Chap. 17

8K 253 3
                                    

Gelo’s POV

Pauwi ng ako ng bahay nang may nakita akong sasakyan na nakaparada sa tapat . Kinabahan ako agad nang makita ko ang plate number ng kotse. Agad kong hininto ang kotse ko. At nagmamadaling pumasok sa loob ng gate. Nakita ko sina Mama at Papa kausap si Elaine.

Umiiyak si Elaine!

“Mama! Papa!” Sigaw ko at agad pumasok sa loob. Nakita ko ang paghagulgol ni Elaine.

“Gelo....Gelo....Sabihin mo sa akin ang totoo....PEKE BA ANG KASAL NATIN?”Hindi ko na pwedeng maitanggi. Tumulo ang luha ko at lumuhod sa harap ni Elaine.

“Elaine..patawarin mo ako! Totoo ang lahat ng sinabi nila.”

“Gelo....Gelo...Bakit?” Ang tanong n’ya.

“Elaine...MAHAL NA MAHAL KITA. AYAW KONG MAWALA KA SA AKIN. TINALIKURAN KO SILANG LAHAT ALANG-ALANG SA IYO.”Ang sabi ko habang di ko na mabilang ang luha na tuloy tuloy na dumadaloy sa aking mga mata. Pakiramdam ko napakasama kong tao na pati ang tanging babaeng minahal ko ay nagawa kong saktan.

“Bakit mo nagawa sa akin ito? May ginawa ba akong masama sa ‘yo? Gelo, minahal kita. Naniwala ako sa ’yo. Gelo, bakit mo nagawang sirain ang buhay ko!!!!!”Kasabay noon ay humagulgol si Elaine. Lumapit ako sa kanya upang yakapin s’ya..Ngunit nagpupumiglas si Elaine.

“Bitawan mo ako!!!!!!!! Bitawan mo Ako!!!!!” Hindi ko s’ya binitawan bagkus niyakap ko s’ya ng mahigpit.

“Elaine, patawarin mo ako....” Ang tanging nasabi ko.

Pati si Mama ay napaiyak sa nasaksihan sa amin ni Elaine.

“Ahhhhhhhhhh...ang sakit sakit Gelo.....ang sakit sakit....parang pinatay mo na ako ng paulit ulit......” Nakaupo na kami pareho ni Elaine sa sahig pero hindi parin ako bumitaw sa pagkayakap sa kanya. Napaka GAGO KO! NAPAKAWALANG HIYA KO!

“ Papa Gelo.. Mama Elaine...Anong nangyayari dito?” Napalingon kaming lahat sa pagdating nina Dione at Patrick kasama nila si Nanay .

Alam kong pati sila ay nalilito sa nangyayari...

“ Gelo, halika ka na...sumama ka na sa amin..” Sabi ni Papa.

“Papa Gelo...saan kayo pupunta?” Tanong ni Dione sa akin. Niyakap ko silang pareho ni Patrick. Hindi lang si Elaine ang niloko ko pati ang mga taong nagmamahal sa kanya.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon