Dapat kahapon ko pa to ipopost tapos ngayong araw ang Epilogue. Unfortunately, naputulan kami ng internet! Cheers to that! Haha! So yeah… bukas ang Epilogue! ^^v
C h a p t e r (Fifty Nine)
Ilang beses na napakurap sakin si tita matapos ang sinabi ko. Hindi ata siya makapaniwala na lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.
Pilit siyang tumawa tsaka ibinalik ang atensyon sa bagahe. “Ano bang sinasabi mo diyan Shara!” nakatayo lang ako dun habang pinapanood siya.
“Tita, gusto ko pong…” lumunok ulit ako. “…gusto ko pong sumama sainyo sa ibang bansa.”
Umangat ulit ang tingin niya at seryoso na ang kanyang muka.
“Bakit? Bakit mo gustong sumama sakin?”
Wala akong maisagot sa tanong niya.
“Kung wala kang maisasagot, hindi talaga kita pasasamahin.” nanlaki ang mga mata ko at agad nangapa ng mga salitang isasagot sakanya.
“Gusto kong… magsimula ulit.”
Mataman siyang tumingin sakin at nagtaas ng isang kilay. “Ng hindi kasama si Jace?”
May kung ano akong naramdaman pero isinantabi ko iyon at tumango.
“Sigurado ka?” tumango lang ulit ako. “Then pack your things. We’ll be leaving tomorrow. Alam na ba ni Shami to?”
“Hindi pa.” mahina kong sagot.
“I think dapat mo munang ipaalam sakanya to Shara. Alam kong masyadong attached kay Jace ang batang yun.” Umiling-iling siya. “I envy him. Kasi alam niya kung pano kayo pakikitunguhan.”
Hindi ako umimik kaya nagsalita ulit siya.
“Pano pala yung graduation mo?” bahagya akong natigilan. Oo nga pala.
“Pwede naman pong kunin nalang yung diploma diba?” nagkibit-balikat siya.
“I have no idea, Shara.”
Nang hindi na siya magsalita ay napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto at puntahan si Shami. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakanya. Paniguradong iiyak na naman yun.
Pumasok ako sa kwarto at nadatnan ang kapatid ko na bored na nililipat ang mga pages ng libro. Nakanguso lang siya habang nakapatong ang ulo sa kama.
“Shami,” tawag ko tsaka umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Hey Sir! I Love You! (FINISHED)
Teen FictionEh kasi magkasama nga sila sa iisang bahay ng masungit,cold at parating naglalabas ng masamang aura na Physics teacher niya. O diba ang swerte? Ay mali. O diba ang malas? Malas nga ba?