C h a p t e r (29)

11.8K 214 19
                                    

C h a p t e r (Twenty Nine)

Paulit ulit parin na nageecho sa utak ko yung pinagsasabi sakin ni Trisha. Bakit ganun? Masyado akong naaapektuhan sa sinabi niya.

“You can never satisfy him the way I do.”

 

“You’re too young for him. Too innocent for a man like him.”

Napabuntong hininga ako. Nakakafrustrate yung ganito. Yung pilit mong tinatanggal sa utak mo pero ayaw talagang maalis. HAY!

“You okay?” tanong sakin ni Jace habang kumakain kami. “Tahimik mo ata? May nangyari ba?”

Nagpeke ako ng ngiti. “Wala naman.” Pagsisinungaling ko. Buti at hindi ako nagstammer kundi buking ako nito.

“Sigurado ka? Baka naman may sakit ka.” Umamba siyang tatayo pero napigilan ko na siya.

“Ayos nga lang ako! Ano ba!” tumawa ako. Amazed talaga ako sa sarili ko ngayon, ang galing ko ng magsinungaling! Good thing or bad thing ba yon?

Kumunot ang noo niya. “Kailangan ko lang sigurong magpahinga.” Binigyan ko siya ng tipid na ngiti tsaka tumayo. “Pahinga na ko ah. Ikaw nalang muna maghugas ng pinagkainan. Hehe. Sorry. Goodnight.”

“Aga mo naman magsleep ate!” nakapout na sabi ng kapatid ko.

“Hayaan mo na si ate mo, princess. Kailangan niyang matulog ng maaga para tumangkad. Tingnan mo oh, kinakapos sa height.” Tumawa siya kaya tumawa nalang din ako. “Goodnight, Shara.”

Awkward akong ngumiti for the last time tsaka naglakad papunta sa kwarto namin ni Shami.

Ibinagsak ko lang ang sarili sa higaan at nakipageye to eye contact sa kisame. Maunang kumarap talo. Joke.

“Kainis talaga siya.” Nakakainis talaga yung babaeng yun! Bakit ba kailangan niya pang sumulpot sa eksena at pahirapan ako, ha?! Ganun ba talaga ang role ng mga ex?! Ang pahirapan ang mga ipinalit sakanila?! Nakakagulo ng utak kainis!

Bakit ba kasi ako masyadong affected ha?

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at baka sakaling makatulog na ko. Naramdaman ko na ang pagtabi sakin ni Shami. Ilang oras na ang nakalipas pero hindi parin ako matigilan sa pag-iisip. Ayan, hindi tuloy ako makatulog! Sarap talagang tirisin ng babaeng yun!

Too young for him? Kung iisipin, 4 years lang naman ang age gap namin. Hindi naman sobrang magkalayo ah! Yung iba nga diyan 10 years pa eh!

Too innocent for a man like him? Hindi kaya ako inosente! Duh! Kakainis!

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon