Chapter 32

53 11 0
                                    

"Alam mo bang hindi ko totoong tatay ang kasama ko ngayon? Second husband na siya ni Mommy. Naghiwalay sila when I was eight. Madalas mag-away noon ang parents ko. Palagi kong naririnig na pinag-aawayan nila ang kawalan ng oras ni Daddy sa amin. Palagi kasing gabi na kung umuwi si Dad noon, mas madalas madaling araw. Tapos palagi pa siyang lasing. Madalang lang siyang umuwi ng maaga after work. Maaga na siguro ang alas-siyete ng gabi. Habang nagkakaisip ako, wala yatang araw na hindi nagbulyawan o nag-away ang parents ko. Lagi kong nakikita na umiiyak si Mommy at ako? Hindi ko magawang umiyak noon kahit na gustong-gusto ko talagang umiyak. Naisip ko kasi, hindi magugustuhan ni Mommy iyon at mas lalo siyang malulungkot. From then, sinabi ko sa sarili ko na dapat maging matatag ako. Na dapat maging matapang ako. Mas lalo akong naging determined noon nang mapadalas ang pag-uwi ni Dad ng isa o dalawang beses lang per week. Hindi ko alam ang dahilan ni Dad noon, ayaw ko rin namang magtanong kay Mom kasi parang mas bumibigat lang ang loob niya kapag tatanungin ko siya kung kailan uuwi si Dad?" simula ni Keighla sa pagkukwento niya tungkol sa family niya. Hindi ko alam na hindi niya iyon totoong ama. Ilang beses ko nang na-meet ang family ni Keighla at maging ang mga kapatid niya. Kaya pala nagtataka ako noon pa man kung bakit hindi niya kamukha ang mga kapatid niya? Partly oo, pero sa tatlong magkakapatid kasi. Si Keighla ang pinakamalayo ang mukha sa kanila. Her two sister were closely look alike. Inisip ko nalang noon na baka mas nakuha ni Keighla ang mukha ng nanay niya.

"Hanggang sa isang araw, nakita ko si Daddy sa labas ng school namin. Ang saya ko noon kasi finally, umuwi na rin si Dad. Almost one month na kasi siyang hindi nagpapakita noon eh. Pero nagulat ako, kasi may isang batang lumapit sa kaniya. Rinig na rinig ko noon 'yong masiglang pagtawag nito ng Daddy sa tatay ko. Para akong nabingi noon. Maraming tanong na tumakbo sa isip ko. Bakit tinawag nitong Daddy ang tatay ko? May kapatid ba ako? May hindi ba sila sinasabi sa akin? Bakit hindi ko kilala ang batang iyon? Bakit kakaiba 'yong nakita kong excitement sa mata ni Daddy nang salubungin niya ng yakap 'yong bata? Bakit parang noon ko lang siya nakitang totoong masaya? At bakit nagawa niyang sunduin 'yong bata na 'yon na never niyang ginawa sa akin? Akala ko ba busy siya sa work? Akala ko ba palagi siyang over time? Pero bakit ganoon?" patuloy ni Keighla at ramdam na ramdam ko ang bigat sa pagkukwento niya. At parang nakita ko ang sarili ko kay Keighla. Iyong tipo na pinipilit niyang maging huwag apektado sa kwentong iyon ng buhay niya.

Hinayaan ko lang siyang ituloy ang kwento niya.

"Tapos ayon, biglang dumating si Mommy. Nilapitan niya ako at kinuha 'yong gamit ko. Pero hindi ko siya pinansin noon. Nakatingin lang ako kay Dad na during that time, may kasama nang isang babae. He even kissed her on lips. Isang bagay na never niyang ginawa kay Mommy tuwing uuwi siya. Alam kong nakita rin ni Mommy 'yon kasi bigla niya akong kinulong sa yakap niya. Iyong tipo na parang gusto niyang sabihin na mali ang nakikita ko, na imagination ko lang 'yon. Pero hindi eh, alam ko. I was not imagining. Umiyak ako noon. Hindi ko na napigilan pa. At alam mo ba kung anong sinabi ni Mommy sa akin? Huwag na huwag ko raw hahayaan ang sinuman na gawin sa akin ang ginawa ni Daddy sa kaniya. Na huwag ko raw siyang gagayahin, huwag raw akong magmamahal sa isang taong may mahal nang iba. Siguraduhin ko raw na magmamahal ako sa tamang tao. Siguraduhin ko raw na hindi ako basta basta iiyak at magmumukmok lang. Kailangan ko raw maging malakas at huwag raw akong maging mahina.

"At habang tumatagal, doon ko na-realize 'yong pagtataksil na ginawa ni Daddy sa family namin. Na kaya pala matagal na siyang hindi umuuwi kasi hiwalay na sila ni Mommy. Nalaman ko rin na aksidente lang naman pala ang pagkakabuo sa akin. My Mom was head over heels then to her best friend which is my Dad. Noong time na 'yon, desperate na masiyado si Mom noon at threatened na rin kasi nalaman niyang may plano nang mag-propose si Dad sa current girlfriend niya --- which happened the same girl na nakita ko noon na hinalikan ni Daddy. Kaya pala ganoon nalang ang saya niya noon, kasi iyon talaga ang taong mahal niya. Na kaya pala ganoon ang treatment niya sa amin kasi hindi pa rin siya maka-move on sa ginawa ni Mommy. Pinikot kasi siya ni Mom, eh. Nilagyan niya ng gamot 'yong iniinom ng tatay ko na alak. Inuwi niya si Daddy sa bahay nila tapos may nangyari sa kanila noong time na 'yon. Tapos nahuli sila nila lola na magkatabi sa kama at nakahubad. And then 'yon, mabilis na inayos ang kasal nila. Nagbunga nga 'yong ginawa nila at ako 'yon."

"I am sorry, Keighla. Hindi ko alam na ganoon pala ang kwento ng buhay mo. Mas mahirap pa pala ang pinagdaanan mo sa akin. Mas masakit. Nahihiya tuloy ako sa mga drama ko na pinagpasensyahan mo. Siguro gustong-gusto mo na akong batukan noon ano? Sorry, friend. Pero bakit ngayon mo lang kinwento ito? Best friend mo 'ko 'di ba?" sabi ko sa kaniya at hindi ko malaman kung aaluhin ko ba siya o ano? Kung sasabihin ko ba sa kaniyang okay lang namang umiyak? Gosh, I can't believe na naiisip ko ito ngayon. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit siya ang naging kaibigan ko.

"Tse. Bakit ko naman iku-kwento eh busy ka sa kakaisip sa past mo? Pero alam mo, masaya na rin naman ako ngayon sa buhay ko eh. Mabait ang napangasawa ni Mommy at hindi ako tinuring na iba. They even changed my surname and he really consider me as his panganay. Hindi ko naramdamang wala akong tatay nang dumating siya sa buhay namin ni Mom. At sobrang thankful ko kasi first time kong nakita si Mommy na sumaya nang ganoon. Hindi katulad sa totoo kong tatay, palagi siyang umiiyak dahil dito," nakangiting sabi niya. Kitang-kita kong okay na nga siya at halata talagang kuntento na siya sa kung anong mayroon siya. Bahagya tuloy akong nainggit sa kaniya. Ako kaya? Kailan ko kaya mangingitian ang lahat?

"Kamusta ka naman sa Daddy mo ngayon?" tanong ko sa kaniya. Nilihis ko nalang ang naiisip ko kasi alam kong hindi tama na kainggitan ko ang kaibigan ko. Sadyang mas matapang lang talaga siya kumpara sa akin.

"Si Daddy Migs? Nako! Okay na okay kami. Friends na sila ni Mommy ngayon. Close na close ko rin si Geneva ngayon! Siya 'yong bata na nakita kong sinundo ni Dad noon. Naging maayos na sila ni Mommy. Hindi naging ganoon kadali ang lahat pero bago sila ikasal ni Daddy Sam, nagkaayos muna sila. They had closure. At alam kong naging mahirap para kay Daddy Migs na ipagkaloob ang huling hiling ni Mommy na ipaiba ang apelyido ko. Siguro kasi kahit naman ganoon ang nangyari sa kanila ni Mom, anak pa rin niya ako at alam kong mahal niya ako. Nangibabaw lang siguro talaga ang galit niya at nadamay lang ako. Sweet naman sa akin si Dad noon pa man, eh. Hindi nga lang katulad ng pagka-sweet niya kay Geneva. He told me na kaya raw ganoon kasi ayaw niyang gamitin ako ni Mommy para lang huwag siyang umalis. Matagal na pala noong gustong makipagkalas ni Dad sa nanay ko, ayaw lang nitong pumayag. Hanggang sa iyon nga, nalaman niya na nagkaroon pala sila ng anak ng ex-girlfriend niya before my parents got married. Noong malaman niya 'yon, he did everything to win her ex back. Totoo nga siguro 'yong greatest love kasi ayon ang kwento ni Dad at Tita Gwen. At mas lalong naging matibay ang love nila nang ma-grant na nga ang annulment ng parents ko. They were happy. Same as my mother when she met Daddy Sam. At iyon, eventually, naging close na rin naman ang lahat. Siyempre hindi maiiwasang nagkikita pa rin ang family namin kasi close na close talaga ang family ng tunay kong ama sa family ni Mom eh. Kaya nga naging mag-best friend din sila. Awkward lang noong umpisa pero nakasanayan na rin naman. Isa pa, mabait naman si Tita Gwen. Tinuturing niya rin akong anak kapag sa kanila ako nag-stay," nagniningning ang mga matang sabi niya sa akin.

Nakakatuwa lang na naging maganda naman ang kinalabasan ng lahat ng nangyari sa buhay nila. Masaya ako para sa kaibigan ko. Sobrang saya.

"Kaya ikaw, Alisha. Hindi masamang harapin mo ang sakit na idinulot nang nakaraan. Walang imposible when it comes to love. And forgiveness ang makakapagpalaya sa atin sa lahat ng sakit. Kami? When we learned how to forgive, we started also how to forget every pain that we've been through then. At mula noon, hinaharap na namin ang bawat umaga na malaya na at masaya talaga. At iyon ang isang bagay na gusto kong matutunan mo, na gawin mo. Kaya nga kahit hindi mo ako tinanong about this, na alam ko namang hindi mo talaga itatanong. Naikwento ko pa rin kasi alam ko, makakatulong sa'yo. Patawarin mo na sila, friend. Isa pa, gusto ko rin silang makilala. For sure, miss na miss mo na sila. For sure, miss na miss ka na nila!" positibong sabi niya sa akin.

Parang may kung anong lakas ng loob naman ang nabuhay sa puso ko. Tama nga siya. Kung kinaya nila, kakayanin ko rin. Kailangan ko rin namang maka-move on at hindi habang buhay na tatakasan ko ito.

Lord! Thank you po talaga. Kasi binigay mo sa akin ang best friend kong si Keighla. Happy talaga ako that you're my God!

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon