Chap. 28

8.3K 235 1
                                    

Maagang nagising si Kenzo para pumunta sa opisina. Inabutan n’yang kumakain si China, kasama si Claire.

“Good Morning, Baby.” Bati ni Kenzo sa anak.

“Daddy, please don't throw my Teddy Bear.” Agad na sinabi ni China. Hindi na nagsalita si Kenzo. Tinitigan nalang si Claire.

“Daddy, do you know who’s in the picture? Is she my mom?” Tanong ulit ni China. Natigilan si Kenzo sa pagkain.

“Ah... nope. She’s just a...friend...” Hindi alam ni Kenzo kung anong isasagot sa anak..kaya napatingin s’ya kay Claire.

“ A friend of mine.” Agad na sagot ni Claire.

“Where is she now?” Sunod na tanong ni China.

“I don’t know...Baby, kumain ka na lang baka mahuli ka pa sa school.” Agad iniba ni Claire ang topic. Kumain ulit ang bata. Nagkatinginan sila ni Kenzo.

“Yaya Claire, do you think she will come back? I want to thank her for giving me the Teddy Bear.” Muling sinabi ng bata.

“Nagpasalamat ka na sa kanya dati.” Sagot ni Claire.

“ Matagal na ‘yon. Gusto ko ngayon kasi malaki na ako. I will tell her how much I love her gift. Even it’s old.” Napahigpit ang hawak ni Kenzo sa kutsara na hawak nito. Napansin naman ito ni Claire.

“Baby, tapos ka na ba? Brush your teeth and we’ll go.” Agad naman tumayo ang bata at inalalayan ni Claire para magsipilyo.

Napatigil si Kenzo sa pagkain. Muling sumagi sa isip n’ya ang sinabi ni Laurence, kagabi. Paano kung nasa ibang bansa si Elaine? Paano kung nasa Amerika nga? Napakalaki ng Amerika para hanapin si Elaine. Paano kung bumisita lamang s’ya doon? At sa ibang bansa s’ya nanggaling? Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ni Kenzo.

Tumunog ang cell phone ni Kenzo. Nakita n’yang tumatawag si Eva.

“Hello, Honey?”

( Hello, Babe. Good Morning. Pupunta ako mamaya sa office mo. Samahan mo akong pumunta sa mall. Bibilihan ko ng bagong Teddy Bear si China. )

“Honey, h’wag na. Ayaw n’yang ipatapon ang Teddy bear. She cried last night.” Kwento ni Kenzo.

(Habang nandyan ang Teddy Bear na ‘yan hindi malilimutan ni China si Elaine. At ikaw kinonsente mo rin.)

“Look I’m sorry. I have no choice. ” --si Kenzo.

( Ikaw ang humanap ng paraan na tulungan mo ang sarili at ang bata na malimutan n’yo ang babaeng ‘yon. )

Agad pinutol ni Eva ang tawag. Nawalan ng ganang kumain si Kenzo dahil sa sinabi ni Eva.

------------------------------------------------------

Nagkaroon ng maraming photo Shoot si Elaine. Naging busy na uli s’ya sa kanyang trabaho. At sa gabi patuloy parin s’ya sa pag-awit.

Isang araw, dumating ang pinsan ni Christer na si Alfred kasama ang anak nitong si Helen. Masaya silang nagkita-kita. Kinausap ni Alfred si Christer. Maya-maya, lumapit si Christer kay Elaine.

“Marg, may magandang balita ako sa ‘yo.” Sabi ni Christer.

“Ano?” Napansin ni Elaine na may liwanag ang mga mata ni Christer.

“May ipinapatayong Hotel sa Pilipinas. Ngayon, nakulangan ng budget ang may-ari ng Hotel ipinagbenta sa akin. Kaya binili ko. Papalagyan ko ng Casino, bar, spa...etc. Magiging Luxury Hotel ‘yon. I want us to be there. Isasama natin si Vee. Ibibigay ko sa ’yo ang Entertainment Area. Kay Vee naman ang mga Beauty and Cosmetic Area. Ano payag ka?”

“Wow, ang galing mo Christer. I’m happy for you.” At napayakap silang dalawa.

“ Si Alfred ang magmamahala ng Hotel ko dito habang wala ako. Malapit lang naman ang Sweden at Denmark. At ako rin naman ang nagmamahala sa Hotel n’ya kapag wala s’ya.” Dagdag ni Christer.

Dumating naman si Vee at naikwento nila ang tungkol sa balak ni Christer. Masaya rin si Vee sa balita. Nagcelebrate sila buong gabi, kasama ang ilang mga empleyado sa Hotel ni Christer. Tinawagan naman ni Christer si Anthony para sumama sa pagcelebrate. Dumating naman ito agad.

Naunang umuwi si Elaine. Hinatid s’ya ni Anthony. Nasa daan palang sila, huminto sila ni Anthony malapit sa port. Naglakad lakad sila at naupo sa isang bench. Medyo may kalamigan na dahil madaling araw narin. Hinubad ni Anthony ang suot na jacket at pinasuot kay Elaine. Inakbayan n’ya si Elaine habang nakaupo sila.

“Margaux, remember the last time we first met. I told you that I was captivated by your charm. And it’s true. Until now, I can still feel it. Margaux, I wan’t you to be my GIRLFRIEND. ” Hindi na nabigla si Elaine sa sinabi ni Anthony.

“Anthony, napakabilis naman yata. Hindi mo pa akong lubusang kilala. We need more time to know each other. And besides, I’m going back to the Philippines to start the business with Christer. That will be a hard time for us .”--Si Elaine.

“Parang sinabi mo narin na wala akong pag-asa.” Malungkot na sinabi ni Anthony.

“It’s not like that. Hindi pa ako handa. Sa ngayon, mabuti pang kilalanin muna natin ang isa’t isa.” Napatingin naman si Anthony sa kanya. At ngumiti ito kay Elaine.

Tuluyang hinatid ni Anthony si Elaine sa apartment. Bago umalis si Anthony, ginawaran ng halik sa pisngi ni Elaine si Anthony. Namula naman ang pisngi ni Anthony. Halos malundag ang puso n’ya sa tuwa sa ipinakita ni Elaine sa kanya.

------------------------------------------------------

Umuwi na ng Pililipinas sina Jake at Laurence. Gabi nang maisipan nilang dalawa na dalawin si Kenzo sa bahay nito. May dala silang mga alak. Nagkwentohan silang magkakaibigan tungkol sa nangyari sa TIME SQUARE.

“ Talaga Kenzo. Nagsasabi ako ng totoo. Si Elaine talaga ang nakita ko. Mukha nga rin nagulat ang babae nang makita ako. Kung hindi s’ya hinila nung bakla na kasama n’ya maaring nakausap ko s’ya. Ito naman kasing si Jake may kausap sa cell phone kaya hindi n’ya agad napansin ‘yong babae.” Paliwanag ni Laurence.

“ Tumigil ka na nga d’yan. Uminum na lang tayo ng alak na binili ko sa Duty Free. Bago raw ito na alak sa market. Patok na patok sa entire Europe.” Sabi ni Jake habang sumasalin ng alak sa mga kupita. Sabay nilang tinikman ito.

“Mmmmm...masarap nga.” Sabi ni Kenzo. Nabasa n’ya ang pangalan ng alak---Margaux.

Nakita naman ni Laurence ang paper bag na lalagyan ng alak. May isang larawan ng babae na nakahawak ng kupita ng alak. At Nakasuot ito ng red bikini.

“Pare, ito ‘yong babaeng nakita natin sa billboard na kamukha nung hinahabol ko..” Agad kinalabit ni Laurence si Jake.

“Oo nga ano. Pero sigurado akong hindi ito ‘yong babae na hinabol mo. Mas lalong hindi si Elaine.” Kinukontra ni Jake si Laurence. Kinuha naman ni Kenzo ang larawan. Hindi akalain ni Kenzo na kamukha nga ni Elaine ang model ng alak.

“This can’t be her. This is very sexy and seductive. Hindi naman nagpapakita ng katawan si Elaine. Lalo na sa camera.” Pero nahagip ng mga mata ni Kenzo ang mata ng model, at nakaramdam s’ya ng kakaiba. Parang tumititig s’ya sa mata ni Elaine. Agad n’yang binitawan ang shopping bag. At napahawak sa kanyang sintido.

“Tignan mo, nahawa mo na si Kenzo. Pinaniwala mo sa kwento. Sumakit tuloy ang ulo n’ya.” Sabay tawa ni Jake.

“Enzo, aminin mo nga kung umaasa ka parin na makikita mo s’yang muli.” --si Laurence.

“Nauubusan na ako ng pag-asa. Matagpuan ko man s’ya ulit..o hindi na..pakakasalan ko si Eva.” Sabi ni Kenzo.

“OWW! Sigurado ka? Baka mamaya pagnakita mo si Elaine..Itatanan mo na lang o baka naman tatalian mo na agad.”-- si Jake.

“Hindi Jake. Ilalagay ko sa tama ang lahat. Maiipit si Eva. Matagal naghintay si Eva. Kaya pipiliin ko s’ya.” -Kenzo.

“Cross Finger ako d’yan, Enzo.” - Laurence.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon