Alastres na ng madaling araw, Oras na para gumising ang mga mag aaral niya kaya naman bigla siya nagpaputok ng baril. Beng, beng, beng!!!.
Elayka: "May mga kalaban" Tili ko nang bigla kong napansin na gising na pala ang lahat at may bigla nalang na nagsalita sa harapan namin. Bigla kaming nakaramdam ng takot. Ito ba ang sinasabi ni Mikay na pag nagsimula ng magturo si Amara ay este! Master pala, ay ganito??? Walang kapatid, magulang, kaibigan at boyfriend! Ngayun palang parang hindi ko na gusto ang una niyang ipagagawa sa amin.
Amara: "Gising naba ang lahat?"
"Opo Master!" Sagot nilang lahat!
Amara: "Good! kung ganon ay magsisimula na ang inyong ensayo mula rito hangang doon sa kabila ay tatakbuhin ninyo, walang magbabalak na mandaya dahil lahat kayo ay may mga relo sa kamay diba? Yang binigay ko sa inyo ang magsasabi kung nangdaya ka! Yan din ang makakapagturo sa akin kung kayo ay nawawala na! Wag ninyo rin palang tangkaing alisin yan dahil magsasayang lang kayo ng lakas. May ginawa na akong mga direction na susundan ninyo, Maliwag?
"Opo" sagot nila sa akin. "Bibilang ako ng tatlo na magiging hudyat upang tumakbo. 1, 2, 3 Go!"
Nagsimula ng lahat na tumakbo. Nasa kalahatian na sila at hingal na hingal sa pagtakbo.
Aaron: "Haay! Ang sakit na ng mga paa ko!"
Marisa: "Ikaw lang ba!? Lahat tayo ay nahihirapan kaya kumilos ka na dyan!"
Aaron: "Opo! Konting tiis nalang at matatapos tin natin to"
Edward: "hah, hah,hah!!" Hingal ko, Ang hirap palang tumakbo dito, Ang sasakit na ng mga buo kong katawan!
Kitang kita ko ang mahal ko. Kanina ang bagsik niya, miski ako nagulat sa nakita ko, Pag nagseryoso pala siya kikilabutan ka talaga.
Amara: Habang hinihintay ko silang bumalik ay magluluto muna ako ng almusal oara pagbalik nila ay kakain nalang sila.
Mabilis lumipas ang oras at nagdatingan na silang lahat! Mga lupaypay sa pagod ang mga katawan.
Amara: "Very good! napagtagumpayan ninyo ang unang pagsubok, kumain na kayo ng almusal"
Rafael: "yam, yam, yam!sarap mo pala master magluto?" Tssk lang ang sagot niya sa akin! Sungit ni master. "Baby ko ahh aaah" Sinubuan ko ng chicken ang baby ko.
Matapos kumain ay nagsimula na naman ang pagsasanay nila.
Amara: "Ngayon naman ay magaaral kayo kung paano maging matalas ang pakiramdam ng walang napapansin"
"Opo master" sabi nilang lahat kay Amara.
Amara: "Maupo kayo at pumikit pagaaralan ninyo ang bawat galaw, tunog at kahit anong klaseng tunog na nagmumula sa kalikasan. Gawin niyo na parang kaisa kayo ng kalikasan"
"Opo master!"
Mabilis na nagdaan ang oras.
Nang sumunod na araw, ay nilagyan naman niya ng mga mabigat na bakal ang bawat isa sa kanila. Yung bilog na kasing laki ng holen na ginawang porselas, tigaapat bawat isa ang bawat isa ay may bigat na 25 kilo kaya ang suma tutal ay 100 kilos ang bubuhatin nila.
Sky: "Ang lupet ni master! Ang bigat nito 2 weeks na natin to ginagawa at wag ka parati pa natin suot"
Aaron: "Oo nga pero nasasanay nako, Nakakakilos na nga ako na parang normal lang"
"Oo nga" sagot din ng marami.
Edward: "Nararamdaman naman natin na unti-unti na natin nakukuha ang mga pagsasanay natin. Diba?"
Elayka: "Oo dati hirap akong kumilos pag may dala akong mabigat sa mission natin pero ngayon ay parang wala na akong buhat buhat na mabigat, parang normal na ang kilos ko"
Tango uli ang lahat!
Amara: Masaya ako at sanay na kayong kumilos na may buhat na mabigat at marunong narin kayong mamiramdam na kahit malayo pa ang kalaban ay kaya ninyo ng maramdaman. Ngayon naman, ang pagaaralan ninyo ay ang tamang paghawak ng mga armas. Gumawa ako ng mga armas na nababase sa kakayanan ninyo. Ngayon makukuha ninyo ang magiging armas ninyo pero hindi ninyo sila kaagad na magagamit dahil espesyal ang mga yan kaylangan ninyong palakasin ang mga enerhiya ninyo"
Itinuro ni Amara ang mga dapat gawin.
Makalipas ang tatlong linggo, Na master na nila kung paano mailalabas ang mga enerhiya nila at kung pano nila magagamit ang mga kanya kanyang armas.
Rafael: "Hindi ako makapaniwala na natapos na natin ang pagsasanay at lumakas na tayo!" Masayang sabi ko.
Sky: "Oo nga tama kayo, konting tiis lang at makakamit rin natin ang tagumpay" Ang ganda ng aking dalawang baril.
Elayka: "Tama ka? Sky may libre pa tayong mga armas at hindi basta armas love ko na nga itong kutsiyo ko! Ikaw rin kuya no?" Tumango lang siya, Ang nakuha niya kasi ay espada, Astig nga ng espada niya at Ang ganda pa pero mas gusto ko ang mga kutsiyo ko.
Mark: Kung sila masaya mas lalo naman ako dahil mayroon na akong bagong laptop at mga gadgets na tanging ako lang ang mayroon. Galing ni master! Idol ko na talaga siya.
Amara: "Natapos na kayo sa pagsasanay, panahon na para tang galin ko ang mga porselas ninyo" Isa isa kong tinanggal ang mga porselas at tuwang tuwa sila.
Mikay: "Wow! Lalo ako bumilis master!"
"Ako rin" sabi nilang sabay sabay. "Thank you Master!" sabay sabay silang lumuhod at yumuko sa master nila.
Amara: "Tama nayan! Bago muna tayo umalis dito ay sulitin muna natin ang lugar nato"
Madison: "Yes! I like that!"
Cecilia: "Me too, Sis! O ano pa tinutunganga natin? Simulan na ang party!"
Marisa: "Yung ibang prutas at yung ibang mga ulam at pangluto?"
"Ok!" Sabay sabay nilang sagot!
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
ActionIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
