C h a p t e r (41)

9.4K 181 14
                                    

C h a p t e r (Forty One)

“Fail.” ‘yan nalang ang nasabi ko kay Mel nang pumunta ulit siya sa bahay namin kinabukasan. Wala daw siyang pasok kaya naman makikichismis siya.

“Mygoodness! Sure ka diyan?!” hindi makapaniwala niyang tanong. Siguro nag-expect talaga siya sa planong ‘to.

Tumango lang ako.

“Oh god! Whyyyyyyyy???”

Umiling ako. “Hindi ko rin alam.”

“Wait, wait wait,” huminga siya ng malalim. “Ikwento mo sakin ng buo. Pano nangyaring naging fail?!”




Bumuntong hininga muna ako bago ikwento sakanya ang lahat. Nakanganga lang siya habang titig na titig sakin matapos kong magkwento.

“So yun nga…” okay? Bakit hindi parin siya nagsasalita? Bakit nakanganga lang siya? Luh. Ano na bang nangyari dito? “Huy…”

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa. At hindi lang basta tawa! Napatingin agad ako sa kwarto kung san natutulog si Shami. Baka magising ang kapatid ko!

“Uy ang lakas ng tawa mo! Si Shami natutulog!” saway ko sakanya pero hindi parin siya natigil sa pagtawa. Nakakainis naman to! Baka magising si Shami!

“OMG lang! And I actually thought fail na talaga!” tumatawa parin siya habang sinasabi ‘yan.

Naguguluhan akong tumingin sakanya. “Huh? Eh fail na naman talaga ah?”

Agad niyang iwinave ang dalawang kamay. “Oh no no no, Shara! It’s not fail! I think it works!”

Napakamot nalang ako sa ulo. “Di kita magets.”

“Alam mo bakit nagkakaganun si Jace? Kasi natetempt yun sayo! Kaya ayun at pinagbihis ka agad at baka may magawang kung ano sayo! Hindi mo ba yun naisip Shara? And that muntik na thingy, nako! Pervert talaga yong siraulong yon! OMG Shara!!!”

Napalunok nalang ako sa mga narinig ko mula kay Mel. Totoo kaya? Shiz lang kung totoo!

“Sa tingin ko hindi ko nalang itutuloy to.” Mamaya kasi baka ano… um… basta!

“WHAT?! Anong hindi itutuloy, ha? Ngayon pa kung kailan successful ang part 1?!”
“Ayoko na.” umiling iling ako.

Sumeryoso ang muka niya. “Tell me you’re kidding.”

Hindi ako umimik.

“Ano ka ba Shara! Akala ko ba may gusto kang makuhang info?!!!” pasigaw na tanong niya kaya medyo napangiwi ako.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon