C h a p t e r (o5)

22.6K 385 40
                                    

Ayeh! Ahem. Hahaha! Basta! Medyo mahaba to. Medyo lang naman. :)))

C h a p t e r (Five)

 

“Ateeee! Gising ka na ateeee!”

 

“Asdhfygldfg…”

 

“Ate naman eeeh! Ateeee!” pinilit ko nalang bumangon kahit inaantok pa ko. Shami naman eh! Weekend na weekend sinisira tulog ko!

“Bakit ba kasi?” tanong ko habang nagtatanggal ng muta. Haha!

“Mamamasyal daw tayo sabi ni daddy!”

 

“Mamamasyal?”

“Oo. Kaya bumangon ka na diyan at maligo!” biglang singit naman ni Sir na nasa may pintuan. Aba at ready na agad siya! Tiningnan ko naman si Shami na nakapang-alis narin suot ang kanyang cute na jumper at rubber shoes. Kaya lang…

“Bakit ganyan buhok mo? Sinong nagtali sayo?” pano ba naman kasi, tabi-tabingi yung braids! Daig pa duling kung magtali eh!

Dumako ang tingin ko kay Sir na nahihiyang nagkamot ng ulo. Aww, cute.

“Ikaw nagtali nito Sir?”

 

“Oo ate! Galing ni daddy no?!” woah woah! So siya pala! May future! JK.

“Haha! Oo. Sobrang galing nga. Wait, maliligo muna ko. Mamaya natin ayusin yan.”

Nagtatakang hinawakan ni Shami ang buhok niya. “Eh? Bakit? Ok naman ah?” napailing nalang ako at kumuha ng damit sa cabinet bago pumuntang banyo.

Siguro nagtataka kayo bakit parang normal nalang ulit ako, samantalang kahapon wagas ang pagkaBV ko. Ganito kasi yan, ayoko munang mastress kaya kunwari wala nalang. Tsaka isa pa, ienjoy ko nalang muna ang life. Hihi.

Normal Shara is back! ♥

Mabilis lang ako naligo dahil nahiya naman ako don sa dalawa na kanina pa ready para lumarga.

“Kumain na kayo?” tanong ko pagtapos.

“Woah! Ang ganda talaga ng ate ko! Mana sakin! Diba daddy?!” bigla tuloy akong kinabahan. Ano kayang isasagot ni Sir? Teka nga Shara, mahalaga pa ba yun?

“Haha. Hindi pa kami kumakain. Sa labas nalang. Tara na?” nauna na siya saming lumabas. Eh? Ba’t di niya man lang sinagot tanong ni Shami? Ibig sabihin ba nun pangit ako?

“Tara na ateee!~!” hinila na ko ni Shami (na hindi na man halatang excited) palabas. Sinigurado ko naman nakalock na yung pinto.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon