Chapter 11

98 27 0
                                    

Sampong minuto bago mag-ala una ng hapon ay nakabalik na ako sa classroom. Umupo lang ako sa upuan ko at sa halip na kausapin ang katabi ko katulad ng nakasanayan ko noon ay nagbasa nalang ako ng libro. Minsan nga napapaisip ako eh, bakit ba everytime na nakikita ko ang sitwasyon namin nila Steve ay pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat ng ito? Yun bang tipong nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kahapon tapos hindi nagkikibuan ngayon. Halos araw araw ganiyan ang pakiramdam ko. Hindi nasasanay ang sistema ko, dagdag pang mukhang hindi ako makakapag-adjust sa ganitong set up kailanman.

Bakit ba kasi magkasunuran lang ang apelido namin eh? Lagi tuloy kaming magkatabi sa seating arrangement. Pssh. Bakit ba pinag-aaksayahan ko ng panahong isipin ito? Wala naman akong magagawa eh.

Itiniklop ko nalang ang libro at yumuko. Sobrang naguguluhan ako sa mga naiisip ko. Hindi pa nga ako nakaka-get over kay Kuya na Kevin pala ang pangalan, dadagdag pa ang mabigat na presensiya ni Steve. Buhay nga naman.

"Alisha, wake up."

That voice? Jeez, I am just dreaming. Imposibleng tawagin niya ko.

"Hey. Alisha," tawag ulit ng boses na iyon.

Waah! I know that I slept but why until dream land, he's still there?

"Susmaryosep! Why did you do that?! Hindi nakakatuwa ah!" nanlalaki ang mga matang hinarap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ang dami daming gagawin, kikilitiin pa ko sa tagiliran. Hindi porke't may kiliti ako doon ay matutuwa ako sa ginawa niya. Sabi nga 'di ba? Biruin na ang lasing, huwag lang ang bagong gising. Speaking of bagong gising.

Shems! 12:57nn ako yumuko! Nakatulog ako! ngumangawang sigaw ng isip ko. Walang anu-ano ay inikot ko ang paningin ko sa paligid. Lahat sila nakatingin sa amin. Kinakabahang napatingin ako sa harapan. Nanlilisik na tingin ang ibinibigay sa akin ni Mrs. Garcia. Napalunok nalang ako.

"Alisha, hindi mo ba alam na halos maubos na ang oras ng subject natin dahil lang sa halos lahat na kami ay gumising sa iyo? Tapos ngayong nagising ka na dahil sa ginawa ni Steve, sisigaw ka naman? Imbes na magpasalamat ka!" ani Mrs. Garcia. Naka-high pitch ang boses ng pinaka-masungit naming teacher this school year. First time na nagtaas ng boses na ganitong kalakas si Mrs. Garcia sa klase namin.

"Thanks to you, Alisha. You break the record. Mrs. Garcia finally nagged that way in this section. We're not different from them, now. I think," bulong sa akin ni Steve.

"Shut up. It's all your fault. Alam mo namang ayaw kong ginigising ako ng ganoon di ba? Pero ginawa mo pa din!" mahina pero may inis na sagot ko naman sa kaniya.

"Haven't you heard Mrs. Garcia? Lahat sa klase natin ginigising ka pero ayaw mong magising. Pasalamat ka, kahit ayaw ko ginawa ko pa din. For their sake," may diing sabi niya lalo na sa huling tatlong salita.

"K," aniko at inirapan siya. "Sorry, cher. Masama po kasi talaga ang pakiramdam ko kaya nagtuloy tuloy ang tulog ko," baling ko kay Mrs. Garcia at humingi ng paumanhin. Napatango naman si Mrs. Garcia at nagsalita na.

Not feeling well? Nah. Congrats to me, nagsinungaling na naman ako.

"Since we've nothing to do about this, I will give you an activity nalang to be submitted tomorrow. I am expecting more from you," ani Mrs. Garcia sa klase. "And you, Steve. Please assist Alisha to the clinic. I think she needs to be there so that she can feel well," baling naman nito kay Steve. Nagkatinginan lang kami ni Steve at napipilitang lumapit siya sa akin at inaya na ako papuntang clinic.

"Let us go," aya ni Steve sa akin na kasalukuyan na ngayong nakatayo sa harap ko. Imbes na tumayo din ako at lumapit sa kaniya ay tinignan ko lang siya.

"Alisha Marie Gan," tawag niya sa buong pangalan ko. Dahilan para mapasimangot ako. Of all things or names na pwedeng itawag sa akin, whole name ko pa? Pang-asar talaga ang lalaking ito.

"Fine. Fine. Let's go," napipilitang tumayo ako. Bwisit na Steve ito, naniniwala din ba siyang masama nga ang pakiramdam ko? Saka bakit kailangan niya pa akong samahan? Pwede naman siyang tumanggi di ba?

Lumakad na siya at sumunod ako. Wala pang isang minuto ay nakalabas na nga kami ng classroom. Sinusundan ko lang si Steve habang nasa likod niya ako. Hindi kasi kami sabay na naglalalakad.

Steve, lingon! Masama nga pakiramdam ko di ba? Kahit sabayan mo lang ako, okay na!

Wala pang isang minuto pagkatapos kong sabihin sa isip ko iyon ay lumingon siya sa akin. Parang sinasabi niya na sundan ko lang siya. So, ayun nga ang ginawa ko. Habang naglalakad ay nagtataka naman ako. Lumagpas na kasi kami sa clinic. Parang ibang way ang tinatahak namin. Maya-maya ay huminto na din kami sa paglakad at humarap siya sa akin. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya.

"Hindi naman totoong masama ang pakiramdam mo 'di ba? Kung gusto mong umuwi, umakyat ka lang doon," aniya at itinuro ang isang mababang pader. "Tapos kung mahihirapan ka, may hagdan doon oh! Di naman mabigat kaya kayang kaya mo yun. Tapos kung nag-aalala ka sa bag mo, iwan mo nalang sa classroom. Bukas mo nalang balikan," patuloy niya sa pagsasalita.

"Steve, ano ba sa tingin mo ang sinasabi mo ha?" napipikang tanong ko sa kaniya.

"Eh di mag-cutting ka! Hindi iyong tutulog tulog ka sa klase at mang-iistorbo," aniya at tinalikuran na ako. Lumakad na siya habang ako? Napaupo nalang sa nakatumbang trunk ng puno.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Steve. You're getting worse," sabi ko habang nakatingin sa lupa.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon