Master Of All Master 35

44 5 0
                                    


Elayka: "Tinanong mo ba si Amara kung san tayo pupunta?" Tanong ko kay Mikay.

Mikay: "Hindi e, Kasi pag sinabi niyang mageensayo tayo. Siya lang ang nakakaalam ng lugar nayun. Masiyadong mahigpit si master pagdating sa pagtuturo. Kaya wag kayong kampante na hindi niya kayo pahihirapan" Sabi ko sa kanila at natakot ko yata sila.

Maya-maya lang ay may nakita silang space ship na umiikot ikot. Kaya nagpanik sila.

Mikay: "Hoy kumilos na kayo! Aalis na tayo!" Napamaang ang kasamahan nila "Oh tutunganga nalang ba kayo?"

Rafael: "Baby ko, Wala pa si master?"

Mikay: "Tara na! ayaw ni master ng naghihintay!"

Rafael: "Ha!?"Tapos huminto ang space ship grabi ang ganda di tulad ng napapanood kong space ship ng mga alien.

Nagulat ang lahat ng bumukas ang pinto ng space ship kaya kahit mga takot sila ay naghanda silang ipagtanggol ang mundo laban sa mananakop.

Edward: Lahat kami ay naging alerto sa paglabas ng sino man sa loob ng space ship nayun.

Elayka: Aaminin ko medyo natatakot ako. Diba nga! Wala kaming naging laban sa alien na nilabanan namin. E mukhang mas mahuhusay ang mga new aliens na ito.

Napapalunok ng laway silang lahat ng biglang kumilos ng maglakad si Mikay na ipinagtaka nila.

Mikay: "Hoy! Tutunganga na lang ba kayo dyan!? Magagalit na si master niyan sa atin! Kung hindi pa tayo sasakay ng space ship. Kay hihinang umintindi kanina pa ako nagsasalita na nandito na si master!" Sukat na pagkamalan nilang aliens ang huminto kaya napaghahalataang mga takot. Hindi ko tuloy mapigil na hindi matawa.

Edward: Kanina pa ko napipikon kay Mikay. Sabi ng sabing aalis na kami at dumating na ang Mara ko! E wala pa naman. Tapos ngayon naman tawa ng tawa eeeerrrrgggg!!! Napipikon nako sa kanya nang biglang may nagsalita sa space ship. "Ano ba hindi pa ba kayo sasakay dito!?" Galit na sabi niya! Kilala namin ang boses na yun! ng biglang nagsalita si Mikay. "Sasakay na po Master!" Doon ko napagtanto na ang space ship na huminto sa amin ay kay Amara pala at ngayon ay mukhang galit na.

Mikay: "Sabi ko kasi sainyo na nandito na si master ayaw ninyo pang kumilos. Ayan tuloy nagagalit na!"

Kaya nagmamadali ang lahat sa pagsakay sa space ship. Nang nakasakay na sila ay mang hang mangha sila sa nakikita.

Edward: "Ang ganda naman ng loob nito at pati mga upuan ay kumportableng gamitin . Hindi ako makapaniwalang ang mahal ko ang gumawa ng space ship nato. Talagang pinahahanga niya ako!

Rafael: "Wow!" Manghang sabi ko. Tuwang tuwa ako dahil ngayon lang  ako nakasakay ng space ship.

Nang makasakay na ang  lahat sa space ship ay umandar na ito. Namangha naman ang lahat sa nakitang mga tanawin sa kalawakan.

Elayka: Hindi ako makapaniwalang nakasakay ako sa isang space ship na ganito! "Mikay alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Mikay na naglalambing kay Rafael Tssk!! "Hindi ko rin alam kung saan yun e" Sagot niya sa akin! "Okay" tanging nasabi ko.

Makalipas ang labing walong oras na pagbiyahe sa kalawakan, huminto narin ang spaceship. "Yeehh!" hiyaw nilang lahat.

Edward: Sa wakas ay  humito na ang spaceship. Ano kayang planeta to?

Bumukas na ang pinto na hudyat upang lumabas silang lahat. Nang nakalabas na sila ay lalo pa sila namangha sa ganda ng paligid pero lahat sila ay nanglaki ang mga mata ng makita nila ang malalaking nilalang na nakatira doon at hindi nalalayo ang anyo ng mga hayop doon. Ang pinag iba lang ay malalaki sila na parang mga higante.

Amara: "Siguro nagugulat kayo at nagtataka sa nakikita ninyo, ang kalikasan dito ay hindi nalalayo sa ating mundo. Ang pinag iba lang ay ang naglalakihan ang mga naririto, Isa pa walang polusyon sa planetang Nuria at ngayon ay hihanda na ninyo ang inyong mga sarili sa pageensayo. Bukas ko na kayo tuturuan. Ngayon ay maghanda na muna kayo ng ating pagkain at pag katapos ay maagang matulog ng may lakas kayong harapin ang mga ipagagawa ko sa inyo!"

"Opo master sagot nilang lahat!"

Sa planetang Gima ay nagpupulong pulong ang mga nakakataas upang pagusapan ang kanilang gagawin na hakbang upang masakop na nila ang mundo.

Humahangos na tauhan nila. "Oh bakit  nagiisa ka? Nasaan ang mga tauhan mo?" Tanong ng kanilang hari. "Wala na po sila nakatakas lang po ako at pinilt na makabalik dito para maipaalam ko sainyo kamahalan na may isang malakas na nilalang na nakatira sa planetang earth"

Hari: "Mga inutil akala ko ba kaya ninyong sakupin ang planetang earth sa loob lang ng ilang araw!? Tapos nabigo kayo sa inyong misyon!"

"Maawa po kayo kamahalan!"

Pero walang awa parin niyang  pinutulan ng ulo ang tauhan. Nangisay ito habang sumisirit mula sa leeg nito ang sariling dugo.

Hari: "Maghanda kayong mabuti at may mga hahadlang sa atin. Kung ayaw niyong matulad sa kanya! Maliwanag ba!?"

"Opo Kamahalan!"

Elayka: Naglalakad kami nila Mikay, Cecilia, Marisa at Madison. Namamasyal kami kasi bukas siguradong mahihirapan na kami. Nakakatakot pala si Amara pag nagseryoso at magtuturo siya. Sabi ni Mikay parang nagiging  halimaw daw to sa oras na magsimula na itong magturo.

Cecilia: May nakita kaming mansanas pero halos malula kami sa  laki nito. Sabi kanina ni master maari namin itong kainin kahit na malalaki.

Marisa: Kumain ako "Woah! ang sarap naman nito at kay tamis pa!"

Master Of All MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon