Chapter 6

141 31 3
                                    

Hirap na hirap na ako sa biyahe. Ni wala man lang nakaramdam sa mga pasaherong kasabay ko na nahihirapan ako. Wala man lang nagmagandang loob na ialok sa akin ang inuupuan nila. Hello? Nagbayad din kaya ako. Saka tatanggihan ko naman sila, wag silang mag-alala. Tagtag na ako sa biyahe. Ni hindi ko man lang magawang makaidlip samantalang yung katapat ko na lalaki eh kanina pa nakayuko sa backpack nitong hawk ang tatak. Kanina pa siya nakapwesto ng ganiyan kaya hindi ko malaman kung ano bang itsura niya. For sure, tulo na na ang laway ng lalaking katapat ko. Napangiti nalang ako sa naisip. Sakto namang nagred ang traffic light kaya huminto ang jeep. Sa wakas, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Paano? Napakabilis magdrive ng driver, akala yata ay nasa expressway kami. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang biscuit na binili ko kanina. Akmang isusubo ko na ang biscuit ng bigla namang humarurot ng takbo ang jeep. Halos lahat ng pasahero ay napausod sa pagkakaupo. At yung inuupuan ko namang maliit na upuan ay hindi nakaligtas. Napausod din ito at natangay ako palapit sa gawi ng driver. Napapikit nalang ako at hinihintay na sumalampak ako sa aisle.

Hindi naman nangyari ang naisip ko. Naramdaman ko kasing may humawak sa braso ko dahilan para kahit paano ay mapigilan ang posibleng pagkakasalampak ko. Galing ang kamay na iyon sa gawi ng lalaking katapat ko kanina. Nilingon ko siya at kita kong kalong niya ang hawk backpack. Teka, bakit parang pamilyar siya sa akin? Nakita ko na siya eh.

Tinignan ko lang siya. Ang brown niyang mga mata, ilong, bibig at pisngi. Binggo! Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga! Wah. Bakit sa ganitong pagkakataon ko pa siya ulit nakita? Nakakahiya.

"Ano bang ginagawa mo diyan sa gitna?" tanong niya sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Obvious ba? Edi nakaupo," sa halip na sagutin siya ng maayos ay sarkastikong sagot pa ang itinugon ko sa tanong niya. "Alisin mo nga yan, ang sakit," sabi ko na ang tinutukoy ay ang kamay niyang nakakapit sa braso ko. Hindi naman talaga masakit eh, actually sakto lang ang pagkakahawak niya.

"Dito ka na umupo. Palit tayo," sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Likas ba talaga sa isang ito ang tumulong? O baka naman kasi akala pa din niya ay ako si Althea.

Walang pagdadalawang isip na nagpalit na nga kami. Mabuti nalang at walang nasubsob sa aming dalawa dahil sa mala-race car na takbo ng jeep. Nang makaupo na ako ng maayos ay nakaramdam ako ng matinding relief. Sa wakas, relax na ang pakiramdam ko. Ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok. Bago tuluyang pumikit ay nilingon ko ang lalaking dahilan kung bakit ako nakaupo ng maayos ngayon.

Ni hindi ka man lang nagpasalamat sa kaniya. Kausap sa akin ng isip ko. Isinantabi ko nalang iyon at tuluyan na ngang pumikit. Malayo layo pa naman ang bahay namin, hindi naman siguro ako lalagpas.

--

Naku-curious ka na ba kung sino si Kuya o yung lalaking tumulong kay Alisha? 😊😉
Eh si Steve, ano nga bang role niya sa ating bida? Will it be Steve or Kuya Unknown? The reason why Alisha experienced an achy breaky past? What and who do you think?
Tara, sabay sabay nating tuklasin sa mga susunod na kabanata. Maraming salamat po! 😊😗😘

Truly yours,
xarisagape 💕

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon