Edward: "Lapitan ko kaya siya at kausapin pero pinangungunahan ako ng takot kung kaya kinakausap ko na pati sarili ko! Hayyyy!!!!"
Elayka: "Hindi kaya talaga lang kamong torpe ka tss tss!!!"
Edward: "Aaaaaaayyyyy!!!!!! Palakang butiki!!!!"
Elayka: "Grabi siya oh! Pati palaka at butiki ay tinatawag"
Edward: "Elayka kanina ka pa ba nandyan? May narinig ka ba!?"
Elayka: "Sabihin na natin na narinig ko lang naman ang lahat ng mga pinagsasabi mong mag isa!" Hahaha!!!!
Edaward: "Tumahimik ka nga dyan!"
Elayka: "Uyyyyyy! yung twin brother ko binata na pero payo ko lang sayo utol ha! Wag kang totorpetorpe e ang pinapantasya mong babae pangarap ng lahat ng lalaki" sabay tapik ko sa balikat niya.
Edward: "Wag mo munang ipagsasabi to ha!"
"Oo na" Sabi ng magaling kong twin sister.
Amara: Pagkayaring kumain ang sarap talagang matulog. Saan kaya ako puwedeng matulog? Ah alam ko na may malapit na kakahuyan dito. Makapunta doon tamang tama tahimik doon halfday lang kaya mamayang hapon pa kami ni Mikay susunduin.
Habang naglalakad si Amara ay gandang ganda siya sa mga nakikita niyang kapaligiran.
Amara: "Wow ito pala ang pinaka gitna ng gubat. Tamang tama itong punong mangga. Ummhhh sarap talaga ng hangin dito. Tanaw na tanaw ko ang mga nagtataasang bilding. Sa dulo pala ng siyudad itong university namin.
Habang natutulog si Amara ay patungo naman sa gubat si Edward upang kumuha ng mga halaman na gagamitin ng tita niya sa pageeksperimento.
Edward: Ano nanaman kaya ang naisipan ni tita?
Habang naglalakad siya ay pasipa sipa siya ng paa.
Edward: Ummmhhhh!!!uhhhmmmm!!!! hmmmm!!!
"Arayyyyy!!!! Ang sakit kapag minamalas ka nga naman o! Ikaw naman kasing bato ka? Pakalat kalat ka!?"
Amara: "Yaaaah! Sino ba yung maingay nayan? Kitang may natutulog na tao eh!!!"
Edward: May tao? Matingnan nga? Alam ko sa gawing punong mangga ko narinig yung nagsalita.
Habang naghihikab si Amara ay siya namang paglitaw ni Edward sa harapan niya
Edward: "Ikaw ba ang nagsalita?"
Amara: "Oo ako nga may angal ka?
Alam mo bang ang ingay ingay mo!?"
Edward: Ahhh!!!nahihiya ako sa kanya. Ano bang magandang paliwanag sa kanya? napapangiti nalang tuloy ako. Tama sila kapag kaharap mo ang taong gusto mo ay mababakla ka!
Amara: Ano ba ang nangyayari sa lalaking to? Hala! hindi kaya ito ay nabaliw na. "Huy! Ano nginingiti ngiti mo dyan?"
Edward: "Ahhh!!! Wala sorry kung nagising kita ha!! Nasipa ko kasi yung bato kaya napa–aray ako" sabay kamot ko sa ulo.
Amara: "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito!?"
Edward: "Inutusan kasi ako ng tita ko na kumuha ng halamang gamot may pinageeksperimentuhan nanaman kasi. Kanina pa pala ako dada ng dada hindi pa ako nagpapakilala sayo? Eward Santos nga pala" Sabay abot ko ng kamay
Amara: "Amara Motenegro nice to meet you!"
Edward: "Me too!" Sabay ngiti ko! Ang lambot ng kamay niya. Hindi pala ako malas ngayon. "Maari ba kitang maging kaibigan?"
Amara: "Oo naman! Wow may new friend nako! Alam mo nakakatuwa ka! Bihira lang ako makipag kaibigan. Masuwerte ka!"
Edward: "Oo alam ko kaya nga masaya ako at tinanggap mo na maging kaibigan ako!"
Parehas na silang nagkatawanan.
At mabilis na sumapit ang hapon.
Amara: "O pano mauuna na ko sayo Wardy at baka nandoon na si tatay"
Edward: "Amara! Edward pangalan ko!"
Amara: "Oo alam ko! Sira yun kasi ang ibinigay kong palayaw mo? Yun ang itatawag ko sayo? Ok! tawagin mo nalang din akong Mara! O sige mauna na ko! Bye!!!"
Bumalik si Edward sa school ng abot tenga ang ngiti. Halos wala ng tao sa campus dahil uwian na!
Tita: "Edward nasaan na ang pinakukuha ko sayo?" Ano ba ang nangyayari sa batang to ngayon ko lang nakitang ngumiti ng abot tenga ito ah?
Nang biglang lumitaw sa kung saan si Elayka.
"Haluuu!" biglang panggugulat ni Elayka
Tita: "Bakit ba ang hilig mong manggulat!?"
Elayka: Wala naman po trip ko lang pero maiba po tayo tita kasi yang isang yan ay inlove! Kaya ganyan yan ngayon malamang nasabi na niya ang nararamdaman niya!"
Edward: Elayka manahimik ka nga! at baka may makarinig nakakahiya kay Mara!"
Elayka: "Wow! Mara nalang tawag mo sa kanya ha?"
Edward: "Oo kaibigan niya ako! Kaya maari ko siyang tawagin sa palayaw niya at ganun din siya sa akin"
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
AcciónIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
