Chapter 45

54 10 0
                                    

Alam ko namang hindi pasmado ang kamay ko pero kanina pa naliligo sa pawis ang mga palad ko. Para rin akong tanga na atras abante sa paghakbang. Nagdadalawang-isip talaga ako kung tutuloy ako o hindi eh? Akala ko talaga 'yong mock defense na ang pinaka-nakakakabang experience ko pero hindi pala. Mas kinakabahan ako ngayon. At kahit anong pilit kong umuwi nalang at ipagpabukas ito, ginugulo naman ako ng boses ni Keighla na paulit-ulit kong naririnig. "It's now or never, girl!"

Tama, kung hindi ko ito gagawin, walang mangyayari. Paulit-ulit lang akong magtatanong. Paulit-ulit lang akong maguguluhan. Mabuti nga kahit paano, nakakaluwas na rin ako eh. Hindi na ganoon kahigpit ang parents ko since tiwala naman na sila sa akin. Nasa tamang edad na rin naman kasi ako at hindi na bago 'yong pagluwas luwas ko lalo pa nga at may mga pagkakataong pumupunta talaga kami sa ibang lugar dahil na rin sa requirements ng kursong kinukuha ko.

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang katukin ang pintuang nasa harap ko. Pero ganoon nalang ang pagkakasubsob ko nang sa hangin lang dumampi ang kamay ko.

"Shit!" I unconsciously cursed.

"Hey, are you okay?" tanong sa akin ng boses na sobrang na-miss ko. Gosh! Para namang nagrambulan at nagkagulo ang mga empleyado sa puso ko. Parang lahat natataranta at iyong mga kuryente sa katawan ko, specifically sa baywang, ay para bang kumawala sa kableng pinagkukublihan nito. Ramdam na ramdam ko ang pagkakalunod sa isang sensasyon na tanging siya lamang ang nakakapagbigay sa akin. Naramdaman ko namang itinayo niya ako sa pamamagitan ng kamay niyang nakayakap pa rin sa bewang ko.

"A-ali? Teka? Ikaw ba talaga 'yan?" mababakas ang kaligayahang tanong niya sa akin. Para bang hindi siya makapaniwalang ako nga ang kaharap niya.

Tango lang ang naging sagot ko sa tanong niya. Hindi ko kasi maapuhap 'yong boses ko.

"Gosh, ikaw nga," mayamaya pa ay nakakulong na ako sa mga bisig niya. Nakakalunod ang yakap niya. Lalo akong naliliyo sa sensasyong ang sarap sa pakiramdam. Iyong tipo na kahit pa yata higpitan niya ay hindi ako masasakal. I somewhat felt that I'm finally back home. Hindi ko na tuloy napigilan ang mapaiyak. Sobrang nakaka-overwhelm and hindi ko talaga in-expect na darating pa ang araw na ito. Akala ko kasi mula nang araw na iyon, ganoon nalang parati ang magiging treatment niya sa akin. Coldness was written in his eyes during that time and it really frighten me. But seeing his gaze met mine awhile ago? It's different. It's the same gaze he gave me during our prom night. The same gaze that made me confirm my feelings for him. The same gaze that only him would affect me this much. The same gaze that I long so much.

"Bakit hindi mo man lang kami sinabihan na pupunta ka? Sana nakapag-ready kami," sabi niya sa akin at hinahagod hagod ang likod ko. Na para bang sinasabi niya na okay lang ang lahat kaya tumahan na ako.

"H-hindi na surprise kapag sinabi ko," I said in between of sob. Ramdam ko naman ang pag-alog ng balikat niya. His laugh, I missed it.

"Kahit kailan ka talaga," aniya at hinarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papasok sa loob ng apartment. "Pasmado ka ba?" tanong niya kalaunan.

"H-ha?" nagtatakang tanong ko at napatingin sa magkahawak naming kamay. Para naman kaming natauhan at magkapanabay na napabitiw sa isa't-isa.

"A-ah, ano. S-sorry," aniya at napahawak sa batok niya. Nakita ko naman ang pamumula ng tenga niya. Goodness, na-miss ko rin iyon! Grabe, everything about him? Na-miss ko lahat!

Natawa naman ako sa kaniya, ang cute niya kasing tignan.

"Kumain ka na ba?"

"Yes."

"What do you want? Coffee? Milk? Juice? or water?"

"Don't bother. I just want to see you," nakangiting sabi ko.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon