Epilogue

81 10 5
                                    

"...kahit anong pilit naming kumbinsihin 'yung sarili namin na wala na talaga siya, gumigising pa rin kaming hinahanap-hanap siya. Halos taon-taon, sa tuwing sumasapit ang petsang ito ay hindi ko maiwasang sariwain 'yung pangyayaring iyon... I still can't find exact words to define how devastated I was when I saw him... Lying inside a coffin we never imagine him to be with... Ang dami-dami pang opportunity na pwedeng kumatok sa kaniya... He's too young, yet we've nothing to do but wake up every morning... Not hearing his voice... Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana pala... Sana pala... K-kasama n-niya ako h-habang lumalaki s-siya... Anak, kung nasaan ka man ngayon... T-tulungan mo kaming tanggapin na w-wala ka na talaga... W-wala na kasing m-mas sasakit sa paraan ng paglisan mo... M-mas madali sigurong tanggapin na w-wala ka n-na kung h-hindi sa ganoong paraan..."

Hindi ko mapigilan 'yung luha ko habang pinapakinggan ang Mommy nila na nagsasalita sa harapan, malapit sa puntod niya.

Limang magkakasunod na taon na rin akong pabalik-balik dito. At magkaparehong mga salita lang mula sa Mommy nila 'yung naririnig namin ng paulit-ulit pero hindi ko pa rin maiwasang maiyak. Ramdam na ramdam ko 'yung bawat salitang naririnig ko na para bang nananariwa sa alaala ko 'yung mga nangyari limang taon na ang nakakalipas.

Kung sana lamang ay nalaman ko ng mas maaga, hindi sana humantong sa ganoon ang lahat...

"Tissue..." Narinig kong sabi niya sabay abot sa akin ng hawak niya. Walang pagdadalawang-isip naman na tinanggap ko 'yung iniabot ni Kevin.

"Pasensya ka na. Kung bakit kasi taon-taon na lang ganiyan si Tita. Hindi ko tuloy maiwasang ma-carried away," pakunwa'y tumawa pa ako para mapagtakpan 'yung pagiging emosyonal ko.

"Okay lang. Totoo naman kasi 'yun, every year, masakit pa rin kapag naaalala ko..." may lungkot at sakit na namang gumuhit sa mga mata niya. Napaiyak na naman tuloy ako. Sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako iiyak ulit, pero pasaway talaga 'tong mga mata ko eh.

Napalingon naman kami nang biglang may tumikhim mula sa likuran namin. Iniharang niya 'yung kamay niya sa pagitan namin ni Kevin sabay hawak sa balikat ko. Wala tuloy akong nagawa nang tuluyan niya akong mailayo kay Kevin nang hapitin niya ako palapit sa kaniya.

"Ano, magsisimula ka na naman." Pinandilatan ko siya ng mata. Para kasing tumatandang paurong. Akala naman niya talagang aagawin ko si Kevin sa kung sino man.

"Ano? Hindi ba sabi ko sa'yo huwag mong kakausapin si Kevin ng kayo lang dalawa? Napapasama ka eh..."

5 years ago; September 26, 2015

Naiinis na umalis ako sa bahay nila Ali. Gusto ko mang pagsisihan ang mga nasabi ko kanina ay hindi ko na tinangka. Alam ko namang nasasaktan rin siya habang sinasabi ko ang mga 'yun pero masisisi ko ba 'yung nararamdaman ko? Kung may parte sa akin na gusto ko lang namang ma-secured sa nararamdaman niya para sa akin. Alam ko naman na mahal niya ako, pero ganoon ba talaga kahirap sabihin iyon sa akin?

Tapos kanina habang pilit kong kinukumbinsi 'yung sarili ko na intindihin na naman 'yung mga kadramahan niya ay bigla namang i-entertain niya si Kevin? Putcha! Kung alam lang niya kung paano ako nagseselos tuwing nagkakausap sila. Alam kong mali pero anong magagawa ko? May bahagi pa rin sa akin na naaasiwa sa tuwing masaya si Ali na nakakausap siya. Parang bumabalik sa akin lahat nung pambabalewala sa akin ni Alisha noon sa tuwing nakaka-text o nakakausap niya si Kevin. Idagdag pang mas nauna niyang napatawad ito.

Tapos bakit biglang dumating sina Keighla at Jhela nang hindi naman sinasabi sa akin ni Ali? Ito ba 'yung sinasabi niya na gagawin niya at para lang sa mga girl's thingy nila? Akala ko ba maglalaan kami ng oras sa isa't isa kaya nga nag-leave pa ako kahapon para lang doon. Kaso hindi naman ako informed na may ibang pagkakaabalahan pa pala siya. Mas pinansin pa nga niya sina Keighla kanina kumpara sa akin. At mukhang papunta rin sina Kevin, for Pete's sake! Nadadagdagan lang talaga 'yung rason para maisip kong wala lang talaga ako sa kaniya.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon