Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Master Of All Master 17

59 7 0
                                        

Mga Kalaban:

"Ano may balita na ba kayo kung nasaan  ang Katana?"

Tauhan: "Mayroon na po master!"

"Saan mo matatagpuan?"

Tauhan: "Sa bansang Japan po master"

"E an" ba ang hinihintay ninyo dyan!  hala sige alis na at pag hindi ako naka pagpigil ay mapatay ko pa kayo!"

"Dad nandito  na po ako!"

"Nandyan ka na pala anak! Ano na balita ng pinagagawa ko sayo?"

"Nagawa ko na po ang pinagagawa mo!"

"Very good anak! maasahan ka talaga!"

Sabay tawa nilang mag ama.

"Pupunta pala ako sa  Japan nalaman  narin kasi nila na nasa Japan ang isa sa mga sandata"

"Ok magiingat ka anak!"

"Opo dad!"

Mikay: "Mula nang dumalo kami ni master sa party naging malungkot na siya"

Ruben: "Sino sino ba ang naging bisita sa party?"

Mikay: "Karamihan ng mga magulang ng mga kaibigan namin. Family Dela Cruz, Ayala, De Leon, Lacson, Dantis, David at Family Gonde"

Nang binanggit ni Mikay ang huling pamilya ay biglang parang nag alala sila sa mahal nilang anak. Hindi lingit sa kaalaman nila ang mga pinagdaanan ng anak sa tunay na pamilya.

Amelia: "Mahal kung ganon  kaya nagkakaganyan ang anak natin ay naalala niya ang masasama niyang nakaraan?"

Mikay: "Nakita kaya niya ang tunay na magulang kaya siya malungkot"

Ruben: "Oo kaya sana Mikay e ikaw muna ang magpasensiya kay Amara dahil sa ngayon ay magiging mainit ang ulo niya"

Mikay: "Opo tito! Makakaasa ka! Ako na po bahala sa master ko"

Amelia: "Maasahan ka talaga!"

Naglalakad patungo sa madilim na lugar si Amara upang mapagisa. Nang may bigla nalang humarang sa daan niya.

Adik 1: "Wow mga pare kapag sinuswerte ka nga oh!"

Adik 2: "Oo nga mga pare anak mayaman! pare sobrang ganda"

Adik 3: "Hi Miss! mukhang nagiisa ka ha?"

Amara: "May nakikita ka bang kasama ko! mga tanga diba wala!!!"

Adik 2: "Matalas ang dila mo miss super ganda ha"

Amara: "Tsssk!! Alis dadaan ako!"

Adik3: "Alis daw sa daan mga pare"

Hahahahaha!!!!!Tawanan nilang lahat.

Adik1: "Kung ayaw namin miss!titikman ka pa namin e hahaha! Paliligayahin mo ba kami? hahaha!"

Amara: "Alam ninyo kung nangangati yang mga junior ninyo ay kiskis ninyo sa pader! Makaalis na nga at baka makapatay pa ako ng wala sa oras nito"

Adik: "Matapang ka ha! Miss yan ang gusto namin yung tipong palaban mas masarap kapag ganon!"

Tumutulo na laway sa pagnanasa sa kanya. Nagsimula na nilang paikutan si Amara. Hahawakan na sana siya ng adik ng bilang nabali ang kamay nito ng hindi niya namamalayan.

Amara: "Sinabihan ko na kasi kayo na umalis sa dadaanan ko! Matigas ang mga kokote ninyo!!!"

Mga adik: "Walangya kang babae ka!
Nanggagalaiti sa galit ang mga adik sabay lusob kay Amara. Ilag lang ng ilag si Amara sa mga kalaban sabay ngisi.

Amara: "Nakakaaliw din pala ang manakit ng tao"

Napatigil ang mga adik sa narinig nila at nang  humarap muli sa kanila so Amara  ay parang may kakaibang kilabot sila na nadama. Kung kanina ay maamo at hindi makabasag pinggan ngayon naman ay mukhang taong papatay ng walang awa.

Nawala ang pagkahigh ng mga adik sa pagkakataon nayon. Sabay nagtataasan ang mga balahibo nila.

Nagsimula ng humakbang palapit sa kanila  si Amara. Alam nilang wala silang laban sa nilalang na kaharap nila. Lumusob na si Amara sa mga kalaban at hindi nagawa pang lumaban kay Amara sa isa iglap lang ay bagsak na ang isa. Susubukan sana ng pangalawa ang saksakin siya ng ipitin lang ng daliri ni Amara ang kutsilyo at putol putulin ito.

Naglalagi ang mga mata nito na napatingin kay Amara. Sabay ngisi naman ni Amara at sipa at tumalansik ito ng malakas sa pader.

Nanginginig na umaatras ang isa na nagkandaihi pa sa takot! "Maawa ka wag mo akong papatayin"

Nginisihan lang ito ni Amara. Sabay hagis ng kahoy sa paa nito kaya napahiyaw sa sakit ang adik. Sabay bagsak sa lupa at nawalan ng malay.

Amara: "Pasalamat pa kayo nakontrol kong wag kayong patayin! Pero hindi ako makapapayag na gumawa pa kayo ng katarantaduhan kaya nilumpo sila ni Amara. Sabay ngisi at iling.

Mikay: "Naglalakad kami sa loob ng campus at pinag uusapan yung balita kaninang umaga sa TV na may nakitang tatlong lalaki sa iskinita sa Maynila na walang mga malay at ang malupet ay mga lumpo na ang mga ito. Mukhang sinadyang lumpuhin para hindi na makapag biktima pa.

Rafael: "Oo nga! sabi pa sa balita naglabasan daw ang mga nabiktima ng tatlong yun!"

Elayka: "Buti nga sa kanila!"

Master Of All MastersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon