Chap. 5

10.1K 275 6
                                    

Third Person’s POV

“UHAAAAAAAA........UHAAAAA!!!!! Iyak ng iyak ang sangol habang pinapalitan ni Elaine ng diaper.

“Ay,bakit naging iyakin ata ang baby ngayon? Sandali lang ito..” Sabi ni Elaine . Habang si Claire naman ay nagtitimpla ng gatas ng bata. Bigla namang bumukas ang pinto ng silid..

“Anong nangyayari?” Tanong ni Kenzo. Nakasuot na ito ng Business Suit. Hindi mapagkaila na hindi humanga ang sino mang babae sa kanya. Nakatitig ito kay Elaine.

“Pinalitan ko ho ‘yong diaper n’ya. Nagugutom na rin ho kasi.” Sabi ni Elaine. Lumapit si Kenzo at binuhat ang bata. Iyak parin ng iyak. Agad naman lumapit si Claire dala ang gatas ng bata. Umupo si Kenzo sa isang upuan malapit sa may bintana. At pinadede nito ang anak.

“ Wow, alam ni China ang Daddy n’ya ang kumakalong sa kanya. Tignan mo, tumahimik kaagad.” Bulong ni Claire kay Elaine; habang nakatingin lamang si Elaine sa mag-ama. Mabilis na ubos ng bata ang gatas.

“Sir, akin na ho ang bata. Baka kasi may importante pa kayong pupuntahan.” Sabi ni Elaine. Ibinigay naman ni Kenzo ang bata sa yaya. Ngunit iniwasan na ni Kenzo na magtama ang mga mata nila ni Elaine.

Kinarga na ni Elaine ang bata upang ipadighay. Lumapit naman si Kenzo sa bata. Nakatayo s’ya sa likuran ni Elaine. Inilapit ni Kenzo ang sarili sa anak; at sinabing;

“ I’ll be gone for three days..be a good girl, Baby.” Sabay halik sa noo ng bata. Pakiramdam ni Elaine tumindig ang kanyang balahibo matapos sabihin ‘yon ni Kenzo sa anak. Dahil Napakalapit ng bata sa kanyang pisngi. Ramdam n'ya ang mukha ni Kenzo na malapit rin sa kanya. 

Humakbang ng bahagya si Elaine, upang humarap sa ama ng bata. Agad naman tumalikod si Kenzo papunta sa pintuan. At tuluyang lumabas.

“ Three days? three days s’yang mawawala. Hindi ko masisilayan ang kanyang kakisigan.” Hinarap ni Claire si Elaine. Napangiti naman si Elaine sa kadramahan ng kasama.

“ Pero bakit ganun, Elaine? Hindi man lang n’ya tayo kinausap; o bumati sa atin ng Good Morning...Anong nangyari dun?” Tanong ni Claire.

“Alam mo, ikaw lang ang apektado. Syempre hindi nya na maiisip ‘yon---mukhang busy.” Sagot n’ya. Pinagkibit balikat na lamang n’ya.

“Alam mo, napansin ko sa ‘yo. Ni minsan hindi ko narinig sa bibig mo na GWAPO SI SIR KENZO. Hindi ka man lang ba humanga sa kanya?” tanong ni Claire.

“ Oo na. Gwapo nga s’ya. Kontento ka na?” Sabay irap sa kaibigan.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon