Cecilia: "Sinasabi ko na nga ba! Na ikaw ang trador sa ating samahan!"Victor: "BWAHAHAHA! Ako nga, wala na namang silbi kung itatago ko pa ang aking tunay na pagkatao kaya lang naman ako nakipagkaibigan kay Edward ay dahil kaylangan namin malaman kung nasaan ang mga sandata"
Cecilia: "Hayup ka!" Nilusob ko ang traydor nato pero malakas siya, hindi ko siya matatalo kung mag-isa lang ako. "AAAAarrrggg!" daing ko tinamaan ako ng suntok niya "AAAAaahhhh!" Tumalansik ako at tumama ako sa pader.
Victor: "HAHAHAHA! ngayon katapusan muna!" Kinuha ko ang maliit na katana na nakaipit sa jacket ko. Isasaksak ko na sana sa babaeng ito nang biglang may tumama sa kamay kong bato kaya nabitawan ko ang hawak ko.
Edward: "Hindi ako makapaniwala na ang matagal ko ng kaibigan ay isa palang trador at kalaban!" Hindi ako makakilos sa nalaman ko.
Ken: "Sinasabi ko na nga ba! Unang kita ko palang sayo alam ko ng hindi ka mapagkakatiwalaan"
Victor: "Ano naman sayo!? Hahaha!!!Oo nga pala kay sarap pakinggan ang boses ng iyung pinakamamahal na ina habang nagmamakaawang naghihingalo HAHAHAHA!"
Ken: "Walang hiya ka! papatayin kita!" Nilusob ko siya pero iwas lang siya ng iwas kaya hindi ko matamaan. Nangingisi lang siya sa bawat tira ko, nahawakan niya ang aking kamao at ito'y sinuntok sa akin. "Aaarrrggg!"
Edward: Natauhan ako ng nakikita kong naagrabiyado na si Ken.
Nagtulong na sila upang labanan si Victor ngunit wala parin silang kalaban laban dito sadyang malakas ang kalaban. Pilit namang tumayo si Cecilia upang tulungan sila.
Sisipain ni Edward sa likod si Victor at susuntukin naman ni Ken sa tiyan si victor. Kaya nahihirapan siya sa ginagawang kampihan, nang susuntukin niya si Edward bigla siyang hinampas ni Cecilia ng tubo sa ulo kaya dumugo ito.
Nang biglang may mga nagdatingang kalaban. "Yuang master patawad at nahuli kami"
Victor: "Tsk! Bakit ngayon lang kayo!?"
"Marami po kasi kami nakalaban sa daan"
Tinulungan nila si Vitor sa pakikipag laban kaya naaagrabiyado na sila. Nang dumating sila Rafael at ang iba pa tumulong sila kila Edward na makipaglaban ngunit sadyang marami at malalakas ang kalaban kaya wala silang nagawa.
Madison: "Ate kaya mo pa ba?"
Cecilia: "Siiisss! Iiikaw na bahala kila mommy at daddy!"
Madison: "Wag mong sabihin yan! Ate wag mong sabihin yan huhuhu!!! Kaya mo yan! dadalhin kita sa ospital huhuhu!!!"
Cecilia: "Makinig ka sa akin Madison tumakas ka na! Marami ang kalaban hindi natin silang kaya. Masiyado silang malalakas. Tingnan mo mga kasamahan natin hindi na nila kaya" Pinagtutulakan ko na si Madison na tumakas dahil nangangamba ako sa mga mangyayari pa.
Victor: "Ngayon na ang katapusan ng inyong grupo! Pagkatapos namin kayong patayin ay susunod naman namin ang samahan ng mga Santos BWAHAHAHA!" tawanan nila.
Edward: "Hayup ka Victor! Tinuring kitang tunay na kapatid ito pa ang isusukli mo!?"
Victor: "Hindi ko kasalanan na tanga ka! Paalam my best friend" sabay tawa ko hahaha!!!
Habang nakatalikod si Madison ay may paparating na kalaban at may dalang espada. Pahampas sa kanya ang espada kaya napapikit nalang siya.
Pero wala siyang naramdaman na tumama sa kaniyang katawan kaya napadilat siya at nakita niya si Mikay na sinangga ang espada sa pamamagitan lang ng maliit na kutsilyo.
Mikay: "Hoy Pangit! Naligo ka na ba?"
"Ano sabi mo!?"
Mikay: "Ay binge panget nanga mabaho pa binge pa! Tsk." sabay iling ng ulo ko.
Rafael: Kahit nahihirapan nako dito ay hindi ko mapigilan na matawa, nakakabilib talaga mang asar si Mikay.
"Tumahimik ka!" sabay atake ng kalaban. Hahampasin na sana siya ng kalaban ngunit sadyang mabilis si Mikay dahil sa isang iglap lang ay nakabulakda na ang kalaban"
Mikay: "Next!" nagsilusob ng sabay sabay ang mga kalaban sa kanya.
Isa isa niyang sinasangga at pinatatamaan sa mga puso, batok,at iba pang bahagi ng katawan ang mga kalaban kaya hindi siya nahirapan na patumbahin ang mga ito.Mikay: Tumingin naman ako sa direksiyon ng utak ng kaguluhan na ito.
Victor: "Sino ka bang pakialamera ka!?
Mikay: Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, wala namang tao doon ha?
Victor: "Tanga ikaw ang kausap ko!may nakikita ka bang ibang tao? Diba wala?"
Mikay: "Aray naman kung makasabi kang tanga ha? Bakit genius ka ba ha!? Akala mo kung sino kang matalino! Malay ko bang ako ang sinasabihan mo? May pangalan ako at hindi babae ka? Kaya ikaw ang bobo!"
Victor: Nakakabwisit na babaeng to. Nilusb ko siya pero lahat ng atake ko ay ganun nalang niya kadaling iwasan. "Arrgg!" daing ko sinipa lang naman niya ako ng ubod lakas at hindi ko man lang napansin.
Biglang may lumitaw na nakaitim at hinarang ang suntok na itatama sana ni Mikay kay Victor.
Mikay: "Alam kong malakas ka diba?" sabay ngisi ko at napalunok naman ang kalaban.
"Halika na umalis na tayo masiyadong malakas ang babaeng yan" Sabi ng kasamahan ni Victor at umalis buhat buhat ang namamalipit sa sakit na si Victor.
Mikay: "Aalis na kayo? nakikipaglaro pa ako! Hoy bumalik kayo rito! Mga duwag! bye, bye mga duwag" sabay dila ko.
Amara: "Isip bata ka talaga!"
Mikay: "Master!" Sabay tingin niya ng masama kaya nag zipper sign ako. Takot ko lang kay master.
Cecilia: "Amara kapatid ko!" Pabulong kong sabi ngunit narinig parin niya. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at may sinubong gamot sa bibig ko. Wala pang dalawang segundo ay unti-unting gumaling ang mga sugat ko!"
Amara: Pagkatapos kong ipainom sa kanya ang gamot ay bumulong ako sa kanya. "Sabihin mo na darating ako sa anniversary ng kasal nila ayokong ipagkalat mo ang sinabi ko!" Tumango lang siya at tumayo na ako.
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
AcciónIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...