C h a p t e r (Twenty)
Buti nalang nakauwi na kami sa bahay ni Shami bago bumuhos yung ulan. Kaya pala ang init-init! Uulan naman pala kasi.
Sabay kaming nagbihis ni Shami. “Ate, tulog lang ako ah! Antok ako eh.”
“Sige. Mabuti yan. Haha.”
Hmm.. ano na kayang gagawin ko? Since tapos na yung exam, di ko na kailangang magreview! Mehehe. Thank you Lord! Hell week is over!
Ay hindi pa pala, mas hell pala pag nalaman mo na yung scores mo. *sigh*
6 na pero hindi parin umuuwi si Jace. Bakit ba ang tagal nun?
Hay Shara, malamang nagchecheck pa yun ng test papers no! Teacher nga diba?! Atat masyado?!
Oo nga pala. At dahil boring naman yung palabas sa TV, nagluto nalang ako nung favorite niya. Hihihi. Pambawi na din to kasi namimiss ko na talaga siya. Ang landi ko no? Jeez.
Pero tapos na kong magluto lahat-lahat wala parin siya. Ano ba naman?! Bakit ang tagal nun?! Hindi kaya... hindi kaya may nangyaring masama dun?!
Ah shit. Ano bang iniisip ko?! Kainis kasing ulan to eh! Shiz.
Aantok antok pa si Shami na lumabas ng kwarto habang ako naman eh nanonood. Di ko naman maintindihan yung pinapanood ko, masyadong lutang ang utak ko.
“Ate, wala parin si Daddy?” tumabi sakin si Shami sa sofa.
“Wala parin eh.” Bwisit yun! Alas-siyete na wala pa! San ba nagpunta yun?! Ilang katerba bang test papers ang chinecheck niya?!
“Ate, gutom na ko!” haaay! Ang hirap talaga tanggihan ng kapatid ko lalo na kapag nagpapout!
“Tara, kain na tayo.” Bahala ka nga diyan Jace! Ang tagal tagal mo! Pssh.
Nanghinayang ako kasi hindi man lang naming siya kasabay kumain. Kaasar naman eeh! 3 days ko na siyang di kasabay kumain at hindi masyadong nakikita. 3 days! Osige na ako ng OA. Sorry naman.
“Ate, tulog na po ulit ako ah. Hihi.”
“Grabe, kakagising mo lang matutulog kana naman?!”
“Eh ang sarap matulog pag umuulan eh!” humagikgik siya don. “Goodnight ate!” tsaka nagtatakbo papunta sa kwarto.
Eto namang ulan, consistent! Kanina pang hapon to ah! Di parin tumitigil?!
Naghugas na ako ng pinagkainan namin. Tsk. Bakit ba ang tagal ni Sir? May dala kaya yung payong?! Baka naman wala! Tsk. Magkasakit pa yun. Naman oh! Nakakabaliw naman mag-isip!
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Roman pour AdolescentsEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?