Chapter 51

41 9 0
                                    

Bagsak 'yung mga katawan namin nang makarating kami ng apartment. Lima hanggang anim na oras yata ang inabot ng biyahe namin dahil na rin sa katakot-takot na traffic na nadaanan namin.

"Mabuti na lang nakauwi pa tayo!" nag-iinat-inat na sabi ni Jhela. Napasalampak ito sa sahig at tinanggal ang pagkakasintas ng suot na sapatos.

"Baho!" ani Jules na tinabihan si Jhela at tinulungan pa itong tanggalin ang medyas na suot niya.

Isang malakas na kaltok naman ang inabot ni Jules mula kay Jhela pero parang wala lang dito dahil tumawa pa ito.

Napailing na lang ako at naalala 'yung dating Jules na halos hindi mo mapapaupo sa sahig dahil marurumihan kuno siya. Natutuwa tuloy akong isipin na healthy ang relasyon nila ng kaibigan ko. At least, they learned how to adjust and compromise to each other's differences.

Sa sofa naman kung saan nakaupo si Althea at Julie ay tila may masinsinang pinag-uusapan 'yung dalawa. May ipinapakita pa si Althea mula sa cellphone nito at kuntodo usyoso naman si Julie roon.

"Siya na ba talaga 'yan?" rinig kong sabi ni Julie.

"Oo, ang pogi ano?" may malisyang sagot naman ni Thea. Nang-aasar na nginitian nito si Julie at hindi na rin kataka-takang napairap ito. She crossed her arms and lean herself on the sofa. Parang ang lalim bigla ng iniisip niya matapos tignan 'yung kung ano mang pinapakita ni Althea.

"Anak ng!" bigla namang sabi ko nang may kung sinong tumapik ng malakas sa balikat ko.

"Ali, relax! Ako lang 'to!" natatawang sabi naman ni Keighla sa akin.

Hanep, kailan pa napunta rito si Keighla? Akala ko ba may celebration sila ng family niya? Maloloka na talaga ako. Tatanungin ko pa sana siya kaso bigla naman akong iniwan ng bruha at sinalubong 'yung lalaking kakarating pa lang.

"My loves!" matinis na tawag ni Keighla. Akala mo naman isang linta kung makalingkis sa braso ni Kevin. Halata namang nailang ito sa kaibigan ko at ayun na naman ang paghawak nito sa batok nito.

Kahit kailan talaga 'tong si Keighla, eh. Lakas ng sayad.

"Late na ba ako?" tanong ni Kevin sa amin.

"No, my loves. You're just on time," agad namang sagot ni Keighla.

Nahihilo na ako sa mga kasama kong ito. Nasaan na ba si Steve? Huli kong kita sa kaniya nung pagbaba namin ng sasakyan. Nauna na kasi itong bumaba. Napagod malamang sa pagda-drive.

Nag-ikot na lang ako sa apartment para hanapin si Steve. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa itsura ng bahay. Hindi naman ito 'yung unang beses na nakapunta ako rito pero ngayon lang ako naglakas-loob na ikutin ito. Malaki kasi ang apartment na nakuha nila, apat ang kwarto rito, bukod pa ang kusina, sala, veranda, at kung ano pa man.

Natuon ang pansin ko roon sa mga costumized picture frame na nakakabit sa hallway papunta sa mga kwarto. Mga kahoy iyon na kinabit ng pakwadrado at kinulayan ng itim. Nagmistula tuloy itong collage pictures na nakakabit sa dingding.

Nandoon 'yung mga picture namin noong highschool maging 'yung unang litrato naming lima. Um-attend kami noon sa acquiatance party kaya formal ang suot namin. Pati na rin 'yung mga picture namin tuwing Christmas Party, 'yung mga gala namin, at mga stolen shots ng isa't-isa. May iilan lang na picture kaming anim dahil nga transferee lang si Althea. Hindi ko naman maiwasang malungkot nang makita ko 'yung graduation picture nilang lima. Ang lapad ng mga ngiti nila, pero mas na-focus ang tingin ko roon sa picture na hawak nila. Group picture namin iyon at kumpleto kami.

"Alam mo ba na kahit wala ka riyan, pakiramdam namin buo pa rin kami. Ayaw kasi namin isipin na wala ka kasi baka mas lalo kang malungkot kapag nalaman mong ang saya-saya namin kahit wala ka." Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa likod ko. Nginitian niya ako ng ubod tamis kaya pakiramdam ko lunod na lunod ako.

"S-Steve, kanina ka pa riyan?"

Tumango naman siya at bigla niyang hinawakan ang pulso ko sa kaliwang kamay.

"Tara may ipapakita ako," aya niya sa akin at inakay ako papunta sa isang kwarto.

Mas lalo akong namangha nang makita kong may mga bulaklak at halaman na nakalagay rito. May mga customized wood crafts din tulad ng study table na malapit sa kamang kulay puti ang comforter at unan, wood dividers na nasa pader, wood cabinet sa tapat ng kama, at wood chairs na nasa gilid naman. Actually, simple lang naman talaga siya pero overwhelming pa rin ito sa paningin ko. Para ngang sinadya ang design nito para sa akin, ganito kasi ang tipo ko.

"A-anong mayroon dito?" tanong ko kay Steve na tila naaaliw na namang tignan ang reaksiyon ko. Kainis naman, sarap pisilin. Kagigil!

"This is your room," sagot niya at inilahad ang hawak na susi. Hindi niya na hinantay na kunin ko 'yun, bagkus ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa palad ko.

Nang masigurong hawak ko na ang susi ay hinawakan niya naman ang kabilang kamay ko at inakay ako palapit sa cabinet.

Shocks! 'Yung kamay ko. Totoo ba 'to? Magkahawak-kamay ulit kami!

"A-anong mayroon dito?" parang sirang plakang tanong ko na naman. Nababaliw na talaga ako.

"Open it," nakangiti pa ring sabi niya.

Hay nako talaga, Steve! Tigil-tigilan mo ako sa pangiti-ngiti mong 'yan. Baka hindi kita matantya at... Wahh! Erase! Ano ba 'tong naiisip ko?

Binuksan ko na nga ang cabinet at sa pagkakataong ito ay hindi ko na maiwasang mapaiyak. Totoo ba 'to? Nakakainis, bigla na naman akong nagsisi sa mga kadramahan at kagagahan ko noon.

"S-sa akin lahat nang 'to?" sinisikap kong magsalita ng normal kahit pakiramdam ko kakainin na ng mga hikbi ko 'yung bawat salitang babanggitin ko.

Masuyong hinatak naman ako ni Steve palapit sa kaniya at hindi na ako nagdalawang isip na magpakulong sa mahigpit niyang yakap.

"Shh. Tahan na. Hindi mo naman kailangang sisihin ang sarili mo kung iyon man ang tumatakbo sa isip mo ngayon," patuloy na pag-aalo niya sa akin. Naramdaman ko pang dinampian niya ng mumunting halik ang tuktok ng ulo ko.

Tuloy-tuloy lang na umagos ang luha ko pero hindi iyon dahil sa nasasaktan ako. Naiiyak ako kasi kahit pala sa kabila ng lahat, ni minsan pala ay hindi nila talaga ako kinalimutan.

Saksi doon ang mga bagay na nasa loob ng cabinet - sari-saring souvenir, t-shirts, regalo, at notes na para sa akin.

"T-thank you, Steve. Salamat at hindi kayo nakalimot. P-pasensya na rin. S-sorry kung hindi ko nagawang s-suklian 'yung mga 'to. H-hindi ko alam kung d-deserve ko pa, pero promise, babawi ako."

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon