C h a p t e r (47)

8.8K 199 19
                                    

***Medyo malapit nang matapos. Hohoho.

C h a p t e r (Forty Seven)

Hindi ako makatulog. Nakatitig lang ako sa kisame habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi. Naalala ko ang mga pinag-usapan namin kahapon ni tita nang sumama kami ni Shami sakanya. Isa sa mga bagay na pinagsisisihan ko.

“You have to live with me, Shara.”

“P-po?” napalunok ako. “Bakit po?”

“Kasi ako ang tita mo. Ako ang tunay mong kamag-anak. Ako ang tunay mong kadugo. Alam mo naman siguro yon, diba?”

“Pero… masaya naman po kami sa bahay na tinitirhan namin ng kapatid ko.”

Tumawa siya ng peke. “Saan? Sa bahay ng Physics teacher mo? Doon ba, Shara?”

Tango lang ang nagawa kong isagot.

“May relasyon kayo diba?” automatic na nanlaki ang mga mata ko. Pano… pano niya nalaman?

“Matagal na kitang hinahanap, Shara. At matagal ka na ring itinatago ni Jace.” Kumunot ang noo ko sa narinig.

Hinahanap?

Itinatago?

“And now that I’ve finally found you, babawiin na kita.”

“P-po?” yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil kinakabahan na ako sa pwedeng niyang sabihin.

“Sakin ka na titira mula ngayon.” Bumilis agad ang tibok ng puso ko sa narinig.

“H-hindi po pwede…” sunod sunod ang ginawa kong pag-iling. Hindi pwede.

“At bakit?” tumaas ang isa niyang kilay. Hindi ako nakasagot. Basta ang alam ko ay hindi ko pwedeng iwan si Jace. Dahil ba sa relasyon niyong dalawa? God! Ano bang nangyari sayo at naisipan mong makipagrelasyon sa teacher mo?!”

Kinagat ko ang labi ko para iwasang sagutin siya. Tita mo yan, Shara.

“At magkasama pa kayo sa iisang bahay! Malay ko ba kung ano nang kababalaghan ang ginagawa niyo doon?!”

Agad akong napatayo sa sinabi niya. Hindi ko na kayang magpigil pa. “Hindi po kami tulad ng iniisip niyo!”

“Really?” nakataas-kilay niyang tanong.

“Wala po kaming ginagawang masama.” Mariin kong sabi.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon