Chapter 21

78 16 0
                                    

Bukas na ang prom night namin at hanggang ngayon ay wala pa din akong partner. Alam ko, hindi dapat ako ma-pressure sa isiping iyon pero ayaw ko namang ma-out-of-place. Kahit sabihin pang napipilitan lang ako sa event na iyon, siyempre lulubusin ko na.

"Anak, nasukat mo na ba 'yung gown na pinatahi natin?" tanong sa akin ni Mommy. Nandito ako sa sala at nanonood ng tv. Kakauwi ko lang from school.

"Mi, nandiyan na po pala kayo," lingon ko kay Mommy na may dala dalang plastic. Nilapitan ko siya at kinuha ang ilan sa dala niya.

"Thank you, nak."

"Wala po iyon, Mi."

Tinulungan ko na din si Mommy na ilagay sa lalagyan ang mga pinamili niya. More of groceries lang naman, for our weekly supply.

"Oh sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at sukatin mo na ang gown," ani Mommy ng matapos na kami sa pag-aayos. "Pagkatapos mong sukatin, bumaba ka dito. May binili akong meryenda."

"Okay po," sabi ko at pumunta na nga sa kwarto.

Pagkapasok sa kwarto ay agad kong kinuha ang box na nakalagay sa kama ko. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang simple pero eleganteng long gown. Natuwa ako sa kinalabasan ng gown, kuhang kuha nito ang design na gusto ko. Agad ko iyong sinukat at tinignan ang sarili ko sa salamin. Hindi mawala wala ang ngiti ko sa nakikita.
Hindi ko na-imagine na ang lakas pala ng magiging dating ng gown na ito. Plain black lang kasi ito kung tutuusin, ang see through part nito sa itaas na bahagi ng dibdib at balikat ang siyang nagdala sa design nito. Dagdag pa ang ilang bulaklak na mapapansin kapag natapatan ito ng liwanag.

Nang makuntento na ako sa nakita ay hinubad ko na ito at maingat na ibinalik sa lalagyan.

Ang ganda ganda nga ng gown ko, wala namang date. Ang sad, ano?

Bumalik na nga ako kay Mommy at naabutan ko naman siyang hinahain ang meryendang nabili niya.

"Oh, nandiyan ka na pala. Sakto, kakahain ko lang."

"Wow, ginataang bilo bilo. Ang sarap naman po!" nasasabik na turan ko nang makita ang isa sa pinakapaborito kong pagkain. Agad akong umupo at nagsimula na sa pagkain ng meryenda.

Alas-siete palang ng gabi ay pinapatulog na ako nila Mommy. Mag-beauty rest muna daw ako. Mas excited pa ata sila sa akin. Sabagay, ngayon lang naman kasi nila ako makikitang mag-gown. Paano, ngayon lang naman kasi nila ako pinayagang sumali sa prom since last year ko naman na daw sa high school. Isa pa, required kasi sa mga graduating.

Halos isang oras na akong nakahiga sa kama ko pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako nakatulala sa kisame. Nawala lang ang atensiyon ko sa kisame ng magvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa ang text.

From: Althea
Ali, gising ka pa? :(

Nagtaka naman ako sa text ni Althea. Para kasing ewan, may sad face pa. Ano kayang problema ng isang ito? Dumapa muna ako sa kama bago nagreply.

To: Althea
Anong problema mo?

From: Althea
Wala akong ka-partner for tomorrow night :(

Natawa naman ako sa reply niya. Parehas lang pala kami ng pinu-problema.

To: Althea
Ako din naman. Hahaha! Teka, akala ko ba may nakuha ka na? Di ba sabi mo kanina, pumayag na yung pinsan mo?

From: Althea
Ayun na nga eh! Umatras! Paano, magrerevise daw sila ng thesis nila bukas ng gabi. Kaloka lang. Wala na akong ibang maisip! :(

Naiiling na nagreply ako sa kaniya. Para kasing ewan. Haha.

To: Althea
Ako nga wala pa ding nakukuha eh! Haha.

From:
Sus, ayain mo na kasi si Kevin o kaya si Steve! Hehe.

Nanlalaki ang mga mata ko sa nabasa. Kahit kailan talaga.

To: Althea
Sira ka ba? Ayoko nga! Lalo na kay Steve. Hahaha!

From: Althea
Yieeh. Grabe ka ha! Maka-ayaw naman lalo na kay Steve! Okay, sige. Ako nalang ang mag-aaya kay Steve. Hahahaha!

To: Althea
Haha. Bahala ka. Dami mo pang sinabi eh. Si Steve lang naman pala babagsakan mo.

From: Althea
Ang harsh mo kasi kay Steve eh. Para kang ewan. Sige na! Tetext ko lang iyon, baka mamaya maunahan mo pa ako eh. Hehe! Peace.

To: Althea
Sira.

Limang minuto din akong nag-antay ng reply ni Althea. Nang hindi na nga ako nakareceive ng text from her ay ibinalik ko na ang cellphone ko sa side table malapit sa kama ko.

Bumalik ang tingin ko sa kisame at bigla kong naisip ang huling conversation namin ni Althea.

Hay, pumayag kaya si Steve?

Ipinikit ko nalang ang mata ko. Hindi ko kasi mawari kung ano ba yung naramdaman ko nang maisip na baka pumayag na si Steve sa alok ni Althea.

🎶 Lunes ng tayo'y magkakilala. Martes ng tayo'y muling magkita... 🎶

Nagmamadaling kinuha ko ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot.

"Hello?" sagot ko sa tumatawag.

"Ali, may date ka na para bukas?" tanong ng nasa kabilang linya.

"W-wala pa. Bakit m-mo natanong?" kinakabahang sagot ko.

Shems! Ganito ba ang feeling ng mga babaeng tinatanong ng WILL YOU MARRY ME? Ang intense!

"I volunteer myself. I can be your date. Is that okay with you?"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Tatanungin niya ako.

"S-sure. Actually, kanina pa ako naghahantay ng himala na sana may mag-aya sa akin. And it happened to be you. So, yes!" masigla ngunit may kabang sagot ko.

Isang malutong na halakhak naman ang narinig ko sa kabilang linya.

"Huy, baliw ka na?" tanong ko sa kaniya.

"Do not mind me. See you tomorrow. I will fetch you. Thank you! Bye."

Tuluyan na nga niyang ibinaba ang tawag. Halo halong emotion ang nararamdaman ko after our conversation. Kaba, tuwa, galak, at pagtataka. Pero thankful na din kasi at the same time, wala ng dahilan para problemahin ko pa ang partner ko bukas.

Thank you, Lord!

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon