Aaron: Tulala kami lahat sa nangyari, Hindi ko akalain na ililigtas kami nila at lalong hindi namin akalain na ang batang isip na si Mikay ay ganun kalakas.
Sky: Nandito kaming lahat sa ospital nila Mark. Nagpapagaling ng mga natamo naming sugat sa laban kahapon. "Kung hindi tayo tinulungan ni Mikay malamang ay patay na tayo"
Rafael: "Galing talaga ni Mikay ko"
Marisa: "Kung maka Mikay ka akala mo bang pagaari mo siya ha!?"
Rafael: "Sasagutin din niya ako"
Marisa: "Pano e galit nga sila sa atin?"
Elayka: "Oo nga no? Kuya kumilos ka na ng maging buo na ang barkada"
Edward: "Oo babawi ako kay Amara gagawin ko lahat ng paraan mapatawad niya lang ako"
Mark: "Hindi ba kayo nagtataka kung bakit si Cecilia lang pinainom niya ng gamot at ang husay ng gamot nayun. Wala pang isang minuto ang nakalipas ay naghilom na ang mga sugat niya at nanumbalik ang lakas nito?"
Elayka: "Oo nga! at nung bumulong ito ay ganun nalang ang sayang makikita mo sa mukha nila Cecilia at Madison. Ano nga kaya ang binulong ni Amara sa dalawa at ayaw sabihin sa atin?"
Mark: "Ang malaking katanungan ng tawagin ni Mikay si Amara ng master"
Makalipas ang isang linggo ay balik pasok na sa university silang lahat na parang walang nangyari na masama.
Edward: Naalala ko pa ang napag usapan namin nila dada at daddy noong nakaraang linggo pagkatapos ng labanan namin ng trador na Victor nayon.
FLASHBACK
Edward: "Dada ano po ang pag uusapan natin?"
Arturo: "Apo kilala ninyo raw ang tumulong sa inyo?"
Edward: "Sa katunayan sila ang new friends namin na may sama ng loob sa amin, dahil di namin pinaniwalaan nung una"
Aton: "Diba dalawang babae ang new friends ninyo? at yung isa ay yung gusto mo?"
Edward: Namula ako. "Dad naman e!"
Aton: "Uyy nagbablush ang anak ko"
Arturo: "Magtigil ka nga sa kakatukso mo sa apo ko!"
Aton: "Dad naman e!"
Arturo: "Ibig mong sabihin sila ang tumulong sa inyo kaya kayo nakaligtas?"
Edward: "Opo, Yung kasama po niya yung Mikay po, Ang lakas niya dad!"
Aton: "Ano naman ginawa ng love mo?" Tiningnan ako ng masama ni Edward. "Yung anak ko namumula, ang cute niya"
Edward: "Ang ginawa po niya ay nilapitan niya si Cecilia na nag aagaw buhay na at may pinainom na gamot, wala pang isang minuto ay gumaling lahat ng sugat na natamo ni Cecilia, Tapos bumulong siya kay Cecilia at umalis na kasama si Mikay"
Aton: "Ano ang reaction ni Cecilia?"
Edward: "Bigla itong naging masaya at sabay sila ni Madison na nagtatakbo pauwi sa kanila"
Aton: Nagkatinginan kami ni dad. "Hindi kaya kilala na nila ang sinasabi nilang anak at yun ay si Amara? Kaylangan maobserbahan ang dalawang bata nayun"
Aturo: "Apo ano ang tawag ni Amara kay Mikay nung umalis na sila?"
Edward: "Mikay yun lang naman tawag niya sa bestfriend niya pero ang nakapagtataka ay ang tawag ni Mikay kay Amara"
Anton: "Ano naman ang tawag ni Mikay kay Amara?"
Edward: Tumingin ako sa kanila. "Master masaya niyang tawag kay Amara"
Nagkatinginan nanaman ang mag ama.
Anton: "Anak gawin mong lahat upang mapatawad ka nila"
Edward: "Kahit hindi ninyo sabihin yan ay gagawin ko po talaga"
Arturo: "Mabuti naman kung ganon"
END OF FLASHBACK
Edward: Parang may mali? Sa kinikilos nilang dalawa? Hayaan ko nalang sila kung ano ang pinakakaabalahan nila.
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
AçãoIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
