.
Ginalang siya nito at ng iba pa.

Tommy: "Thank you Master!"

Amara: "O pano aalis nako"

Tommy: "Magiingat po kayo Master!"

Tumango nalang siya at umalis na. Isa lang sa mga gawain niya ay pag nenegosyo. Marami siyang mga  negosyo pero lihim ang pagkakakilanlan niya kung kaya walang may alam kung sino siya.

Amara: Naglalakad ako ngayon patungo sa kakahuyan wala naman kasing pasok dahil biglang nagkaroon ng meeting ang mga guro.
"Maraaaa!!!! hintayyyy!" Sino ba itong tumatawag sakin? Tingin sa kanan sa kaliwa at sa likod. Parang si Edward? Hay siya nga.

Edward: "Buti nahabol kita Mara! may dala akong mga pagkain, nakita kasi kita na patungong kakahuyan.

Amara: "Mas masarap kasi magpahangin doon. Ano naman ang dala mo?"

Edward: "Ito ba?"

Amara: "Ay hindi yung bag mo!"
Sabay ngise ko!

Edward: "May pagkapilosopo karin pala. Mga padala ni mommy to. Niluto niya kanina"

Amara: "Ummhhh! Wow mukhang marami akong makakain!"
Sabay ngiti ko sa kanya ng matamis. "O anong mukha yan?"

Edward: "Haahhh!!!! eeeehh  Waaala mainit lang ang papaanaahon" Grabi di ko mapigilan mag blush nakakabakla man sa paningin ng iba.  Kayo rin naman pag nakikita ninyo yung crush ninyo nag-bablush din kayo at kikiligin.

Habang naglalakad, sila ay nagkwekwentuhan.

Mikay: "Ano ba san mo ba ako dadalhin!?"

Rafael: "Sabi nang wait lang e! Matutong maghintay"

Mikay: "Eerrrgggg!!!" Sabay ikot ng mga mata ko. Kakainis tong lalaking to bigla biglang ng hihila!

Rafael: May gusto ako kay Mikay tuwing nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko, kapag nakikita kong may lalaking lumalapit sa kanya ay sumisikip ang puso ko at nagagalit ako ibig kong pilipitin ang leeg ng kung sino mang lalapit na lalaki sa kaniya.

Dinala ni Rafael si Mikay sa isang Tree House na may mga nakahandang mga pagkain.

Rafael: "Nandito na tayo!"

Mikay: "Wow! ang ganda naman ng tree house nayan?"

Rafael: "Nagustuhan mo ba?"

Mikay: "Oo sobrang nagustuhan ko!Wow may mga pakain pa!"

Rafael: "Masaya ako at nagustuhan mo"

Mikay: "Bakit mo ako dinala sa lugar nato?"

Rafael: "Mikay" sabay hawak ko sa kamay niya. "Kakapalan ko na ang mukha ko! Unang kita ko palang sayo ay napahanga mo na ako, Mikay gusto kita! Maari ba akong mangligaw sayo?"

Mikay: "aaahh  eeeeehhh" Ano bayan nagtatapat siya sakin. Puwede na ba kong kiligin hahaha pero nakakahiya naman kung bigla nalang akong magtititili rito! Ang totoo crush ko rin tong lalaking to!

Rafael: "Please Mikay"

Mikay: "Oo sige na pero ligaw muna ha!"

Rafael: Napayakap ako sa  kanya ng mahigpit.

Master Of All MastersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon