Chapter 38

50 10 0
                                    

"...because of the connection of my Dad. Hindi naging ganoon kahirap alamin ang whereabouts and story ng family ninyo. Nalaman niya noon na kinawiwilihan kayong dalawa ng mga magulang ninyo at pabirong ibinubuyo sa isa't-isa. Alam niyang biruan lang ang kagustuhan nilang kayo ang magkatuluyan. Alam niyang kahit na gaano kagusto ng Daddy ninyo na maging magkapamilya, hinding-hindi papayag ang mga ito na kontrolin kayo para lang matupad ang matagal na nilang pangarap.

"2 years ago, nagsisimula nang malugi ang kompanya ninyo. Hindi na maganda ang takbo ng sales at nababaon na rin sa pagkakautang iyon. Wala namang ibang maisip si Tito Lex noon kundi ang makipag-merge sa company nila Steve na nagsisimula nang mag-boom sa industry. Pero dahil malaki ang respeto ng tatay mo sa damdamin ninyo, lalo na sa iyo, Althea. Hindi niya itinuloy iyon. At walang paglagyan ang tuwa ni Dad noong malaman niya iyon. Pero wala pang isang taon, agad napalis ang tuwang iyon nang malaman niya sa bantay ni Jude na may kinakatagpong babae ang kapatid ko sa Cavite at mukhang girlfriend daw niya. Pina-background check ka ni Daddy at nalaman niyang anak ka ng taong kinamumuhian niya.

"So, Dad took that opportunity para huwag magkaroon ng ugnayan sa inyo. He approached your Dad at sinabi niyang tutulungan ang pamilya ninyo kung paglalayuin kayo ni Jude. Noong una, ayaw pumayag ng Daddy mo. Pero sa huli ay nakumbinsi rin siya ng tatay ko. Pina-transfer ka kaagad sa Manila at in-insist ang kasunduang hindi naman talaga totohanan. Hindi ganoong naging mahirap ang lahat sa Daddy ni Steve ang pumayag sa kasunduan dahil nagkataong malaki ang naging tulong ng kompanya namin sa kompanya nila. Dad even offered them to live in States for good. Start an extension business there and he'll do everything to support their business here in the Philippines."

Damn it! Kaya pala ganoon nalang ang pagtataka ko sa inaakto ng mga ito? Ganoon ba talaga kahalaga ang pera para sa mga ito at nagawa nilang ipagkanulo kami?

"But please, huwag kayong magalit sa parents ninyo. Sobrang tuso lang talaga si Daddy kaya napapayag sila. My Dad threathened them at alam nilang walang hindi kayang gawin si Daddy kaya napapayag sila," dugtong naman ni Kevin sa sinasabi nito.

"Eh, ang lakas din naman pala ng loob mong makipagkita sa amin! Hindi mo ba alam kung gaano kami naghihirap ni Althea ngayon ha? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit na gumising araw-araw na walang pamilya ha?" galit na sabi ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko at hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin dahil sa tarantadong ito.

"That's why I am here. Kaya sinasabi ko sa inyo ang nalalaman ko. And I want to say sorry for my Dad. Sorry sa lahat ng nagawa niya. Siya mismo ang nag-insist na gawin ko ito. Na ipaliwanag sa inyo ang lahat. Kung gaano siya nagsisisi sa lahat ng nagawa niya. Kung gaano niya kagustong itama ang lahat. Alam niyang naging tuso siya at ayaw niyang umabot sa puntong maranasan ng magulang ninyo ang nararanasan niya. Kahit ganoon katuso ang Daddy, alam kong dala lang iyon ng mga hinanakit at galit niya sa mundo.

"My Dad suffered a lot of times at ganoon nalang ang paghihigpit niya kay Jude dahil nakikita niya ang sarili niya sa kakambal ko. At sobra siyang nagsisisi. Kaya kahit alam kong mahirap ang pabor niya sa akin, ginawa ko pa rin. I didn't know you, Althea. Hindi ko alam kung anong itsura mo. Nakilala lang kita sa mga kwento ng kapatid ko. Hindi ko naman hinayaan pang ibigay sa akin ni Daddy ang mga picture mo kasi somehow, gusto kong pahirapan ang sarili ko.

"Gusto kong makabawi kay Jude. Hindi ko noon inalam ang facebook account mo. I deleted my facebook account para lang huwag kitang makita sa picture. Gusto ko, the first time I saw you, it's personal. Sinabi sa akin ni Dad na nag-transfer ka na raw sa Manila. He told me to transfer also in Academy of Virtue --- it's a school own by my family. Sinabi niyang malapit lang doon ang school mo. At dahil nga sa mahigpit ang security sa Academy kung saan ka nag-aaral, hindi ko magawang makapasok noon para hanapin ka.

"Mabuti nalang talaga at may nakakakuha ng exclusive privilege para makapasok sa school ninyo every foundation week. And I took the opportunity. Pumunta kaagad ako sa school ninyo at nagtanung-tanong kung may nakakakilala ba sa'yo at kung nasaan ka? Sa kakatanong ko, napagawi ang tingin ko noon sa isang babaeng nasa ilalim ng puno, nakatuon lang ang tingin nito sa bilog na nakaguhit sa sementong hindi kalayuan sa pwesto niya. Nilapitan namin siya ng mga kasama ko at tinanong kung kilala ka? Sinabi niyang kaklase ka niya at nandoon ka raw sa classroom ninyo at nakakulong. Doon ko napagtantong nag-organize kayo ng jail booth kaya ganoon nalang kung magbantay noon ang kaklase mo.

"Kaya ang ginawa ko? Tinanong ko kung paano ka makakalaya. Pwede ba kitang puntahan pero ganoon nalang ang pagtutol niya. Hindi raw pwedeng makita ng kahit na sino ang nakakulong hangga't hindi ito tinutubos. Kaya ang ginawa ko? Tinubos kita. Sinabi sa akin ng kaklase mo na babalik daw siya kasama ka at maghintay ako. Pero dahil sa inip ko, naglibot muna ako sa mga booth at nagawi naman ako sa booth kung saan may nagtitinda ng libro. Natagalan ako sa pagtingin doon at nang may mapili na ako, agad kong kinuha iyon para bayaran sana."

Hindi nakaligtas sa akin ang kaligayahang nababakas sa mata ni Kevin habang ikinukwento ang pangyayari noong foundation week namin.

"...may biglang humablot ng librong hawak ko at pinipilit niyang siya ang nakaunang magkainteres doon. Sinabi pa niyang pina-reserve niya ang libro at dodoblehin pa ang bayad doon. Kita ko sa kaniya noong gustong-gusto niya talaga 'yong libro. Sinabi pa nga niyang nakulong raw siya at nagpapasalamat siyang may tumubos sa kaniyang hindi niya inakala eh. At doon ko naisip na baka siya na si Althea. Kaya tinanong ko siya at hindi naman siya tumanggi. Tuluyan niyang naagaw sa akin ang hawak kong libro at mabilis na umalis pagkabigay ng bayad sa libro. Sinabi pa niyang keep the change samantalang piso lang naman ang sukli doon sa 200 pesos na binayad niya," patuloy ni Kevin sa pagkukwento at tuluyan na nga itong tumawa sa naalala.

Napakunot naman ang noo ni Althea sa mga sinasabi ni Kevin sa kaniya.

"Don't tell me, si Alisha ang sinasabi mong nagpanggap na ako?" tanong ni Althea.

Para namang nagpantig ang tainga ko sa narinig. Bakit hindi ko alam ang bagay na iyon? Kaya ba ganoon nalang ang naging reaksyon noon ni Alisha sa Jollibee nang sumulpot si Kevin at tinawag siyang mangkukulam?

"Yes. It's Alisha. Noong una, hindi ko talaga alam na nagpapanggap siya. Nalaman ko lang no'ng minsang nagkasabay kami sa jeep at nalaglag niya 'yong picture niya noong Holloween Party nila. Pero hindi ko nagawang aminin kay Alisha ang nalaman ko. Ayokong magalit siya sa akin. Sobrang mahalaga siya sa akin at masaya ako everytime na nakakasama ko siya. Imbes na magalit ako sa pagpapanggap niya, palihim pa rin akong natutuwa kasi kahit paano may dahilan pa rin ako para makipagkita sa kaniya. Sobrang komportable ako noon sa kaniya. Nagawa ko pa nga siyang dalhin sa puntod ni Jude..."

"W-what did you say? Alam ni Alisha na patay na si Jude? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?" nagpupuyos sa galit na sabi ni Althea. Hindi ko siya masisisi. Maski ako? Gulong gulo sa mga nalaman ko.

Bakit nagpanggap si Alisha? Bakit wala man lang itong nababanggit sa amin? Hindi ba nito pinapahalagahan kahit man lang ang pagkakaibigan nila ni Althea?

"Gosh! I can't believe this! Of all people? Talagang si Alisha pa ang mai-involve dito? Bakit sinabi niyang bakla ang tumubos sa akin noon? Ganoon ba kahirap na sabihin ang totoo? Bakit ang tagal niyang nagpanggap na ako? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na patay na si Jude? Na wala na pala 'yong taong mahal ko. Hindi ko gustong sabihin ito, Steve. Pero hindi kaya't nagkamali lang tayo ng akala? Hindi kaya't si Kevin talaga ang gusto niya at hindi ikaw? Kasi wala akong ibang maisip na dahilan kundi iyon lang. Kasi kung ako si Alisha, ipagpapatuloy ko talaga ang pagpapanggap para lang makasama si Kevin. And look at him, Steve! He already knew that Alisha wasn't me. Pero bakit hindi niya masabi kay Ali? For sure, mayroon silang mutual feelings. Ayon lang ang nakikita kong dahilan!" frustrated na sabi ni Althea sa akin after umalis ni Kevin. Hindi na natuloy ni Kevin ang pagkukwento nang paalisin ito ni Althea. Sobrang napuno ng galit ang puso ni Althea nang malamang nagsinungaling sa kaniya si Alisha.

At ako? Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi galit. Pareho kami ng sentimyento ni Althea sa mga oras na ito at iisang bagay lang ang tumatakbo sa isip namin. May gusto ang dalawa sa isa't-isa at ganoon nalang katindi ang galit ko nang maalala ang tinging ibinigay sa akin ni Alisha kanina. Bakit ganoon nalang kadali para sa babaeng iyon ang apektuhan ako ng ganito? Kanina lang ay punong-puno ako ng pag-asa pero sa isang iglap, naglaho iyon na parang bula. Galit ako kay Alisha at galit din ako sa sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa kaniya!

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon