C h a p t e r (39)

9.1K 188 4
                                    

Happy New Year guys! Putukan na! HAHAHA!

C h a p t e r (Thirty Nine)

“Ate Meeel~!” napangiwi ako sa lakas ng boses ng kapatid ko. Nagtatakbo naman siya papunta kay Mel at yumakap sa binti nito.

“Hi Shami! I miss you!” sabay kurot niya sa pisngi ni Shami. Tsk tsk. Kawawang pisngi. “Teka, binilhan kita ng favorite mo!” sabay pakita niya ng plastic na obviously ay may lamang ice cream. Favorite daw eh.

“Wow! Thank you ate Mel! Hihi.” Agad na kinuha iyon ni Shami. “Kakainin ko na po ito ah!” ngiting-ngiting sabi niya.

“Sure!”

“Shami, kain ka ng kain ng ice cream. Masama yan.” Saway ko sa kapatid ko. Mamaya maging diabetic na siya niyan eh!

“Ano ka ba Shara! Hindi yan!” kinindatan ni Mel si Shami at humagikgik lang ito.

“Masasanay na yang kapatid ko sa ice cream.” Naiiling kong sabi. Tumawa lang siya.

“Ok lang yan hanoba!” with hand gesture na sabi niya.

“Anong ok lang yan? Mamaya madiabetes na yun!”

 

“Chill, okay? Chill!” itinaas niya pa ang dalawang kamay sa ere. “Dinalhan ko siya non para hindi maging distraction.”

“Distraction?”

“Yeep!” naglakad siya papuntang sofa tsaka sumalampak. “You know, para sa Operation Seducing god-knows-who natin!” she laughed.

Bakit ba feeling ko ay nagblush ako?

“Now, sino ba itong iseseduce mo?” nakataas-kilay niyang tanong habang hinihipan ang kuko.

“Umm…” tumabi narin ako sakanya.

“Don’t tell me pinagpapalit mo na ang hinayupak na si Jace? Not that I can blame you though.”

Nanlaki naman ang mga mata ko. “Hala hindi ah!!!”

Nag-cross arms siya. “Then who?”

Alanganin akong sumagot. “Si Jace…”

“Ha?” halata namang naguluhan siya sa sinabi ko. “What, what? Wait! Iseseduce mo…si Jace?” ilang beses siyang napakurap. “I don’t get it! Paki-explain nga!”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon