Chapter 44

66 10 0
                                    

Kanina pa ako nakauwi sa bahay. Kanina pa ako nakatulala rito sa kwarto ko. Kanina pa ako naguguluhan. Kanina ko pa pilit iniintindi kung anong mayroon ngayong araw?

Pasimple kong pinunasan ang mga luhang naglalakbay na naman sa mukha ko nang marinig ko ang mga katok na nanggagaling sa pintuan ng kwarto ko.

Huminga ako nang malalim at tumayo. Bago tuluyang buksan ang pinto ay pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salaming nakapwesto malapit sa pinto.

"Po?" I managed to give her a smile. It's my Mom.

"Kakain na," paalala niya sa akin. Tumango naman ako at sinabing susunod na ako.

"Okay, bilisan mo. Oo nga pala. Naiwan mo yata kanina," aniya at inabot sa akin 'yong paper bag na hindi ko namalayang hawak pala ni Mommy.

May pag-aalinlangang kinuha ko naman iyon.

"Thank you po," mahinang sabi ko. Tango lang ang ginawa ni Mommy at tinalikuran na nga ako.

Sinarado ko na ang pinto at ini-lock iyon. Naglakad ako pabalik sa kama ko at naupo roon.

"Letse naman. Eyes, tama na sa pagpe-perform. Wala tayo sa talent audition," kausap ko sa sarili ko habang nakatingala sa kisame.

Grabe, hindi ko alam kung bakit ganito ang naging takbo ng lahat eh. Para akong sinampal ng kaliwa't kanan. Sobra akong nagi-guilty. Sobra ang inis na nararamdaman ko sa sarili ko. Sobrang unfair lang. I mean, sobrang unfair ko.

Napapikit na lang ako dahilan para tuluyang kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"Tanga mo, Ali. Ang tanga mo," sabi ko sa sarili ko at hinayaan nalang na maglandas ang mga luha sa mata ko.

"Ali," malungkot ang mga tinging ipinukol sa akin ni Keighla after basahin 'yong note or rather letter na nasa loob ng paper bag.

I knew it. Hindi siya tanga. Alam kong parehas kami ng nararamdaman ngayon. Alam kong nare-realize niya kung gaano ako katanga. Kung gaano ako kawalang kwentang kaibigan. Na ang dami dami kong drama pero puro gawa-gawang kwento lang naman pala 'yong mga bagay na pilit kong tinatanim sa isip ko. Akala ko talaga, limot na nila ako. But it turns out na ako pa yata ang lumilimot sa kanila? Sabi ko noon, pinagkakaisahan nila ako. Pero parang lumalabas na mas pinagkaisahan ko sila. Sabi ko, wala silang pakialam. Pero ang totoo, meron pala? Para akong sinampal ng maraming beses. Para akong pinukpok ng pagkalakas lakas at natauhan.

Four years? Ganoon katagal ko silang iniwasan. Hindi ko man lang inalam kung ano bang nararamdaman nila. Nag-focus lang ako sa nararamdaman ko. I'm indeed a selfish! They don't deserve me. Tama nga lang yata talagang hindi na ako kasama sa grupo nila. Kasi hindi ako bagay sa kanila. Kasi makasarili ako. Kasi ang dali lang para sa akin ang pagdudahan ang pagkakaibigan namin.

Napatingin ako sa paper bag at sa t-shirt na hawak pa rin ni Keighla. Napaiyak nalang ako bigla. Bakit ganoon? Bakit tinuturing pa rin nila akong kaibigan sa kabila ng mga ginawa ko?

"Ali, they cared."

Bawat katagang sinabi ni Keighla, parang patalim na tumutusok sa puso ko. Hindi ba, iyon naman ang gusto kong marinig? Ang nag-aalala sila? Pero bakit parang mas gugustuhin ko nalang na sana hindi na? Naalala ko tuloy, noon. Ako ang pinakanagpupursige na mabuo kami sa barkada. Pero sa dulo, ako rin pala ang wawasak doon. I mean hindi naman totally wasak o buwag eh. Pero dahil sa kaartehan ko sa buhay, hindi na iyon buo ngayon.

"Mas mainam siguro talagang kausapin mo na sila. Kung si Kevin napatawad mo, mas kaya mong patawarin sila," suhestiyon niya.

"Y-yeah. I k-know. Pero kasi... Parang ang hirap... Nagagalit a-ako sa sarili ko. A-at hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanila," sabi ko sa pagitan ng paghikbi.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon