Chapter 5

170 31 0
                                    

"Ali, naalala mo 'yong taong tumulong sa akin noong jail booth?" tanong ni Althea. Nakaupo kami ngayon sa wood bench malapit sa cafeteria ng school. Kumakain kami ng paborito naming ice cream. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. Simula kasi ng mapatawag sa guidance si Steve ay hindi na kami nabuong anim.

Lima lang talaga ang orihinal naming bilang since first year high school which is ako, Jhela, Steve at ang kambal na sila Jules at Julie. Nagkataon namang madali kong nakasundo si Althea kaya napasama na din siya sa grupo namin.

"Oo, bakit?" sagot ko at saka kinagat ang apa ng ice cream na hawak ko.

"Na-curious lang ako sa kaniya. Hanapin kaya natin siya dito sa buong campus, gusto kong magpasalamat sa kaniya," out of nowhere na suggestion niya.

"Imposible iyang sinasabi mo. Hindi naman siya dito nag-aaral eh. Outsider siya at hindi ko alam kung saang school siya nag-aaral." Isinubo ko na ang natitirang apa. Dinilaan ko pa ang daliri kong natuluan ng ice cream kanina. Ang sarap talaga!

"Eh, ano ba iyan? Ang sad naman. Ano ba kasing itsura niya?" nakasimangot na tanong niya.

Inalala ko ulit ang itsura ng taong pinag-uusapan namin. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari noon sa binilhan ko ng libro.

"Ah, hindi ko na matandaan eh. Basta ang alam ko, hindi kaaya aya ang itsura niya," sabi ko nalang. Kilala ko na si Althea sa maiksing panahon na nakasama namin siya. Kapag hindi kaaya aya ang mukha ng isang tao ay nawawala ang interes niya kahit sobrang bait pa ng nilalang na iyon.

"Lalaki ba siya o babae?"

"Bakla," napangisi ako sa sinabi ko. Ang gandang bakla siguro ng lalaking iyon kapag nagkataon.

"Urgh. Bakla pala siya. Basta talaga bakla may malambot na puso ano? Pssh. Hayaan na nga. Oo nga pala, hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nagkukwento si Steve sa'yo?" pag-iiba niya ng usapan. Umiling naman ako bilang tugon sa tanong niya.

"Ano kayang problema niya ano?" tanong niya uli.

"Iyon nga eh. Biruin mo, kahit na tayong kaibigan niya hindi niya kinukwentuhan. Paano kaya natin siya matutulungan 'di ba? Mabuti na nga lang at mukhang hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya. At least, he still manage his time so well," sabi ko.

"Ayiee," may pang-aasar sa tonong sabi niya at siniko pa ako. Nawiwirduhang tinignan ko naman siya.

"Problema mo?"

"Wala naman. Kinilig lang ako sa sinabi mo. Parang ang laki ng paghanga mo kay Steve eh. Crush mo ano?"

Crush ko? Si Steve? For Pete's sake. Anong pumasok sa isip ni Althea at naisip niya yun? Concern lang naman kasi talaga ako kay Steve eh. At gusto ko lang ibalik dito ang kabutihang nagawa nito sa akin.

"Tara na nga," aya ko sa kaniya. Tumayo na ako at naglakad na papunta sa gate. Dismissal time na kasi namin at alas kwatro na rin ng hapon. Ayokong abutan ng dilim sa pag-uwi. Mahirap na, baka wala akong masakyan.

"Wait!" dinig kong sigaw ni Althea. Nilingon ko siya habang patakbong sumusunod sa akin. Nalaglag pa ang dala niyang libro.

"Huwag ka kasing magmadali! Pwede naman kasi kitang antayin sa gate 'di ba?!" sigaw ko sa kaniya. Parang ewan kasi. Imbes na mainis ay ngumiti nalang siya at nagpeace sign.

"Oh, paano? Una na ako ah," paalam ko nang makalabas na kami sa school.

"Sige. Ingat sila sayo ha? Ay mali, ikaw pala ang mag-ingat!" aniya at tawang tawa sa sinabi.

"Hahaha. Tatawa na ba ako, friend? Sige na babush na! Maiiwan pa ko ng sundo kong jeep!"

Naglakad na nga ako pakaliwa. Papunta ako sa paradahan ng jeep malapit sa school namin. Nilingon ko saglit si Althea at kumaway sa kaniya. Mabuti pa siya, may sumusundo sa kaniya. Samantalang ako? Sariling sikap. Pero okay lang, practice na din ito for the future.

"Isa nalang!" rinig kong sigaw ng barker. Nagmamadaling tinungo ko ang nakaparadang jeep. Mahirap na, baka maunahan pa ako. Ang tagal pa namang magpuno ng pasahero dito.

Pasakay na sana ako ng jeep ng sakto namang may nakasabay akong senior citizen. Siyempre, mas nagpaubaya ako. Kapag minamalas nga naman. Nginitian naman ako ng lola bago sumakay. Wala akong ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin.

"Kuya, anong oras po ang alis sa next trip?" baling ko sa barker.

"Mga alas sais siguro," sagot nito. Nakakaloka naman talaga eh. Ayokong umuwi ng madilim.

"Kuya, may upuan ba na panggitna?" tanong ko dito. Nakakunot ang noong tinignan ako ng barker mula ulo hanggang paa.

"Sigurado ka ba? Nakapalda ka," sabi nito matapos akong tignan.

"No choice. Kailangan kong umuwi agad."

Di nagtagal ay naglagay na nga si Kuya ng upuan sa gitna. Sumakay na nga ako at umupo doon. Hindi naman siguro ako masisilipan nito, nakashorts naman kasi ako.

--

Gonna dedicate this to Kylinaaaaa07 😍😍
If you're waiting for the update, kindly add this story to your library so that you can get a notification. Thanks for reading it. God bless! 😗😙😘

By the way, expect an update tomorrow (Feb 7, 2017) Chow! 😊

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon