Chapter 34

43 10 0
                                    

Kanina pa ako nagpipigil ng tawa sa pinaggagawa ni Keighla. Ilang beses na kaming nagpabalik-balik sa cr ng gym at kanina pa rin ako nahihilo sa kaniya sa maya't-maya niyang pag-ikot sa harap ng full length mirror dito.

"Hindi ba ako mukhang tanga?" tanong na naman niya sa akin. Hindi na yata mabilang kung ilang beses niyang tinanong sa akin iyon. At ilang beses ko na ring sinabi na okay nga lang.

"Sure ka? Hindi ako mukhang tanga rito?"

"Oo nga. Ang kulit mo naman, eh."

"Magagandahan sa akin si Kevin?"

"Siguradong-sigurado ako."

"Sige na nga," sabi niya at ngumiti ng pagkalapad lapad. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Keighla. And take note, ibang klase palang ma-inlove ang babaeng iyan. Sukat ba namang in-insist niyang sumali roon sa cheering squad na magtsi-cheer sa team ng school namin.

Alam kong ayaw ni Keighla na nagsusuot ng maiksing palda na tulad ng suot niya ngayon. Hindi kasi siya komportable talaga. Kaya nga tuwing may cheerdance competition at required na sumali ang lahat, abot langit ang reklamo niya kapag nakikita ang costume namin. Magaling namang sumayaw si Keighla, eh. Ayaw lang talaga niya 'yong idea na ang iksi iksi na nga ng suot niya, ihahagis or itataas pa ang paa niya para lang masundan ang routine at choreography. Mabuti na nga lang at pumayag ang group na makasali pa siya kahit less than a week nalang ang preparation. Matagal na kasing inaawitan ng team si Keighla na sumali sa kanila. Nakita kasi nila ang potential niya at kahit man lang raw sa una't huling pagkakataon ay makasama nila si Keighla.

"You'll be the best cheer leader of his heart. Promise," sabi ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Pinisil ko iyon at naramdaman kong na-gets naman niya ang gusto kong sabihin.

Pumwesto na nga kami sa side na nilaan para sa school namin. Hinayaan kong pumwesto na si Keighla sa mga kasamang cheerer at hindi na ako sumunod pa sa kaniya kasi baka nga mahampas pa niya ako kapag hindi niya napigilan ang sarili.

"Guys! May pwesto pa rito! Tara na, baka maunahan pa tayo. Mas okay na rito. Mas makikita natin ang laro ni Kevin!" rinig kong sabi ng isang babae. Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon kaya lumingon ako para sundan ang boses na iyon. Ganoon na lang ang kabang bumangon sa dibdib ko nang mapagtanto kung sino iyon.

Nakasunod sa babae ang apat pang tao na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko. Bakit ganoon? Bakit parang gusto kong maglaho nalang na parang bula ngayon? Gusto kong umalis nalang nalang ngayon pero paano nalang si Keighla? Baka magtampo siya. Ayaw kong mawalan ulit ng kaibigan. Paano ba ang gagawin ko? Akala ko, ready na akong makita o makaharap ulit sila pero mali ako. Lilipat nalang siguro ako ng pwesto. 'Yong malayo sa kanila. Tatayo na sana ako ng bigla kaming magkatinginan. Papalapit na sila sa bakanteng bleachers sa linyang okupado ko. Bakit ba kasi rito pa ako sa sulok pumwesto eh? Walang daanan pababa. Hindi ko naman magawang humakbang pababa sa kabilang line kasi may nakaupo na. Feeling ko, naging tanga ulit ako! Kung alam ko lang, sana sumama na ako kay Keighla sa unahan.

Nanlalambot na napatitig lang ako sa kanila. At mas lalo akong nanlambot ng magtagpo 'yong mata namin ni Steve.

Gosh! I miss him so much!

"Saan ka pupunta, Alisha? Tatakas ka na naman?" tanong sa akin ni Althea. 'Yong boses na narinig ko kanina. Bakit ganoon? Punong-puno ng pagdaramdam ang tinging ipinupukol niya sa akin? Bakit parang gusto niyang ipamukha sa akin kung anong katangahan ang ginawa ko noon?

Napagawi naman ang tingin ko sa iba pa niyang kasama. Kay Jhela and Jules na magkahawak kamay. Kay Julie at kay Steve. Gosh! Bakit ganoon? Bakit buo pa rin sila without my presense? Masama bang maisip ko na dapat hindi sila maging buo kasi wala ako! Hindi ko tuloy maiwasang isipin na tama nga siguro ang assumption ko na pinagkaisahan nila ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Parang anytime, iiyak ako. Pero hindi ako papayag. Hindi ko na sila dapat pang iyakan. Tama na 'yong mga araw na iniyak ko dahil lang sa pagkakaibigang ito.

They're happy now, Ali. They are happy, without you.

Damn it! Ang hirap naman nito.

Hindi ko pinansin si Althea sa tanong niya at buo na ang loob kong umalis na. Bahala na kung magtampo si Keighla. Maiintindihan naman siguro niya. Isa pa, si Kevin naman talaga ang ipinunta niya rito.

"So, kung hindi pa dahil sa game ni Kevin, talagang hindi ka pa namin makikita 'no?" muling kausap sa akin ni Althea. Bakit ba parang ayaw niyang umalis ako? Bakit ba parang pinipigilan niya ako?

Bwisit! Kung noon niya ginawa ito nang umalis ako sa classroom, eh di sana hindi ako nagkakaganito ngayon 'di ba?

"Excuse me, kailangan kong pumunta sa cr," sabi ko at pilit kinakalma ang sarili ko. Ayaw kong gumawa ng gulo.

"Really? For sure naman kanina ka pa nakapwesto rito 'di ba? Bakit hindi ka nag-cr kanina? Bakit ngayon lang kung kailan dumating kami?" hindi pa rin papaawat na sabi ni Althea.

Hindi ko naman maiwasang magawi ang tingin ko kay Steve na nakatingin lang sa aming dalawa ni Althea. Nakatayo lang ang mga ito na para bang hindi alintana ang mga taong kanina pa parang inis dahil hindi makita kung anong nangyayari sa ibabang bahagi ng gym.

Bakit ba tumitingin ka pa sa kaniya ha? Hindi ka niya ipagtatanggol! Hindi ka niya sasaklolohan! Minsan niya ng ginawa iyon. Ano pa bang aasahan mo?

Shit naman. Bakit ang sakit? Ikinuyom ko nalang ang kamay ko. Wala akong ibang magawa this time. Napaupo nalang ako at sobrang panlalambot ang nararamdaman ko ngayon. Galit, inis, kaba, kalungkutan, higit sa lahat pangungulila. Gustong-gusto ko ng umiyak, promise. Pero pinipigilan ko.

Itinuon ko nalang ang tingin ko ngayon sa gitna. Hindi ko na inabala ang sarili kong lingunin pa sila. Basta naramdaman ko nalang na may tumabi sa'kin at hindi ko alam kung sino iyon. For sure, isa sa kanilang lima. At wala akong ideya kung sino. Pare-pareho kasi ang damit na suot nila. Parang sinadya para sa squad nila.

I'm left out!

Ganoon nalang ang excitement na naramdaman ko ng isa-isa ng tinawag ang pangalan ng mga players. Ganoon nalang ka-oa ang reaction ko ng tawagin ang pangalan ni Kevin. Naghihiyaw ako at pinakitang tuwang tuwa talaga ako. Napalingon pa nga sa akin si Keighla at abot-langit ang ngiti niya. Sinabi kasi niya sa aking dapat magtitili rin ako since hindi ko siya sinamahan doon sa itaas.

Well, at least nakatulong rin ang teatro sa akin. Ang galing kong um-acting. Promise!

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon