C h a p t e r (Twenty Seven)
Hanggang ngayon “LSS” parin ako sa sinabi ni baklits na Act like a Lady daw. Di nga, seryoso? Hindi naman ako ganun kaisip bata diba? Masyado lang kasi siyang mature! Oo, tama! Mature lang talaga si bakla kaya ganun!
Eeeeeh… pero sabi ni Jace, bata pa daw ako! Bata, bata?! Ako ba niloloko niya?! Hindi na ako bata no! Kainis!
“Really? Sinabi niya yun?” kasama ko si Carmel ngayon dito sa bahay. Tinext ko siya at buti nalang may 3 hours vacant siya. Ang swerte no? Sana may ganyan din kahabang vacant time sa highschool!
Tumango tango ako. Sinabi ko yung sinabi ni Jace pati na rin yung sinabi ni Geoff. Feeling ko si Carmel ang makakatulong sakin since muka naman siyang “lady” ika nga.
“Ano ng gagawin ko?”
“Eh ba’t ka ba kasi masyadong bothered diyan, ha?” nakacross arms niyang tanong.
Napaisip saglit ako. “Eh kasi… uhh… ano ba? Ah! Eh kasi naman! Ayokong bata lang ang tingin sakin ni Jace! Gusto kong makita niya din ako bilang dalaga na no!” kulang nalang marinig ng mga kapitbahay namin yung sinabi ko sa lakas ng boses ko.
Itinaas naman ni Mel yung dalawa niyang kamay. “Okay, chill.”
Napasandal ako sa sofa. Hay! Hindi naman kasi big deal to pero bakit masyado kong pinoproblema?
“Ganito nalang, gusto mo bang ayusan nalang kita para magmuka kang dalaga? You’re pretty naman, kulang lang sa height!” humalakhak siya dun.
“Wow! Kainsulto naman!” palibhasa kasi siya long-legged! Waaah! Inggit mats!
“Teka, may mga make up ka ba or something?”
Napakagat ako sa labi ko tsaka umiling. “Wala eh…”
“Hanoba! Babae ka ba?! Kaloka! Buti nalang pala always ready ako! Mwahaha!” nagtanong pa eh meron naman pala siya.
Tsaka siya naglabas ng kung anu-ano mula dun sa itim niyang bag. Nawiwindang nalang ako sa mga nakikita ko.
“Dala mo lahat ng yan tuwing papasok?” tanong ko nang hindi parin inaalis ang mga mata sa nagkalat niyang make-up sa sofa.
Nagsmirk naman siya. “Well?”
“Grabe naman! As in lahat talaga yan?!”
Humalakhak siya. “Wag kang masyadong maamaze diyan! Normal lang sakin yan! Ano, sisimulan pa ba natin o nganganga ka nalang diyan hanggang sa umalis ako?”
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Novela JuvenilEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?