Mga Kalaban
"Ano ibig mong sabihing nagpakita na ang mga guardian?"
"Opo dad!"
"Nakita mo ba ang master nila?"
"Hindi po! Pagdating namin sa loob ay mga guardian na lang ang naabutan namin"
"Kung hindi natin nakuha ang mga armas, mas mainam na makuha natin ang loob ng master dahil sa sobra lakas nito"
"Opo dad!"
At umalis na ang anak sa kanyang opisina
"Simon halika dito?"
"Opo master! Ano po ang ipaguutos mo?"
"Mag-utos ka sa mga tauhan mo na manggulo o kung kinakailangan ay pumatay sila para magkagulo"
Simon: "San po namin sisimulan?"
"Sa pinagaaralan ng anak niya"
Simon: "Pano po ang Yuang Master alam po ba niya ito?"
"Oo alam na non ang gagawin niya, Basta intintihin mo yung pinagagawa ko sayo"
Simon: "Opo master masusunod"
Sa loob ng university ang mga estudyante ay may kanya kanyang mga ginagawa, nang biglang may mga lumusob. Pawang mga Ninja na nakaitim na umaatake sa mga mag-aaral.
"Aaahhh!!!"
Hiyawan ang mga tao nanagtatakbuhan. May nagkakandarapa, lahat ng madaanang mag aaral ng mga nakaitim na tao ay pinapatay at nilalamog nila.
Edward: "Humanda kayo at mapapalaban tayo!"
"Opo lider" sabi nilang lahat.
Naghiwalay hiwalay ang grupo ni Edward.
Ang dami ng sugatan at patay sa daan. Ang mga students na marunong makipaglaban ay tumutulong na matalo ang mga kalaban.
Habang nakikipaglaban si Edward, hindi niya napansin ang titirang kalaban mula sa likod niya. Ngunit hindi ito natuloy nang may biglang humarang at sinalo ang katana na itatarak sana sa likod niya.
Edward: "Salamat sa pagligtas mo sakin. May utang na loob tuloy ako sayo"
Ken: "Wala yun alam kong ito ang uunahin nila lusubin para magkagulo ang lahat"
Edward: "Nasa paligid lang natin ang lahat ng mga kalaban"
Ken: "Oo sila rin ang lumusob sa amin noon na ikinamatay ng nanay ko, naiisip ko palang ang mga nangyari ay kumukulo na ang dugo ko! Ibig kong patayin silang lahat!"
Walang may alam kung kaylan matatapos ang kaguluhan. Lahat ng magaaral sa loob ng campus ay takot na takot sa kanilang nakikita.
Elayka: "Sumunod kayo sa akin! Dito kayo magtago ligtas dito. Wag kayong maingay at walang lalabas hanggang wala kayong naririnig na bell, yun ang senyales na maari na kayong lumabas"
"Ok naiintindihan namin"
Sabi nila habang takot na takot.
Mikay: "Grabi nato nagsisimula na ang mga kalaban at ang samahan nila ang gustong pabagsakin. Master ano ang gagawin natin?"
Amara: "Tutulong tayo sa kanila kung hindi na nila kaya"
Mikay: "Yehee!!!"
Amara: Napailing nalang ako sa kakulitan ni Mikay. Kitang kita ko dito sa puwesto namin ang nangyayaring labanan.
Hi! Sa wakas naka pag update ako!
Thank you sa inyong pagbabasa ng istorya ko!!!
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
AcciónIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
