C h a p t e r (22)

14.3K 266 8
                                    

Dahil naumay akong mag-aral, ayan naaaaa! Sarreh yan lang ang napiga ko sa aking utak. =_=V Guys, mabagal na ako mag-update ah. Kung pagong dati snail na ngayon. Hahaha =__= Sana po maunawaan niyo. Nuks! XD

C h a p t e r (Twenty-two)

Saturday. Wala kong ginawa kundi i-review yung mga namiss kong lessons nung Friday. Nalaman ko din kay Jace yung score ko sa Physics exam at voila! Naka-92 ako! OMG. It’s a miracle!

Siguro para sa iba mababa lang yun pero para sakin isa yung himala! Kasi kung iisipin ambababa kaya ng mga scores ko non sa mga quizzes! Inaasar pa nga ko ni baklito non diba? Pero ngayon, tingnan lang natin! Mwahahaha! Nakatungtong sa 90+ ang score ko!

“Pasalamat ka mahal kita kaya mataas score mo dun.” Siyempre kinilig ako sa sinabi niya pero binatukan ko din siya. “What was that for?” tanong niya habang hinihimas ang ulo niya na binatukan ko.

“Excuse me po pero sariling sikap yon no! Hindi yun dahil sa pagmamahal mo!”

“To naman! Joke lang.” pinisil niya yung ilong ko. “Kaya mo naman talaga eh, basta magsipag ka lang sa pag-aaral.”

“Eh ang hirap kaya mag-aral!” napanguso tuloy ako. Totoo naman kase! Ang hirap kaya! Tsaka nakakatamad pa! Kaya nga isang malaking pagsubok na sakin non ang pagrereview para sa exams eh!

“Mas mahirap kapag nag-college kana.”

“Talaga?” napalunok ako. Oo, naririnig ko na mahirap nga daw sa College pero akala ko OA lang sila. Halaaa! Natatakot na tuloy ako!

“Don’t worry. Tutulungan naman kita.” Nginitian niya naman ako. Woah, kailan pa naging nakakalusaw ang ngiti?

Huhu. Ganito ba talaga pag ano… pag inlove? Nagiging corny at exaggerated ka? Nakakainis naman eeh!

“Di nga?! Tutulungan mo ko?” di makapaniwala kong tanong. Tumango naman siya. “So ibig sabihin ikaw gagawa ng mga assignments ko?!” di ko mapigilang hindi matuwa. Atleast may tagagawa na ko ng homeworks pagdating ng College. Mehehe.

Pinitik niya naman ako sa noo. Aray ko naman!

“Silly. Siyempre hindi.”

“Ha? Eh sabi mo tutulungan mo ko?!” kainis to! Kakasabi niya lang na tutulungan niya ako tapos sasabihin niya ngayong siyempre hindi?!

“Oo nga.” Wow nemen! Ang gulo ha!  “Pero hindi ko sinabing ako ang gagawa ng mga homeworks mo.”

“Eh pano mo naman ako tutulungan, ha?!” nag-cross arms ako kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon