Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

"Master Of All Master"39

108 6 0
                                        

Amara:
Sa sobrang galit ko nilusob ko ang pumatay sa mommy ko! Walang awa kong pinatay ito at ng humarap ako! Nakita kong hirap na hirap ng makipaglaban si Edward. Nang tinangka siyang saksakin ng hari ay isang malakas na  puwersa ang pinakawalan ko at ipinatama sa hari na nagdulot ng malaking pinsala sa katawan ng hari pero hindi ininda ng haring yun. Kaya nagsagupaan kami at walang gustong magpatalo. Maririnig mo lang ay ang kalasing ng mga espada. Sinipa ko ng malakas ang hari pero mabilis na tumayo ito at nilusob ako. Tinamaan ako sa tiyan ng espada kaya dumaloy ang aking dugo. Ngunit hindi ko ininda ang hapdi at sakit. Nilusob ko siya ng sunod sunod at lahat ng alam ko ay ginamit ko dahil sa sobrang bilis ko ay hindi na nagawa ng hari ang makalaban pinaghahati ko ang hari gamit ang espada hanggang mamatay ang hari. Unti unting nagdilim ang paningin ko at tuluyan ng  bumuwal.

Makalipas 5 taon

Amara: "Inilagay ko ang 12 rosas sa harapan ng lapida ni mommy. "Mommy maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin! I love you po! Ito na naman ako at ang asawa ko. Kasama rin namin ang mga apo mo!  Ang kukulit nga po nila. Mommy kung nasaan kaman gabayan mo kami" Nagsimula na kaming umalis ni Wardy. Ang bilis ng panahon parang kaylan lang ang mga nangyari. Pagkatapos kong gumaling sa mga natamo ko ay tinupad nga ni Wardy ko ang kanyang promise sa akin na papakasalan niya ako! Ikinasal kami sa simbahan at pagkalipas lang ng ilang taon. Mayroon na kaming 3 anak. Ang panganay ay si  John Edward Santos. Pangalawa ay Antony Edward Santos at ang princess namin ay pinangalan niyang  Elisa Santos.

Amara:
1 taon lang matapos namin kinasal ay nagpakasal din sila Mikay at Rafael. Biniyayaan sila ng isang baby girl pero ang malala ay sila Elayka at Mark buntis na pala 3 buwan ng ikinasal kami ni hubby. Nagsilang siya ng twins babae ang mga anak nila at nagpakasal narin pagkatapos manganak. Si Aaron at Marisa ay katatapos lang ikasal at kasalukuyan nasa honeymoon. Si ate Cecilia at Sky ay  ikakasal na sa isang buwan. Si ate Madison ay wala atang planong magkalove life. Maraming nang liligaw pero hindi niya raw gusto ang magkalove life masarap daw ang maging single, gusto atang mag madre"

Edward: "Mara ko! Ano iniisip mo?

Amara:  "Iniisip ko ang mga pinagdaanan natin mga pagsubok" Himas himas niya ang tiyan ko! Malaki na kasi. 7 buwan na ang baby namin. Masipag kasi si Wardy ko!
"Daddy nagugutom na kami" "Wait lang mga anak!" Sabi niya at nagluto na siya. Nangingiti na lang ako! Ang suwerte ko sa Wardy ko! Mahal na mahal niya kaming mag–iina. Hindi nga niya hinahayaan na magutom kami. Noon iniisip ko kung bakit parang walang nagmamahal sa akin. Pero biglang ibinigay sa akin sila nanay at tatay. Makalipas lang ang ilang taon nakilala ko ang mga naging tunay kong kaibigan at ang aking pinakamamahal na asawa. Nagkapatwaran lami ng tunay kong mga magulang. At sama samang lumaban. Tunay ngang mayroong mga darating na pagsubok sa ating buhay pero kahit parang wala ka ng makapitan ay wag kang mawawalan ng pag- asa. Kapit lang sa Diyos at Eka(sabi) nga habang may buhay may pag- asa.

Edward: "Mara ko! Kakain na tayo!"

Amara: "Oo sige pupunta na!" Tinatawag na ko mahal ko ang sweet talaga!

Mikay:
"Hubby wag dyan nakikiliti ako! Hahaha! Wifey sundan na natin si baby girl ng magkaroon na tayo ng baby boy" sabi ng asawa ko at hinalikan ako! Nagising ako sa sinag ng araw. Napagod kasi ako kagabi. Alam ninyo na sinipag ang hubby ko.

Elayka: "Meryenda time na! Yehey!" Sabi ng twins namin. "Wala na tayong mahihiling pa diba mahal?"

Mark: "Oo naman mahal ko!" At sabay sabay kaming kumain ng fish ball.

Aaron: "Wala na yatang sasaya pa sa nararamdaman ko! Kasi natupad na ang pangarap ko na makasama ko sa pagtanda si Marisa honeymoon namin ngayon "Excited na kong bumuo ng isang dosena Aray! Sweety!" Binatukan ako ng marinig niya yun "Ano akala mo sa akin inahing baboy!? sigaw na sabi niya "Hindi binibiro kalang naman" ngingisi ngising sabi ko

Cecilia: I'm excited na sa nalalapit naming kasal ni Sky. Nandito kami ngayon sa mall namimili kami ng sing sing. "I love you Sky!" paglalambing ko "I love you too Cecilia!" sagot niya at parang may magic na naglapat sa  aming mga labi.

Madison: Masaya ako para sa kanila pero naiinis din. Wala kasi silang ginawa kung hindi kulitin akong mag jowa na. Sakit lang sa ulo yun! "Maari ba akong makaupo sa tabi mo? Miss?" sabi ng isang lalaki na siguro kaedad ko lang "Oo" mabilis kong sagot. Kanina sinasabi ko na sakit lang sa ulo ang jowa. Ay! binabawi ko na! Ang gwapo! Laglag panty ko! Hahaha.

Natapos din. Yehehh!!! Salamat sa mga nagtiis na basahin ang aking kathang isip. Thank you po....❤

Master Of All MastersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon