Master Of All Master 30

52 7 0
                                    


Nakatulog na ang iba sa biyahe. Ang iba naman ay nagkukulitan ng  huminto ang bus. "Mga bata nandito na tayo humanda na sa pagbaba"

Edward: Ang cute matulog ni Amara. Nakatulog kasi siya sa balikat ko. Ang bango ba niya at nakaka adik siyang amuyin. Nang humiyaw ang guro namin na nandito na raw kami sa pupuntahan namin. Kaya ayaw ko man na gisingin si Mara ay kaylangan na dahil kaylangan na namin bumaba ng bus. "Mara gising kana nandito na tayo sa tagaytay" "Hah!" Sabi niya habang humihikab pa.

Amara: "Nakatulog pala ako! Oo na! na gets ko na!"

Hiyawan ang mga students sa ganda ng Tagaytay! Selfie dito selfie doon at kung ano ano pa!

Amara: Habang naglalakad ako ay may nangangalabit sa akin. Naiinis ako at ginugulo ang paglalakad ko ng payapa."Ano ba? Nama-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ni Wardy ang cute kasi. Nakalabi at mukhang iiyak na parang baby. Hindi ko napigilan ang kamay ko na pisilin ang magkabila niyang pisnge. Sabay sabi ko ng ✌lang hehehe.

Edward: Sinusundan ko kasi si Mara ko! Aayain ko sana siyang mamasyal at magpicture sa mga magagandang lugar dito ng may remembrance kami. Kaya kinalabit ko siya. Akala ko nagalit siya ng tumingin siya sa akin na galit at biglang nagsalita na "ano ba?" Kaya napa labi ako at maiiyak na dahil galit na sakin si Mara. Oo nakakabakla man ang mga ginagawa ko! Wala akong pakielam pero nagulat ako ng nawala ang galit niya at napalitan ng ngiting may kasamang panggigigil. Tuwang tuwa siya habang pinanggigilan pisilin ang pisnge ko! Ang sakit na nga e.
Nang nakita nya siguro na nasasaktan na ko ay tumigil siya sabay sabing ✌kaya nangiti ako! "Ok lang! Itatanong ko lang kung gusto mong  mamasyal na kasama ako? at magpicture na din?"

Amara: "Aahh!!! hhhmmm!!! Ok! Tara na"

Edward: Gulat na gulat ako at natuwa na rin dahil pumayag siya na mamasyal kaming dalawa. Para narin kaming magdedate ni Amara. Gusto kong humiyaw pero hindi ko magawa. dahil ano nalang iisipin niya sa akin? na baliw ako?

Namasyal nga ang dalawa na magkahawak kamay at masayang nililibot ang Taal Volcano. Picture sila ng picture.

Elayka: Nasaan naba si bf ko? Lakad, lakad hanggang natanaw ko na ang bf ko na nilalandi ng babaeng linta. Humanda ka sakin ngayon mark.

Mark: Magkasama kami ni Aaron nanamamasyal. Nahiwalay kasi kami ni gf ko! Lintek na Aaron nato tinawag pa ang mga babaeng to! Walang ginawa kung hindi lumingkis sa akin. "Hi Mark" sabi  niya sabay pulupot ng mga braso niya sa akin. Kaya pilit kong tinatangal ang mga kamay niya ng kinakalabit ako ni Aaron. "Bakit ba?" sabi ko. Nginuso niya ang harapan namin. Kaya tiningnan ko kung sino yun. Laking gulat!😲 ko ng makita ko gf ko! Bumubulong sa akin si Aaron ng lagot ka😱 Kaya dali dali kong itinulak ang babae kahit na nasaktan ito ay wala na kong pakialam.

Elayka:. 😤😡😠 lumapit ako sa babe ko! Hindi pa ako nagsasalita ng nangatwiran na ito. "Babe hindi ako nakikipaglandian ha. Nasalubong lang namin ang mga babaeng yan at nakipag landian na si Aaron. Kaya pati ako ay nadamay" Sabi niya "Alam ko naman na hindi mo ko ipagpapalit sa babaeng linta" sabay tingin ko sa babae. Aalis na sana si Aaron ng hawakan ko ang damit niya. "San ka pupunta aber?"

"Dyan lang sa tabi tabi" Sabi niya. "Kung ano ano ang ginagawa mo!" Binatukan ko nga. "Aray bakit ka ba  namamatok?" Nginitian ko lang siya ng ubod ng tamis. "Kung maglalandi ka lang wag na wag mong isama ang babe ko! Naiintindihan mo ba!?" Paninita ko sa kaniya  "Oo na!" Good sabi ko.

Madison: "Naibigay mo ba?"

Cecilia: "Oo"

Madison: "Masaya ako dahil kahit papano ay napapatawad na niya tayo"

Cecilia: "Oo sana magtuloy tuloy nato"

Mikay: "Wow! Ang daming baon ni Rafael. Sarap ng mga baon mo! Thank you ha!" Bigla siyang namula. Kaya sinalat ko ang noo niya wala naman siyang lagnat. "Ok kalang?" Tanong ko sa kanya.

Rafael: Nandito kami sa mga kubo. Marami rin ang mga nandito upang kumain. Namula ako ng nag thank you si Mikay sa akin. Jahe nakakabakla.

Sky: Nasaan na kaya sila? Tingin sa harap, kanan, kaliwa at likod pero wala naman siya. Teka si Marisa yun ha!

Marisa: Abala akong mamili ng mga souvenir na isasalubong ko kayla mommy at daddy. Nang may nangalabit sa akin. "Marisa nagiisa ka?" Si Sky lang pala. "Oo" sabi ko lalang.

Sky: "Mukhang na dismaya ka ng ako ang nakita mo?"

Marisa: "Hoy hindi ahh! Bakit naman ako madidismaya? Kainis kang pangit ka! pumunta ka na nga kay Cecilia!" Pinagtabuyan ko nga.

Habang nagsasaya sila sa pamamasyal ay nagsisikilos ang mga kalaban nila. Upang lumusob at bihagin ang mga magulang nila.

Victor: Akala nila nanahimik na kami. Nagkakamali sila ngayon magbabayad sila. Lalo na ang palakamerang babaeng yun.

"Yuang master nakuha napo namin ang mga magulang nila ng walang kalaban laban. Kasama narin po ang Tita at Tito ni Mikaela De Guzman"

Victor: Tingnan natin ngayon ang galing mong palakamera ka!? Hahaha!!!

Master Of All MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon