Chapter 47

87 10 0
                                    

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na luluwas ka pala? Saka paano mo nalaman 'yong address nila dito?" tanong ko kay Keighla. Kakatapos lang naming kumain at napagdesisyunan naming dumito muna sa magdamag. Anong oras na rin kasi at masiyado nang gagabihin kung ipipilit pa naming umuwi pabalik ng Zambales.

"Loka ka! Malamang, naiwan mo sa akin 'yong notes and magkasama rin kasi kami ni Kevin," matamis ang ngiting sagot niya.

"Kaya pala. Hanap kaya ako ng hanap no'n. Nasa iyo lang pala."

"Pwes ngayon, alam mo na?"

Tumango ako. "Pero hindi mo pa rin sinasagot 'yong tanong ko. Bakit hindi mo sinabing luluwas ka?"

"Hay, nako. Kaunti na lang talaga, magtatampo na ako sa'yo," nakasimangot na sabi ni Keighla.

"Bakit?"

"Nakalimutan mo na bang birthday ngayon ni Daddy Migs? Nabanggit ko na 'yon no'ng nakaraan eh. And since, technically, he's living his life here. Lumuwas ako para naman makasama ko ang tatay ko sa special day niya. Tapos ayon, nagkataong magkasama kami ni Kevin kanina kaya nalaman ko ring nandito ka nga tapos magkasama kayo ni..." pabitin pang sabi niya at saka makahulugang ngumiti, "Steve."

Inirapan ko na lang siya. Para kasing ewan.

"Pero umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Steve?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang loka, hindi man lang nagpreno nang kaunti sa sinabi. Napalingon tuloy ako sa paligid. Mabuti na lang talaga at nasa loob silang lahat. Nandito kasi kami ngayon ni Keighla sa labas ng apartment at pilit naming pinagsiksikan ang sarili namin sa duyang nasa ilalim ng puno.

Halata namang natawa si Keighla sa reaction ko. Kasi obviously, nakita at narinig ko ang pagtawa niya.

"You're too obvious, girl."

"Tumantan ka nga. Iyang imagination mo talaga eh! Kung ginamit mo 'yan noong play natin last sem. Eh 'di sana may naiambag ka pa sa grupo ninyo."

Naalala ko tuloy 'yong play namin sa isang subject namin noon. Our professor instructed us to present a play that should be originally written by us. Sa magkaiba kaming grupo napunta ni Keighla at kapag may pagkakataong makapagkwentuhan kami noon ay kuntodo ang reklamo niyang isa siyang dakilang production staff. Ni hindi man lang raw siya binigyan ng role kahit muchacha. Palibhasa, tinamad magsulat ang bruha ng script kaya ang siste? Ayon ang naging karma niya. Pero as a masscom student, everything in a production is always and would always be a pleasure to be part with. Dakilang PA man o anupaman ang gampanan mo, lahat mahalaga. Sabihin na lang natin na, isa itong tipikal na classroom setting. May guro at mayroon ding mga estudyante. At hindi matatawag na klase iyon, kung wala alinman sa dalawa.

"Past is past okay?" aniya at inirapan ako. Marahil ay naalala nito ang mga isinakripisyong lakas para lang mag-ayos at mag-asikaso ng props and the likes. "So, ano. Tama ba ang naiisip ko? May gusto ka?"

"May gusto saan?"

"Sa aso namin, 'te!" singhal niya sa akin. "Gusto mo talaga ulitin ko pa 'yong tanong ano? Ang sabi ko may gusto ka ba kay ---"

"Shut up! Mamaya may makarinig sa'yo," pilit kong tinatakpan ang bibig niya. Kahit maligo sa laway niya ang palad ko, wala na akong pakialam. Ang mahalaga, manahimik siya. Uso naman sa akin ang hand sanitizer kaya hindi na masama.

"Ali, hindi ako makahinga," halos hindi ko maintindihang sabi niya. Nakakulong pa rin kasi ang bibig niya sa palad ko.

"Ano?" asar ko sa kaniya at mas diniin pa ang pagkakatakip sa bibig niya.

"Ali!" muling sigaw niya at sa pagkakataong ito ay napabitaw na ako sa kaniya. Ang bruha! Ginawa ba namang halaman 'yong palad ko at iyon nga, diniligan. As in literal, dinuraan ako ng loka. Nandidiring tinignan ko siya.

"Yuck!" reklamo ko sabay pahid sa mukha niya ng palad ko. Nagpumiglas naman ang bruha kong kaibigan sa ginawa ko.

"Ali, kadiri ka!"

"Wow! Ako pa ngayon! Tsaka bakit ka ba nandidiri, eh laway mo naman ito!" may halo nang pang-aasar ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagpahid sa mukha niya. Sige naman sa paglikot ang kaibigan ko kaya hindi namin napaghandaan ang pagkapigtal ng duyan. Ganoon na lang kalakas ang tunog na nilikha namin ni Keighla. Magkapanabay ba naman kaming napadaing at alam kong napakalakas ng sigaw namin dahil biglang nagsidatingan ang mga taong nasa loob ng bahay.

Kitang-kita ko naman ang pag-aalalang gumuhit sa mukha nila at ganoon na lang ang pagtatalunan ng mga daga sa puso ko mang daluhan ako ni Steve.

Oh, gosh! Heaven! Partida, tingin pa lang niya, iba na ang epekto sa akin. Paano na lang kaya kapag kinarga pa niya ako?

Napailing na lang ako sa naisip ko. Nahawaan yata ako ni Keighla kaya kung anu-ano nang naiisip ko. Humanda talaga siya sa akin mamaya. Hindi pa kami tapos. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana masakit ang balakang ko. Biruin n'yo, nadaganan pa ako ng magaling kong kaibigan kaya sa aming dalawa, ako talaga ang pinaka-napuruhan.

Pero kung hindi dahil sa kaniya, wala ka ngayon sa bisig ni Steve!

Anak ng tupang gala naman oh! Kakaintindi ko sa kalokohan ni Keighla, ayon at hindi ko namalayang lumilipad na pala ako ngayon dahil sa buhat buhat na ako ni Steve. Pigil na pigil ko tuloy ang pagkikisay. Feeling ko, ito ang pakiramdam ni Keighla noong unang beses na mahawakan niya ang kamay ni Kevin.

"Okay ka lang?" kausap sa akin ni Steve.

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay napako lang ang tingin ko sa mukha niya. Parang nag-slow motion sa paningin ko ang pagbuka ng bibig niya. Hindi ko na nga halos maintindihan ang sinasabi ni Steve. Sobrang focus lang talaga ako sa mukha niya. Inisa isa ko ang pagtingin sa mukha niya, sa paraang ginawa ko noong nasa loob kami ng sasakyan ni Ate Jasmin nang sunduin nila ako sa bahay noon.

"Aray!" reklamo ko nang maramdaman ang pagpitik niya sa noo ko. Ang bruho, pasalamat siya at mahal ko siya! Tsk.

"Mukha namang maayos ka lang. Teka, may kukunin lang ako sa loob," aniya at akmang hahakbang na palayo sa kaniya.

"A-aray! T-teka, 'yong balakang ko," hawak hawak ko ang balakang ko at mas nilukot ko pa ang mukha ko. Mukhang effective naman ang acting ko, kasi para siyang si The Flush no'ng daluhan niya ako.

The best! Sana pala kinuha ko na ang role ni Sisa noon imbes na si Maria Clara eh. Mas effective ang acting ko kung nagbaliw-baliwan ako!

--

A/N:

Oh, ito na ang simula ng 1st day. Haha. 4 days pa para sa mga susunod na update hanggang ending. Hihi. 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon