C h a p t e r (Fifty Five)
Malapit na ang Christmas Party at excited na ang karamihan sa classroom. Ako? Sakto lang. Nabunot ko ang classmate naming si Rie para sa exchange gifts. Hindi ko alam kung anong ireregalo sakanya since hindi ko naman siya ganong kaclose. Andito kami ngayon ni Geoff sa mall; nagpasama ako sakanya para sa pagbili ng regalo.
“Kanina pa tayo ikot ng ikot dito wala ka paring nabibiling regalo!” reklamo ni Geoff habang patuloy kami sa pagiikot.
“Eh wala akong mahanap na maganda para kay Rie eh!”
“Sabi ko kasi sayo album nalang eh! O kaya mug! O diba para tapos!” sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso? Album? Mug? Yun ata ang pinakaayaw ko na matanggap na regalo sa darating na Christmas Party no!
“Magsuggest ka nga ng matino!” naiinis kong sabi. Kahit ako nangangalay na kasi kanina pa kami lakad ng lakad. Pero wala talaga kong mahanap na regalo eh! Hirap naman!
Inirapan niya naman ako. “Nagsuggest na nga ako ng matino diba!”
“Alam mo kung matino yong sinuggest mo edi sana may nabili na ako ngayon!” inirapan ko rin. Aba! Akala niya siya lang may karapatang mang-irap irap diyan?
“Pwedeng kumain muna tayo? Maawa ka sa tiyan ko. Kanina pa kumukulo.”
Tiningnan ko muna siya ng matagal bago sumuko. “Kfine! Tara na!”
At dahil Jollibee ang pinakamalapit mula sa kinatatayuan namin ay dun nalang kami nagpunta. Wala na kaming panahon para mamili kung san kakain since pagod na kami at gutom na gutom narin.
“May nabili ka na bang regalo para kay Skye ha?” Oo. Si Skye ang nabunot niya. Ilang araw din bago niya natanggap na si Skye ang nabunot niya para bigyan ng regalo.
“Meron na.” tipid niyang sagot sabay inom sa float niya.
“Naks naman! Ano yun?”
Tumigil siya sa pagkain at umismid sakin. “Bat ko naman sasabihin sayo?”
“Alam mo ang mean mo talaga sakin ano? Samantalang nung hindi ko pa alam na “yun” ka ambait bait mo sakin!” umiling ako. “Sana hindi ko nalang pala nalaman.”
“Ganun talaga ko sa close ko.” Simple niyang sabi. “Maswerte ka nga e.”
“Swerte?” umikot ang mga mata ko. “Hah.”
Hindi muna kami nag-imikan at nagpatuloy nalang sa pagkain. Galit galit na muna since gutom talaga ang mga alaga namin sa tiyan. At dahil sawa na ako sa muka ni Geoff dahil lagi nalang kaming magkasama ay tumingin nalang ako sa labas.
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Teen FictionEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?