C h a p t e r (Forty Three)
“Let’s date.”
Napanganga nalang ako sa tinuran ni Jace Linggo ng umaga habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin.
Tama ba talaga yung narinig ko? Date… date raw?
“Hey. I said let’s date.”
“Uh… sure ka diyan?” tanong ko sakanya. Hindi parin ako makapaniwala. Talagang niyaya niya akong magdate? Talaga? Totoo ba ‘to?
“Bakit hindi?”
“Eh kasi malay mo naman busy ka diba? Hindi ka ba busy?”
“Hindi ako magyayaya kung busy ako, Shara.”
Nga naman, Shara. Ba’t di mo naisip yun? Shunga ka talaga forevs.
“S-sige…”
Unti-unti siyang ngumisi. “Great. Take a bath and be ready, okay? Ako nang bahala kay princess.” Sumisipol sipol pa siyang umalis ng kusina.
Okaaay? Ako naman ang nawiweirduhan sakanya. Ano kayang nakain nun? Hindi naman kami nagulam ng Sinigang kanina ah? At shiz! Sumipol ba talaga siya? May mali talaga!
Mabilis naman akong naligo at hindi na magkandaugaga sa pagpili ng susuotin. Uhm… ano bang susuotin ko? Dress? Eh pano wala naman akong dress!
Tatawagan ko sana si Mel para magtanong kaso wala na nga pala akong load. Kawawa naman ako. Ang poorita pagdating sa load. Huhu.
Sa huli ay kumuha nalang ako ng puting blouse at jeans. Haaaay hayaan na nga! Ang mahalaga magdedate kami! Yipeeee!
Matapos kong magbihis at mag-ayos (kung talagang ayos nga na matatawag ‘to) ay lumabas na ako. Woah andun na agad sila?! Ambilis naman!
O ako lang talaga ‘tong mabagal?
“Ate, antagal mo naman po!” nakacross arms na sabi ng kapatid ko na ngayon ay bihis na bihis din.
Naguguluhan akong tumingin kay Jace na ngayon ay nakapolo at ang gwapo-gwapo. Akala ko ba magdedate kami…?
“Let’s go?” ngiting-ngiti niyang sabi.
Pero hindi ako kumilos at nanatili lang na nakatayo roon; nakatingin parin sakanya.
“What’s wrong?” nakakunot-noo siyang lumapit sakin.
“Akala ko ba magdedate tayo?” pabulong kong sabi sakanya. Hindi naman sa ayaw kong kasama si Shami, pero ang akala ko kasi kami lang dalawa. Hay mga akala nga naman!
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Teen FictionEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?