Amelia: "Nagising kana pala iha? May masakit ba sayo?"
Amara: Wala po! Sino po kayo? Nasaan po ako?
Amelia: "Nasa bahay ka namin ng asawa kong si Ruben. Nakita ka namin sa gilid ng kalsada"
Ruben: "Nawalan ka kasi ng malay iha! Kaya tinulungan ka namin"
Amelia: Ano nga pala ang ng yari sayo? At palakad-lakad ka sa kalsada?
Amara: Biglang umiyak
Ruben: "Huwag kang umiyak iha!"
Amara: "Lumayas po kasi ako samin"
Amelia: "Bakit ka lumayas sa inyo?"
Amara: "Wala naman po silang pakialam sa akin. Galit sila sa akin dahil malas daw po ako"
Amelia: "Tahan na! Huwag kanang umiyak. Hindi ka malas ang ganda mo ngang bata"
Ruben: "Ano nga pala pangalan mo iha?"
Yumuko ang ulo ng bata sa tanong ng may edad na lalaki dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin dahil wala siyang pangalan.
Amara: Tumingin ako sa dalawang mabait na magasawa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo na wala akong pangalan.
Amelia: Ayos ka lang ba iha?
Amara: "Ah! kasi po wala akong pangalan"
Ruben: "Paanong wala kang pangalan? Nawalan ka ba ng ala-ala?"
Amara: "Hindi po! Hindi lang nila ako binigyan ng pangalan. Kung ano ano lang ang tinatawag nila sa akin.
Amelia:Panong kung ano ano?
Amara: "Tulad po ng tanga, malas, bobo, palamunin at kung ano ano pa. Basta hindi magandang salita Ang tinatawag nila sa akin"
Nahabag ang magasawa sa sinapit ng bata sa sarili nitong mga magulang. Kaya naman napaisip ang magasawa.
Amelia: "Mahal ito na siguro ang matagal na natin dalangin sa Panginoon"
Ruben: "Oo nga mahal! Tama ka!"
Amelia: "Tayo nalang ang umampon sa kanya Ruben"
Ruben: "Baka may maghanap sa bata?"
Amelia: "Narinig mo ba kanina ang sinabi ng bata. Lumayas siya sa kanila dahil di na niya nakayanan at higit sa lahat kahit pangalan hindi siya binigyan. Anong klase silang magulang!?"
Ruben: "O siya tama nayan mahal at baka ma-high blood ka nanaman.
Tayo na lang ang aampon sa bata"
Amelia: Masayang masaya sa sinabi ng asawa "Salamat po Diyos ko! At hinayaan mo kaming maging mga magulang ng asawa ko"
Maiyak-iyak sa tuwa ang ginang sa oras nayon at nagtatalon pa siya.
Amelia: "Iha okay na ba ang pakiramdam mo?"
Amara: "Opo ayos na po ako! salamat po pala sa masasarap na pagkain na ganito.
Amelia: "Mabuti naman at nagustuhan mo ang niluto ko"
Ruben: "O mahal wagas kung makangiti ka ha?"
Amelia: "Oo naman! Masaya lang ako at nagustuhan niya ang aking mga niluto. Pano mahal? ngayon na ba natin sasabihin?
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
ActionIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
