Mabilis namang nakabalik sa normal ang lahat. Muling nangibabaw ang isang kantang tila baga nang-e-engganyo sa bawat isa na pumunta sa gitna at sumayaw. Inilahad na nga ni Steve ang kaniyang kamay at agad ko naman iyong tinanggap. Naglakad na kami papuntang gitna.
🎶 Winter snow is falling down
Children laughing all around.
Lights are turning on,
Like a fairytale come true... 🎶"You really look beautiful tonight, Alisha Marie Gan," mahinang sabi ni Steve sa akin ngunit dinig ko pa rin. At parang first time kong na-appreciate ang buo kong pangalan. It feels like were in the fairytale now. Punong puno ng mahika ang paligid at parang sa amin lang ang focus ng gabing ito. My heart is beating as if there's no tomorrow. I felt million of butterflies that's flying inside my stomach. I never imagine these things to happen in reality. I thought, it was only written in a romance book.
Ramdam na ramdam ko rin ang bolta-boltaheng kuryente na muling dumaloy sa mga blood vessels ko. Kakatwa kasi this time, parang part na ito ng sistema ko. Hindi na ako nailang pero sa halip, mas nagugustuhan ko na ang pakiramdam.
Naramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Steve sa bewang ko at wala sa loob na isinukbit ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya.
🎶 All I want is to hold you forever
All I need is you more everyday... 🎶Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at napapikit na lamang ako at tila baga lumakas ang tibok ng puso ang naririnig ko. Hindi ko alam kung sa akin lang ba iyon o maging sa kaniya pero ang sarap pakinggan. Tila baga sinadyang magtugma ang puso naming dalawa. Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mabigyan ng interpretasyon pero isa lang ang sigurado, alam kong hindi na basta basta ang mayroon sa aming dalawa. Mukhang pagkatapos ng gabing ito, may magbabago at hindi ko alam kung paano haharapin ito.
Matapos naming sumayaw ay nagpaalam na nga kami. Sakto namang nasa labas na ng school ang sasakyan ni Ate Jasmine kaya hindi na rin kami nag-antay pa.
"Bakit ganiyan ang ngiti ninyong dalawa ha?" puna ni Ate Jasmine ng mapansing nagkatinginan kami ni Steve at nangiti bigla.
"Ah, kasi po parang tanga 'tong si Steve eh. Nakikipag-unahang sumakay. Kung sino raw mahuhuli, magkakaroon ng parusa," paliwanag ko.
"Kayo talaga," naiiling na sabi ni Ate Jasmine. "Eh sinong nanalo?" muling tanong niya.
"Wala!" ani Steve at tumawa. Tama naman kasi ang sinabi niya. Talagang sabay na sabay ang pagpasok at pagkakaupo namin. At hindi ko naman alam kung anong pagitan noon sa oras na mas mabilis pa ata sa segundo. Hindi naman kasi ako orasan, same as Steve.
Natawa nalang rin si Ate Jasmine at ini-start na ang engine ng sasakyan.
"Saan ninyo gustong pumunta?" tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Steve at napailing nalang.
"Ate, hatid na natin si Alisha. Masiyado ng gabi. Baka pagalitan siya ng parents niya."
"Ay, ganoon ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman siyang maka-bonding."
"May next time pa naman po. Pwede po ako ng weekend basta po huwag lang gagabihin."
"T-teka, hindi ka makikipagkita kay Kevin?" tanong ni Steve.
Nagtatakang nilingon ko naman siya. "Bakit naman ako makikipagkita roon?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"Malay ko. Palagi kaya kayong magkasama kapag weekend," aniya at nagkibit balikat.
"Uy, may nagseselos!" pang-aasar ni Ate Jasmine.
"Ate!" depensa ni Steve at kitang kita ko ang pamumula ng tainga niya. Lihim akong napangiti at nagpapasalamat kasi nakabukas ang ilaw sa sasakyan. "Ali, don't mind her ha? Wala lang talaga siyang magawa," baling niya sa akin. Tila ba gustong gusto niya akong kumbinsihin na wala lang iyong sinabi ng pinsan niya.
Napatango nalang ako at makahulugan ang ngiting ibinigay ko sa kaniya. Actually, wala namang dahilan para mailang o mainis ako sa sinabi ni Ate Jasmine. I actually like the idea. Parang ang sarap lang sa feeling na nagseselos si Steve dahil sa akin.
"Nginingiti mo riyan?" kalaunay tanong sa akin ni Steve.
"Ano nga ulit iyong sinabi mo sa akin kanina noong sumasayaw tayo?" sa halip na sagutin siya ay ito ang sinabi ko. Halata namang nagtataka siya sa inaakto ko. Lumapit ako sa kaniya at tumigil lang nang maramdaman kong nagdikit na ang balikat naming dalawa. Maya-maya ay inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Natawa nalang ako ng maramdaman kong para siyang naestatwa na ewan. "You really look beautiful tonight, Alisha Marie Gan..." bulong ko sa kaniya at biglang lumayo. 'Yong kaninang namumula niyang tainga, ayon at parang hinawaan na ang mukha niya. Kitang kita ko ang pamumula niya. Gosh! Bakit, nag-eenjoy akong makita siyang ganito?
"Crush mo ba 'ko, Steve?" walang kagatol-gatol na tanong ko sa kaniya.
Napalunok naman siya at umiwas ng tingin. "A-ano bang pinagsasabi mo, Alisha?"
"Just answer me, please."
Tumingin siya sa akin ng diretso at hindi nakalagpas sa akin ang tingin niyang parang ngayon lang niya pinahintulutang maglandas ng malaya sa kaniyang mga mata. Those pair of eyes looks enchanting tonight. Punong-puno ng emosyon. Punong-puno ng paghanga, saya, contentment, and love.
Love? Tama ba ang nakikita ko? This time, ako naman ang nailang at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Minsan talaga hindi nakakatulong ang pagiging impulsive ko. Masyado akong nagpadalus-dalos ng tanong na hindi iniisip kung anong posibleng kahantungan nito. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa bintana ng sasakyan.
Buong biyahe, tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Wala ni isa man ang nagtangkang bumasag sa katahimikan. Mabuti nalang talaga at naisipang magpatugtog ni Ate Jasmine kaya kahit paano ay hindi totally nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.
🎶 May sikreto akong sasabihin sa'yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam
Ito'y isang lihim, itinagong kay tagal
Muntik na kitang minahal.Hindi ko noon nakayang ipadama sa'yo
Ang nararamdaman ng pusong ito.
At hanggang ngayon ay naaala pa.
Muntik na kitang minahal.Ngayon ay aaminin ko na
Sana nga ay tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y hindi totoo'Di ko alam kung ano ang nangyari
Pag-ibig ko sa'yo'y hindi ko masabi
Hanggang ang puso mo'y napagod
Sa paghihintay ng kay tagal
Saka ko lang naisip
Muntik na kitang minahal... 🎶Napalingon ako kay Steve at nahuli kong nakatingin din siya sa akin. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Walang salita ang namumutawi sa aming dalawa pero alam ninyo 'yong pakiramdam na parang walang kulang? Para akong buo. At isa lang ang sigurado ko kung bakit? Kasi kasama ko si Steve. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at nakangiting nagkatinginan kaming dalawa. Para kaming may isang sikreto na kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.
--
A/N:
Hello! Pasensiya na at sobrang late ang naging update ko. Ngayon lang kasi ulit ako nakapag-load sa wattpad. Mahirap maging mahirap. Charot. Haha! Wala po kasing income pero salamat kasi may nagbabasa pa rin! Sana po subaybayan natin hanggang dulo ang kwento.
Anong team nga kaya ang magkakatuluyan?
#TeamAliVe (Lakas maka-alive! Haha!)
#TeamAliVinEh 'yong namumuong
#TeamJuNico
#TeamJuHelaHaha! Oh, sige. Hanggang sa susunod na update. Thank you in advance!
- xarisagape 💕
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (✔)
Novela JuvenilAlisha, being in a group of friend she value most felt betrayed, in order to save herself, she decided to distance herself and part ways. - When is the right time? I have no idea. I don't know when. Maybe soon. Maybe tomorrow. Maybe now. Maybe...