C h a p t e r (Thirty Seven)
Tahimik lang ako sa biyahe. Pilit paring inaabsorb ng utak ko ang mga sinabi ni Jace kay Trisha kanina.
“Ang tahimik mo.” Basag niya sa katahimikan. Napalingon naman ako sakanya.
“Huh?” napakurap ako saglit. “Ah, kasi…” napakagat ako sa labi. Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat kong sabihin. Kung may dapat bang sabihin.
“Tungkol ba ‘to sa mga sinabi ko kanina?” saglit siyang bumaling sakin bago ulit ibalik ang atensyon sa daan.
Nag-aalangan akong tumango.
“What about it?”
“Lahat ng 'yon…” natigilan ako saglit. “Erm, totoo ba ‘yon?”
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang tumawa at kinurot pa ako sa pisngi!
“Aray ha! Ang hilig mong mangurot!” hinimas himas ko yung pisngi na nilapastangan niya.
“You’re so cute.” Ngiting-ngiti niyang sabi. “Syempre totoo ‘yon. Bakit naman ako magsisinungaling diba?”
“Malay mo, gumagawa ka lang ng kwento.” Itinuon ko ang tingin sa bintana.
“Hindi ako nagsisinungaling o gumagawa ng kwento, Shara. Everything that you’ve heard, every part of it was true.”
Bumalik ang tingin ko sakanya. “Talaga?”
“Oo nga.”
“Pero… kinawawa mo rin pala siya, Jace. Pinaasa mo yung tao.” Pinagdikit ko ang mga kamay ko at yumuko.
“No, I didn’t.” rinig ko ang diin sa pagkakasabi niya.
“Oo kaya.”
“Pinagbigyan ko lang siya pero inabuso niya.”
“Oo nga. Pero dahil don umasa siya na pwede kayong dalawa.”
“She knows that impossible.” Umangat ang tingin ko sakanya at tinaasan siya ng kilay.
“Bakit parang siguradong-sigurado ka?”
Napangiti siya na parang ang stupid lang ng tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Novela JuvenilEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?