C h a p t e r (14)

15.4K 263 17
                                    

*** Skye on multimedia section. Isipin nalang Japanese yan! Hahaha. XD And yeah, mahaba na naman ata. (_ _")

C h a p t e r (Fourteen)

“Dazzling abs… dazzling abs.. dazzling abs…”

 *ring ring ring*

“Ay dazzling abs!” napabangon agad ako at napatingin sa orasan.  “Shiz! Malelate na ko!” agad-agad akong bumangon at ginawa ang mga dapat kong gawin. Pagkalabas ko, bakit ang tahimik?

Tumingin-tingin ako sa paligid at mukang nauna na silang umalis. Wew nemen, bakit hindi nila ako hinintay?! At mas lalong bakit hindi nila ako ginising?!

Hindi nalang ako kumain dahil malelate na nga ako. Buti nalang hindi ako kasingmalas ni Geoff dahil yung adviser naman naming yung first subject. Phew!

Tinakbo ko nalang papuntang school. Grabe, malamang ang haggard ko na agad pagdating don! Tapos hindi pa ko kumakain, wala na akong energy! Great!

Wala ng tao sa hallway habang tumatakbo ako don. Buti nalang walang disciplinarian na nag-iikot kundi malalagot ako neto! Ilang beses na ba kong tumatakbo sa hallway pero hindi parin nahuhuli? Maswerte na nga talaga ako!

Binuksan ko agad yung pinto ng classroom namin pagdating ko at teneeen! Buong mata lang naman ng klase ang nakatitig sakin. Wow classmates, makatitig naman! Hindi po ako criminal!

“And why are you late Ms.Valle?” napakamot ako sa ulo.

“Uhm.. sorry po Ma’am! Nalate lang po ng gising! Pasensiya na po talaga!”

“Alright. Minsan ka lang naman malate so I’ll let you off but next time… alam mo na.”

“O-okay po ma’am.” Naglakad na ko papunta sa upuan ko at nagsimula na ulit magdiscuss si Ma’am.

“Bilis talaga ng karma no?” asar ni baklito mula sa likod.

“Shut up!” I hissed.

“Bad mood eh?” tanong naman ng katabi kong si Rui.

“Hindi naman. Hehe.”

Hindi na siya sumagot pagtapos nun. Buti naman, atleast kahit papano makakapagconcentrate muna ko sa pinagsasabi ni Ma’am tungkol sa exams. Mga instructions, rules at kung ano pa. Para namang hindi yan diniscuss dati.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon