Amara: Alam mo yung feeling na kanina ka pa naiirita, noon isa lang ang nangungulit sa akin pero ngayon dalawa na sila. "Ano nanaman ba ang trip mo Wardy?"
Edward: hehehe! "E kasi itatanong ko lang kung ano ang babaunin mo bukas" Sabi ko sa kaniya "Bakit kaylangan kong magbaon bukas?" Sabi niya sakin. "Wag mong sabihing nakalimutan mong fieldtrip natin bukas?"
Amara: Para akong tanga sa mga nangyayari sakin ngayon.
Hindi ko alam kung kaylan nagsimula ang mga nararamdaman ko, basta sa tuwing nakikita ko siya na ngumingiti ay napapangiti narin ako at kapag nagkakadikit ang aming mga balat ay para akong nakukuryente.
Tulad ngayon bumibilis ang tibok ng puso ko sa kakangiti niya sakin. Sabihin niyo nga sa akin kung maysakit ba ako?
Elayka: "Hanny ko sana parati tayong ganito!"
Mark: "Oo naman, Baby ko! Sayo lang ang puso ko!"
Elayka: "Promise mo yan ha!"
Mark: "Oo baby ko, I love you!!!"
Elayka: "I love you too!!!" Pagkasabi ko noon ay bigla ko nalang naramdaman ang malambot niyang labi. Oh! Ang sarap talaga niyang humalik para akong nasa cloud9. Naadik ako kaya wala nakong inaksaya na panahon at ginantihan ko rin siya ng pamatay kong halik.
Sumapit na ang araw ng biyernes. Maaga silang mga gumising upang magsipaghanda sa fieldtrip.
Margaret: "Anak, Ito ang baon ninyong magkakapatid. Ito sa inyo Madison at ito naman para sa bunso mong kapatid" bigla akong lumungkot.
Cecilia: "Ayos ka lang mommy?"
Margaret: "Oo anak, Namiss ko lang ang kapatid mo"
Cecilia: Niyakap ko si mommy. "Wag po kayong magalala dadalaw din siya sa inyo, Nagaadjust pa kasi siya kahit nga makipagkaibigan sa kanya ay pahirapan pa dahil nga hindi siya basta basta naniniwala at nagtitiwala"
Nagyakapan ang magina at nagtawanan. Umaasa parin na buo at masaya ang kanilang pamilya.
Madison: "Ate tara na! Tumawag na si Erica at nasa school naraw siya"
Cecilia: "Wow na wow lang ha! Excited much lang ang peg!!!"
Elayka: Sana makakuha kami ni hanny ko ng upuhan na tabi kami! Tapos magkayakap kami buong biyahe! Iihhhh!!! Kinikilig ako sa naiisip ko!
Edward: "Aray!" Sabi ng twin sister ko binatukan ko kasi.
Elayka: "Bakit ka ba namamatok dyan?"
Edward: "Pano yang utak mo? Kung saan saan na naman lumilipad. Malelate tayo at mahihirapan tayo na humanap ng mauupuan"
Elayka: "Utot mo! Ang sabihin mo gusto mo lang na maaga pumunta doon para makahanap ka ng dalawang upuan at ng maaya mo si Amara na makatabi. Tapos sisimple chansing ka!"
Edward: "Oo gusto ko siyang katabi pero hindi ko siya chachansingan no! Gusto ko lang makatabi si Amara"
Aaron: "Ohh Marisa mahal ko! Halikan mo ako!" nginuso ko ang aking bibig at handa ng mahalikan ni my love! Ayan na malapit na😚sunog, sunog. "Saan? nasaan ang sunog?" Makita kita ko ang magaling ko lang palang nanay di nagising karin. "Nakakainis naman oh! hindi pa natuloy yung kiss ni my love" Sabi ko
"Kasi totorpe torpe ka!" Ayan na naman si mommy nang aasar. "Mommy naman e!" Tumawa lang siya. "O ano pa tinatanga tanga mo dyan gusto mo bang mahuli sa fieldtrip ninyo?" Ay oo nga pala kaya dali dali akong tumayo at nagmamadaling pumasok ng banyo.
Rafael: Nandito nako sa school kasama ko si Sky na dumating.
Sky: "Ano ba yang mga dala mo? Para isang taon tayo sa pupuntahan natin?"
Rafael: "Mga pagkain namin Mikay ko to, Mahirap na e kung magutom kami di kawawa naman kami ng sweety ko!
Sky: "Hanep pare! may tawag ka na ngayon ha?"
Rafael: "E ano ngayon inggit ka lang, Kasi ligawan mo na si Cecilia. Alam ko naman na love na love mo yun e!"
Sky: Bigla kong tinakpan ang bibig niya. Tamang tama namang kararating lang din nila Cecilia. Montik nako doon huh! Sabay tingin ko kay Rafel. Tatawa tawa lang siya sa akin at sabay piece ✌ sign
Nagdatingan na silang lahat at kanya kanya na sila ng hanap ng mga upuan. Nang bigla silang natingin sa pinto ng bus.
"Wuahh!" sabi ng maraming tao sa loob ng bus.
"Ang ganda talaga ni Amara" Oo nga bulungan nila.
Naghahanap silang dalawa ni Mikay ng mauupuan ng biglang may nagsalita sa may gawing kanan.
Edward: "Amara dito ka nalang maupo!"
Rafael: "Ikaw rin Mikay dito ka nalang maupo sa tabi ko!"
Tumingin ang dalawa sa ibang upuan ngunit wala ng bakanteng upuan. Kaya no choice sila kung hindi maupo sa tabi ng dalawang nagpapaupo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Master Of All Masters
ActionIsang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niya ng solusyon ang lahat. Sa buhay natin, hindi na maiiwasan ang magmahal lalo na sa taong napapalap...
