C h a p t e r (Thirty Five)
12:30 am sa orasan nang magising ako. Tulog na tulog si Shami habang siksik na siksik sa’kin. Napangiti ako. Teka, asan pala si Jace?
Dahan-dahan akong tumayo at ayaw ko namang magising ang kapatid ko. Ready na sana akong pihitin yung doorknob nang marinig kong magsalita si Jace. Mukhang may kausap sa phone.
“Ate please, don’t tell her…” ate? May ate siya? “Lie to her…” to her? Kanino? “Sige na, ibababa ko na. Do everything that you can para hindi niya malaman. Please…ate… Sige, bye…” wala nang sumunod kaya agad akong tumakbo papuntang kama at nagpanggap na tulog.
Sino ba yung kausap ni Jace? Okay Shara, ate nga diba? Pero hindi ko alam na may ate pala siya. Lie to her? Kanino naman?
Mga ilang minuto pa siguro yun bago ko marinig na bumukas yung pinto at umalog na yung kama. Naalala kong kailangan ko pa nga pala ulit matulog ay may pasok pa bukas este mamaya.
x-x-x-x-x
Pagmulat ko ay si Jace agad ang nakita ko. Nagpupunas kasi siya ng basang buhok sa harap ng salamin. Halatang katatapos lang niya maligo. Kahit hindi siya ganon kalapit naaamoy ko. Ang bango niya shiz.
“Good Morning,”
“Morning rin. Kanina ka pa gising?” humihikab kong tanong bago bumangon. Tsaka lang sumagi sa isip ko na kagigising ko lang at malamang sa malamang ay may muta pa ako. Shiz!
Dali-dali akong tumakbo para sana pumunta sa CR pero ang galing lang at nadulas pa ako. Medyo masakit sa pwet. -_-
Agad namang lumapit sakin si Jace at itinayo ako. “Tsk tsk. Bakit kasi kailangang tumakbo?”
“Hehe. Maghihilamos lang ako ah!” bumitaw na ako sakanya para pumuntang CR at tanggalin ang mga dapat tanggalin tuwing umaga.
Nagluto lang ako, kumain, naligo, nagbihis at naglakad papuntang school. Cross-fingers pa ako habang naglalakad sa hallway. Juskopo, sana wala dun si Rui. Sana absent siya. Sana wala, sana wala…
“Morning,” napaatras agad ako nang makita siyang nakasandal malapit sa pinto.
“I like you.”
Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na naman yun. Ang awkward kaya! Tapos kung ano-ano pang pinagsasabi niya na layuan ko si Jace?! Well, neknek niya! Kasi hindi na ako maggi-give up! At narealize ko kung gano katanga ang maggive up nalang nang basta basta!
Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy tuloy na sa classroom pero ang swerte lang at nahawakan niya pa ako sa braso.
“Ano?” tinaasan ko siya ng kilay. Pakiramdam ko ang sama sama ng dating ko ngayon pero wala na akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Roman pour AdolescentsEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?