Chapter 9

104 28 1
                                    

Maagang natapos ng mga teacher namin ang mga topics na cover for the second grading. Kaya naman puro nalang kami activities, quizzes o kaya review sa klase. Mahigit isang buwan na din ang nakalipas mula ng mangyari ang pagkakasampal ko kay Steve. Simula noon ay tuluyan na nga siyang lumayo sa grupo namin at kaming lima? Pinilit naming magback to normal though mahirap sa part namin. Wala naman kasi kaming ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang hindi na kami buo.

Kahit paano naman ay nabawas bawasan na ang pag-absent ni Steve. Pumapasok na siya sa klase at nakakakuha naman ng matataas na scores. Minsan pa nga ay siya ang highest score sa klase, especially Math. Well, masaya na din akong isipin na kahit hindi na kami katulad ng dati, atleast maganda naman ang performance niya. Sana lang talaga at nakakasurvive na siya sa problemang mayroon siya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito nalang kami ka-concern kay Steve. Siya kasi yung isa sa mga may positibong pananaw sa grupo namin maging ng klase. Kung baga siya yung talagang nagpapagaan ng lahat-lahat ng mga bagay na nagpapabigat sa amin. Oo, totoong matagal na kaming magkakaibigan pero si Steve lang ang namumukod tanging tao na never pa naming na-meet ang pamilya o kahit na sinong kamag-anak niya. Ayon kasi sa kaniya, nasa ibang bansa ang pamilya niya at permanente ng nakatira doon. Mas pinili kasing tumira ni Steve dito sa Pilipinas at dito na mag-aral at magtapos ng kolehiyo. Masikreto din siyang tao kaya minsan clueless din kami kapag may pinagdadaanan siya.

"Ali, anong number ng parents mo?" tanong ni Althea. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno malapit sa classroom namin. Lunch time namin at nagdecide kaming dito muna tumambay.

"Bakit mo tinatanong?" tanong ko na kasalukuyang nagbabasa ng wattpad sa cellphone ko. Speaking of wattpad, I just discovered it months ago. I was looking for teen story then because of boredom. May mga nag-appear na story for teens and I clicked it. From then, palagi na kong busy sa pagbabasa kapag bakante ang oras ko. Feeling busy kasi ako.

"Oo nga," sabat naman ni Jhela na nakasalampak sa lupa. Naka-indian seat pa siya, ni hindi inda ang mga duming kumakapit sa palda niya.

"Tumayo ka nga diyan! Maawa ka sa uniform mo," sita naman ni Jules kay Jhela. Minsan talaga nakakapagtakang mas concern pa si Jules kay Jhela kesa sa kambal niyang si Julie. Speaking of Julie? Ayan at nakasalampak din naman sa lupa at nakasandal sa puno habang pinipigilan ang tuluyang pagkakapikit ng mga mata, marahil ay inaantok.

"Mind your own, Jules. Kahit kailan talaga kontra ka sa buhay ko. Why not seat here too? It's more comfortable to be in this position rather than standing there alone. Obvious na obvious namang ngawit na ngawit ka na," may pang-aasar na sabi naman ni Jhela.

"No, thanks. Hintayin ko nalang maawa sila Ali at Thea sa akin. Baka paupuin nila ako. Right, ungentlewomen?" baling naman sa amin ni Jules. What the heck? Kami talaga mag-aadjust for him? Sorry siya, pangdalawahan lang ang upuan dito.

"Ang dami mong arte! Upo!" biglang singit naman ni Julie sa usapan at hinatak ang kakambal. Napasalampak tuloy si Jules at kamuntikan pang masubsob sa lupa. Dahil sa nangyari, wala na ngang nagawa si Jules kundi umupo na din. Kumuha muna siya ng intermediate paper sa bag niya at inilatag iyon bago umupo.

"Ang arte," mahina at naaasar na sabi naman ni Jhela.

"So, yun nga! Ano ngang number ng parent mo, Ali?" biglang singit ni Althea. Inulit niya ulit ang tanong na naisantabi pansamantala dahil sa mga aso't pusa naming kaibigan.

"Eh, bakit mo nga kasi tinatanong?" tanong ko ulit.

"Debut kasi ni Ate sa Friday. I want us to be there at hindi masaya kapag kulang ng isa. Alam naman kasi namin that among us, parents mo ang strict," sagot ni Althea. Tama siya, my parents are really strict but even they are like that, I still love and respect them. I know that they're just doing it because of my own sake.

"Nah, kung nagbabalak kang ipagpaalam ako kela Mama, huwag ka ng umasa. A big NO was and will always be their response."

"Ganoon? Edi sasamahan nalang kita pauwi mamaya. Ipagpapaalam kita ng personal," pilit pa din ni Althea.

"Good luck sayo," sabi ni Jhela. Nakabakas sa mukha nito ang nanghahamong ngiti.

"Wala naman masamang magtry di ba? Gusto ko lang talaga na kumpleto tayo. Lagi ko kaya kayong kinukwento kay Ate at gusto niya kayong ma-meet in person," sabi ni Althea. Wow, just wow.

"Never naman na tayong makukumpleto guys," malamig ang boses na sabi ni Julie. Flat lang ang emotion ng mukha niya. Lahat kami ay biglang napatahimik. Alam namin kung anong tinutukoy niya.

Kailan ka ba babalik? Nasaan ka na ba?

Parang may genie naman na nakarinig sa akin. Bigla kasing nahagip ng paningin ko si Steve. May dala itong gitara at gumawi papuntang gym. Walang anu-ano ay tumayo ako. Hindi ko alam, but I have this urge na sundan si Steve.

"Guys, may pupuntahan nga pala ako. Kita kits nalang mamaya after lunch time," paalam ko sa kanila at naglakad na nga papuntang gym. Magbabakasakali ulit ako, baka this time ay maging okay na ang lahat.

--

A/N:
Habang nadadagdagan ang mga eksenang isinusulat ko dito, pati ako ay nalilito. Tama bang teen fiction ang category ng kwentong ito? Tama bang hanggang ngayon ay wala pa ding pangalan si Kuyang matulungin? Tama bang si Steve na lang ang laging concern ni Alisha? Eh. Naguguluhan tuloy ako. Basta anuman ang kalabasan ng kwentong ito, sana po ay suportahan at subaybayan niyo. I know, I'm kind a assuming that lot of you are reading this story. But who knows? Maging madami nga kayo. Hehe. Thanks in advance, though. God bless! 😗😙😘

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon