Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Master Of All Master 28

46 7 0
                                        

Sumapit na ang hinihintay ng mag asawa, ang kanilang anniversary. Ngayon kasi magpapakita ang anak nila. Ginanap na nila kahapon para sa mga kaibigan at sa mga kasosyo sa negosyo nila. Marami ngang nagtanong kung bakit nila ginanap kaagad ang anniversary. Samantalang bukas pa naman.

Ang sinabi nalang nilang dahilan ay gusto nilang masolo ang isa't isa sa araw ng anniversary pero ang totoo ay gusto lang nila makasama ang bunso nilang anak na umalis sa piling nila.

Yun kasi ang bilin ng anak nila. Pupunta ito at ayaw niyang may ibang tao sa araw ng paguwi niya.

Margaret: "Nilo tumigil ka nga sa kakalakad mo! nahihilo ako sa ginagawa mong paikot ikot dyan!" singhal ko sa kanya.

Nilo: "Margaret naman e! kinakabahan kasi ako, hindi ko alam kung ano gagawin ko? Kapag kaharap na natin  siya?"

Margaret: "Ako rin naman kinakabahan kaya manahimik ka! Dahil nahahawa ako sa kapraningan mo!"

Cecilia: "Mommy! Daddy! Nandyan napo siya?"

Pinagbuksan nila si Amara, kasama nito si Mikay na aliw na aliw sa mga nakikitang mga display sa bahay ng mga Gonde.

Nilo: "Kamusta ka na anak?" Tanong ko sa kanya. Ang ganda ng anak ko, tumingin lang siya sa akin.

Amara: "Mabuti naman po" Sagot ko naman sa tanong niya. Nakita ko ang mga mukhang nilang sobrang saya Tssk!

Margaret: Nahihiya ako sa anak ko pero paano ako babawi bilang nanay niya. Nilakasan ko ang loob ko at nilapitan siya. "Anak halikayo ng kasama mo at mag miryenda"
Tuwang tuwa naman  ang kaibigan ng anak ko ng narinig ang miryenda.

Habang kumakain ng miryenda ang dalawa ay nakatingin sa kanila ang mag anak na Gonde.

Nilo: Natapos narin magmiryeda si Amara. Kaya hindi na ko magaaksaya ng oras. "Aaannnaaakkk!!!!" Tapos bigla akong lumuhod sa harapan niya at napansin kong ganondin ang ginawa ng magiina ko! "Amara patawarin mo kami sa mga nagawa naming kasalanan sayo" Nagiiyakan na kami dito pero blangko parin ang mga tingin niya  samin. Nang bigla nalang siyang lumapit sa amin at pinatayo niya kami sa pagkakaluhod.

Amara: "Nangyari na ang mga yon at nakalipas. Oo inaamin ko na masakit parin dito sa puso ko ang mga nangyari ngunit sabi ni nanay at tatay hindi mawawala ang mga sakit na kinikimkim ko kung hindi ko susubukang magpatawad"

Margaret: "Ang ibig mong sabihin na maari naming patunayan sa pangalawang pagkakataon na ipakita namin na nagsisisi kami at maipadama namin ang pagmamahal na hindi namin napadama sayo noon?"

Amara: Tumango  lang ako ng tipid.

Tuwang tuwa ang buong mag anak sa sinabi ng nakakabatang miyembro nila.

Cecilia: "Thank you Amara! at biniyan mo kami ng pangalawang pagkakataon na maipadama sayo ang pagmamahal namin" Sinasabi ko yun habang umiiyak ako, parang baliw lang, masaya ako dahil kumpleto na kami.

Madison: "I'm so happy because  nagkaayos na ang aming pamilya. Even though, Amara would not stay to our home but it's fine. "Group hug tayo!"

Matapos ang mga pag uusap nila ay nagpaalam na sila Amara sa kanila, ginabi na kasi sila sa dami ng pinagkwentuhan nila.

Mikay: Saksi ako sa mga nangyari kanina. Kitang kita kong umaliwalas na ang mga mata niya na dati rati ay punong puno ng kalungkutan. Ngayon kaligayahan na lang ang nakita ang saya sa mukha niya.

Amara: "Mikay magaang pala sa pakiramdam ang magpatawad" Sabi ko sa kanya.

Mikay: "Oo naman master"

Amara: "Sana hindi na matapos ang ganito. Yung walang problema yung masaya lang. Walang away at sakitan, nagmamahalan lang at nagkakaisa"

Mikay: "Oo nga no"

Master Of All MastersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon