Chapter 29

62 11 0
                                    

Hindi ko alam kung may nagawa ba aking mali sa past life ko at parang pinaparusahan yata ako? Bakit parang ang malas ko pagdating sa kaibigan? Sukat ba namang iwan ako ni Keighla rito kasama ang lalaking ito. Ang lame pa ng excuse nitong magpupunta ng library kesyo may hahanapin itong article for our research. Neknek niya! Ako kaya ang leader sa thesis namin at wala naman akong sinabi sa kanila na maghanap ngayon ng kung anumang article. Imposible namang sa isa naming subject kasi practicuum na iyon at tapos na kami sa internship at naghahantay nalang kami ngayon ng evaluation form na ibibigay sa naging supervisor namin.

"Ah, Ali. Galit ka pa ba sa akin?" tinignan ko lang siya. Wala talaga akong balak kausapin ang damuhong ito. Pero dahil sa kahit paano ay may pinagsamahan naman kami at import din ito ng basketball team namin para sa championship, ituturing ko pa rin siyang tao. Hindi pa naman ako ganoon kasama para ituring siyang hayop.

"Ano sa tingin mo?" madilim ang mukhang tanong ko sa kaniya. Nakuha pa niyang magtanong. Common sense naman, hello?

"Nagpunta nga pala ako no'ng graduation n'yo no'n. Kaso hindi kita nakita," patuloy pa rin niyang pagkausap sa akin.

"Obvious ba? Hindi ako pumunta!" naiinis na sabi ko. Bakit ba kung umakto ang isang 'to parang wala siyang naging atraso sa akin? Nakakaasar!

"Pero bakit?"

"Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? Tingin mo ba may mukha pa akong maihaharap sa kanila? Saka ayaw ko rin silang makita kaya umiwas nalang ako. Okay naman ang grades ko, eh. Nag-home school nalang ako no'n. Nakuha ko rin naman ang diploma ko kahit hindi ako nagmartsa," kwento ko naman sa kaniya. Kahit naiinis ay nagawa ko pa ring magkwento sa kaniya na para bang kaibigan ko pa rin siya. Hays!

"Sorry talaga, Ali. Hindi ko alam na aabot sa ganoon ang lahat," hinging paumanhin pa rin niya. Kanina pa kami nag-uusap pero puro nalang ata paghingi ng tawad ang ginawa niya. Aba, dapat lang! Pagkatapos niyang sirain ang pagkakaibigan namin?

"Pero, Ali. Bakit hindi mo in-explain sa kanila ang side mo? Bakit hinayaan mong umabot sa ganito and worst, tuluyan mong nilayo ang sarili mo?"

Kung makapagsalita siya, parang alam na alam niya kung anong sinasabi niya. Hindi niya ba alam 'yong pakiramdam na parang wala na kong mukhang mahaharap sa kanila? Na natatakot akong baka may masabi na naman sila at huhusgahan na naman nila ako ng hindi man lang hinihingi ang side ko? Have they tried to reach out? Oo, nagtanong nga 'yong tatlo sa akin kung bakit hindi ako pumasok ng araw na 'yon pero after that day? Missing in action na rin sila! Feeling ko, pinagkaisahan nila ako. At pakiramdam ko, hinuhusgahan na nila ako. Wala akong mukhang maiharap sa kanila kasi hindi pa man din, parang umaatras na rin ang mga paa ko sa tuwing tatangkain kong pumasok. Parang sa isang iglap, nawala lahat sa akin noong mga panahong iyon.

Kaya nga nang maging buo na ang pasya kong lumayo, nakipag-usap na 'ko sa parents ko and convinced them to transfer me to other school. I told them that I was not happy and felt left out kaya kahit paano ay nakuha ko rin ang simpatya nila. Siyempre, anak nila ako eh. Ako ang papakinggan nila. Sinabi ko sa kanila na 'wag na nilang sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari. At sinabi ko rin na idahilan nalang nilang may kung anong sakit ako at hindi makakatulong na bumyahe ako araw-araw. They even showed them a fake medical certificate para mapapayag ang admin na i-home school ako. Hindi na rin kasi ako noon nakapag-transfer since one month nalang before our graduation. At sa araw-araw na lumilipas, para akong pinapatay. 'Yong pagmamartsa na halos apat taon kong pinangarap, hindi ko na mapupuntahan dahil lang sa letseng nangyari na 'yon.

And now? He's asking me why I didn't bother to explain my side to them? Why did I let myself not to be involved to them anymore? Hindi ba talaga niya ma-gets na masakit talaga! Masakit to the point na nagse-selfpity na 'ko. Awang-awa ako sa sarili ko at wala akong mahanap na kakampi? Kung bakit ba naman kasi sa kanila lang umikot ang mundo ko. Nagkaroon nga ako ng isa pang kaibigan pero sa huli, siya pa pala ang sisira sa pagkakaibigang napakatagal kong iningatan.

"Kevin, I don't think it's proper na pag-usapan natin ang bagay na ito ngayon. Don't you see? I'm okay now. I have a friend, si Keighla. And guess what? Hindi lang siya ang kaibigan ko. But of course, Keighla's my closest friend among them. Everything's perfectly good for me. And I don't want the past to ruin it. Sa totoo lang, gusto kong magalit sa'yo. Sumigaw at isisi sa'yo lahat. Pero, naisip ko. Hindi worth it. Tama na siguro 'yong mga araw o ang tagal na panahong iniyak ko dahil sa nangyari. Mababaw man pakinggan para sa iba, pero nasaktan talaga ako eh. At kung gusto mo na kahit paano i-respeto ko pa rin ang pinagsamahan natin noon, don't bring out the past. Gusto kong magmartsa this year at hindi ko naranasan iyon noon!"

Tinalikuran ko na siya at hindi na nilingon pa. Bastos na kung bastos pero at least nasabi ko ang gusto kong sabihin sa kaniya. Kahit paano, gumaan na rin ang pakiramdam ko. Actually, habang sinasabi ko ang mga iyon sa kaniya kanina, parang nare-realize kong matagal ko na pala siyang napatawad. Siguro nga, may reason talaga siya kung bakit niya nagawa iyon. Siguro nga mali lang ang timing ng maging magkaibigan kami. At tama na nga sigurong pagbigyan ko naman ang sarili na magpatawad. Sabi nga nila, forgiveness help us gain freedom. Because once you forgive, you'll be able to free yourself from anxiety and pain.

Saka ko nalang sasabihin sa kaniyang napatawad ko na siya kapag nagkita kami ulit. Hindi pa naman siguro ito ang huli naming pagkikita.

Nakita ko naman si Keighla na papalabas ng library nang mapadaan ako roon. Himala, at tinutoo nga niya ang pagpunta sa library! At sa main library pa talaga ng school ah?

"Keighla!" tawag ko sa kaniya.

"Uy, nandiyan ka pala! Tapos na kayong mag-usap ni Kuyang pogi?" inaasar pa rin niya ako. Kaloka talaga.

"Kevin ang pangalan niya. Hindi Kuyang pogi. At oo, tapos na kaming mag-usap," nakangiting sabi ko.

"Oh my gosh! Totoo ba? Ang gwapo ng name niya! Bagay na bagay sa name niya. Pakilala mo naman ako sa kaniya. Bagay kami! Parehas kami ng initials. KK! Para bang sinasabi na KakaKilig! Omg!" nagkikisay ang loka at napailing nalang ako sa ginawa niya. Akala ko pa naman aasarin niya ulit ako rito.

"Tumantan ka nga! Baka kamo, ang KireKire!"

"Tse! Ang kj mo talaga, eh!" aniya at inirapan ako. "Tara na nga. Baka mamaya pagalitan pa tayo ni Mrs. Cruz kapag na-late tayo. May mock defense pa naman tayo ngayon," aya niya sa akin at nagpatiuna na. Sinundan ko nalang siya sa paglakad at mabuti nalang talaga't wala pa si Mrs. Cruz nang pumasok kami sa classroom.

--

A/N:

Hello po! Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa at nag-aabang ng update. Nakakatuwa lang po kasi may nag-a-add ng story na ito sa reading list nila. I hope hindi ko po kayo mabigo sa kwentong ito. I'm really trying my best para maisulat ng maayos ito. Honestly, nawawalan na ako ng gana noon na dugtungan pa ang kwento kasi inatake ako ng tinatawag na writer's block. Pero naisip ko, sayang naman kung ititigil ko. Isa pa, gustong-gusto kong tapusin ang kwentong ito. I even struggle kung sino ba ang dapat makatuluyan ni Alisha. Nakipagdebate ako sa sarili ko at makailang ulit kong kinumbinsi ang sarili kong tama ang naging desisyon ko.

Opo, buo na ang kwentong ito sa isip ko (matagal na). Alam ko na rin po kung sino talagang makakatuluyan ni Alisha. At sisikapin ko po talagang maging worth it na maisulat ang moments nila to the point na sana maramdaman ni'yo rin kung anong nais kong ipabatid sa eksena.

And again, sorry kung hindi magiging consistent ang update ko. Posibleng isa lang ang ma-update ko everytime na may load ako o pwede namang more than one. Katulad ng nangyari ngayon. Hehe!

So, paano po? Maraming salamat ulit! Sana one of these days, makapagkwentuhan tayo about sa story na ito. God bless po! :)

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon