Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

"Master Of All Master"38

52 6 0
                                        


Mikay: 2 weeks na kami mula ng makabalik dito sa mundo. Pagbalik na pagbalik namin ay siyang paglusob ng mga alien. Ang kaibahan lang kung dati walang laban kami sa alien ngayon meron na ang husay ni master magturo.

Edward: "Ito sa inyo!" Pinaghahati ko ang mga katawan nila. Kung dati sa isa lang nahihirapan na ako pero ngayon ay nasasabayan ko na sila. Nang matapos ako dito nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko. "Hello! Wardy ko ayos kalang ba?" Tanong sakin ni Mara "Oo naman Mara ko!" Sagot ko "Ingat Wardy ko! I love you!" sabi niya. Sagot ko "I love you too"

Alien: "Kamahalan malalakas na po sila!"

Master nila: "Ano ngayon wag kayong magalala at malapit na natin masakop ang mundo hahaha! Nakuha naba ninyo ang mga magiging bihag  natin para matalo ang Master of all Masters?" Hahaha!

Master ng kalaban: "Wow ha! Tingnan mo nga naman! Ang mga mahal niyang magulang ang ating panauhin!" hahaha!

Margaret: "Pakawalan mo kami dito!" Naiinis ako! Nagkwekwentuhan lang kami sa labas ng bahay ng biglang lumitaw ang mga alien sa harapan namin. Tawa ng tawa ang malayang pangit na alien nato!"

Mga Alien: "Ano kami baliw!? kayo ang gagamitin namin laban sa anak ninyo!" Hahaha! "Ikaw pumunta ka sa kanila upang ibalita sa kanilang nasa atin ang mga magulang niya" 

Tauhan: "Masusunod po! Kamahalan"

At nagtungo na nga ang alagad sa naturang lugar.

Napamura si Madison ng malaman niyang ang mga magulang niya ay nasa mga kalaban. "Pano na!?"

Amara: Nabitawan ko ang hawak kong baso sa aking narinig. "Ako na ang bahalang pumunta roon. Kayo naman Wardy ang magiging bahala sa mga kalaban na lulusob"

Edward: "Pero Mara ko! Ayokong may mangyari sayong masama!"

Amara: "Wag kang magalala Wardy ko babalik ako magtiwala ka lang ok!"

Edward:  "Oo mahal ko" at hinalikan ko siya sa labi! "Magiingat kayo!" Sabi niya

Nakarating na si Amara sa kuta ng mga alien. Dahan dahan siyang pumasok sa loob. At isa isa niyang pinapatay ang mga kalaban.

Amara: Sa dami ng mga elien nato ay hindi namin mauubos. Kaylangan kong makita ang reyna ng mga alien. Ang dami ko ng napatay na kalaban bago ako makarating sa isang silid na puno ng itlog at sa hula ko sa loob ng 1 oras ay mapipisa na ito kaya isa isa kong nilagyan ng pang patigil hininga, hihinto ang pinaka puso nila at malalason. Mamatay sila nang walang nakakapansin. Ginawa ko to 1 taon na ang nakararaan kita mo nga nagamit ko rin at nakita ko rin ang reyna na kasalukuyang naglalabas ng itlog. Nakita niya ako!, ngunit dahil sa nanganganak siya ay nanghihina siya kaya dali dali ko siyang nilusob at pinatay. Bago sila pumunta rito napag alaman kong mahihina ang mga babae kaya parating nasa loob lang ng kanilang kuta upang lahian. Matapos kong patayin ang reyna ay lumabas na ako para hanapin kung saan nila nilagay ang mga magulang ko.

"Kamahalan!

Hari: "Bakit?"

"Kasi po nang pumunta ako sa  silid ng reyna ay nakita kong patay na ang lahat ng mga anak mo pati ang reyna

Hari: "Ha!?" Nanggagalaiti ako sa galit "kunin ninyo ang bihag ngayun din!"

Amara: Nakarating narin ako kung nasaan sila nanay. Nanghina ako ng makitang kinakaladkad sila at puro sugat. Lumabas nako sa pinagtataguan ko! "Anak!" Sabay sabay nilang sabi. Umiiyak na si nanay at mommy! "Tapos na ba kayong mag iyakan hahaha!" Sabay tawa niya. Lalapitan ko sa na sila mommy nang may biglang lumitaw na liwanag sa paligid ko! "Aaarrrggg" hiyaw ko sa sobrang sakit.

Hari: "Hahaha! Mayroon karing kahinaan at yun ay aking pinag aralan. Hindi kana makakaalis dyan. Hihigupin niyan lahat ng enerhiya mo! Hahaha!"

Margaret: Nakikita kong nahihirapan na ang anak ko kaya panahon na para maging ina ako sa kanya. Pilit kong inalis ang pagkakatali sa aking mga kamay. Sa wakas nakalas ko rin at dahan dahan akong kumilos upang pakawalan ang mag asawang kumupkop sa anak ko. Masaya ako at minahal nila ang aking anak, matapos ay ang asawa ko naman. Sinabihan kong ialis na ni Nilo sila rito! Nilo: "Magiingat ka Margaret" Tumango lang ako sa kanya. Pag alis nila dahan dahan ang ginawa kong pagkilos upang malapitan ang remote control nila.

Edward: Natapos na namin ang lahat ng mga alien. Nakita ko silang lahat na mga sugatan sa laban may mga nasawi pero masaya kami at naubos na namin ang lahat ng mga alien na lumusob sa amin. Pero kanina pa ako nag aalala sa mahal ko! "Elayka" sabi ko sa kapatid ko "Kayo na bahala rito, Pupuntahan ko si Amara" at sumagot ng "Ok kuya" Wala nakong inaksayang panahon at narating korin ang  kuta ng mga halimaw na alien. Pagpasok ko halos patay na ang lahat ng mga nandito pero may mangila ngilan parin kaya pinapatay ko ang mga nasasalubong ko! "Aaarrgggg!" Narinig ko ang boses ni Amara kaya lalo kong minadali ang pagpasok sa pinaka loob nito.  Nakita ko siyang  nasa loob ng parang salamin na humihigup ng enerhiya niya. Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang galit ko sa alien na tawang tawa pa kaya nilusob ko siya.

Naglaban sila pero nahihirapan si Edward dahil sa dami na niyang nakalaban  at pinakamalakas pa na alien ang hari. Habang hindi napapansin ng mga kalaban, nakatakas na ang mga bihag. Nakarating na si Margaret sa pinaglalagyan ng remote control ng may lumitaw na alien sa harapan niya nang saktong kukunin na niya iyun!

Margaret: Nilabanan kong pilit ang alien nato kaya ko to! Hindi ako susuko para sa kaligtasan ng anak ko at ng lahat kahit ikamatay ko pa.

Amara:  Nakikita ko si Edward na pilit nilalabanan ang hari ng alien kahit hirap na hirap na siya. Naiiyak ako sa aking nakikita, gusto kong tulungan siya ngunit hindi ako makaalis dito. Nang marinig ko ang boses ni mommy, pilit ko tinagilid ang ulo ko upang makita siya. "Mommyyyy!" Hiyaw ko, Pilit sinisira ni mommy ang remote control. Hindi niya iniinda ang mga saksak ng espada. Nang nasira niya yun ay nakita ko ang isang ngiti niya sa akin "Mommyyy!" Tumulo na ang mga  luha ko kasabay ng pagpikit ng mga mata niya.

Master Of All MastersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon