Chap. 14

7.6K 232 9
                                    

Kumakain si Kenzo ng almusal kasabay ang kanyang anak. Sinusubuan ni Elaine si China nang magsalita si Kenzo.

“ Two years from now, matatapos na pala ang kontrata ninyo. Think twice before you decide; o di naman kaya 100 times ninyong pag-isipan bago kayo pumirma ng kontrata. Ayaw ko sa kalagitnaan ng taon aatras na ang isa sa inyo. Kung gusto n’yong umalis sabihin n’yo sa akin as early as possible. Para makapaghanap ng kapalit ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo? Elaine? Claire?” Tumingin si Kenzo sa kanila.

Tumango naman sina Elaine at Claire.

Agad tumayo si Kenzo at umalis.

“Ba’t n’ya nasabi ‘yon? Ayaw n’ya na ba sa atin?” Mukhang nag-aalala si Claire.

“ Pinaalala n’ya lang sa atin ang kontrata, Claire.” Sabi ni Elaine pero para sa kanya parang s’ya ang pinapatamaan ni Kenzo.

Minsan, habang na tutulog si China nakarinig s’ya ng ingay sa labas. Dumungaw si Elaine sa may balkonahe ng silid ni China. Dumating pala sina Jake At Laurence kasama ng ilang kababaihan. Sinalubong sila ni Kenzo.

Pinaghandaan sila ng masasarap na pagkain nina Aling Auring. Nagkainuman sila sa labas ng bahay. Tamang-tama naman at nagising na si China. Bumaba sina Elaine at Claire at tinungo nila ang hardin na kalimitan na dinadala nila si China.

“ Hello, Elaine.” Bati ni Laurence. Ngumiti lang si Elaine.

“ Elaine, hayaan mo muna si China kay Claire. Kunan mo muna kami ng beer sa fridge.” Utos ni Kenzo. Sumunod naman si Elaine. At kumuha ng beer at ibinigay kina Kenzo. Bumalik si Elaine kay China.

“ Kenzo, sasama ka ba sa amin sa party Bukas? Daming girls doon...nabalitaan mo na bang dumating na si EVA ROGENTE? ‘Yong first love mo. Pare, hayop sa ganda. Ligawan mo na. Balita ko hindi n’ya tinuloy ang pagpapakasal sa fiancee n’ya. ” Sabi ni Jake.

“Oo nga. If you marry her madadagdagan ang alliance mo sa negosyo. Malaking business nila sa abroad.” Sabi ni Laurence.

“S’ya ang pambato namin ni Laurence. Hindi lang maganda, mabait at maalagain pa. Tanga naman kasi ‘yong fiancee ni EVA—saksakan na pagkaMAMA’S BOY. Kaya EVA dumped him.” Dagdag ni Jake.

“ Ok, I’ll take your advice.” --si Kenzo.

Narinig ‘yon lahat nina Claire at Elaine ang pinag-uusapan nila Kenzo.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon