Chap. 12

8K 254 6
                                    

Habang tumatakbo ang mga araw at buwan. Pakiramdam ni Gelo ay unti-unting sumisikip ang kanyang mundo. Naglalaro ang kanyang isipan; Tuwing naalala nya ang mga responsibilidad at kasinungalingan nyang ginawa. Hindi n’ya alam kung paano ipapaalam kay Elaine ang katotohanan.Samantalan,naiinip na ang kanyang mga magulang sa magiging desisyon ni Gelo.

Muling nagkaharap sina Gelo at ang kanyang kuya Aldrin.

“Gelo, nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ng kanyang Kuya Aldrin.

“Kuya, hindi ko alam paano ko sasabihin kay Elaine.” Sagot ni Gelo.

“Pwes, Mag-isip ka na, Gelo. tumatakbo ang panahon. Bigyan mo ng laya si Elaine. Kailangan n’ya ring lumigaya. H’wag mo s’yang ikulong. Pinapaasa mo s’ya at ‘yon ang masakit. Hindi ka n’ya mapapatawad, Gelo. SINISIRA MO ANG BUHAY NI ELAINE. KUNG HINDI MO S’YA KINULONG MAARING MATAGAL NA S’YA NAGKAROON NG SARILING PAMILYA. ”Sabi ni Aldrin.

“ Kuya, hindi ko kaya mawala s’ya. I think I need to file a divorce. Aayusin ko ang lahat.” Sabi ni Gelo.

“Nahihibang ka na ba? Tatlong bata ang pagkakaitan mo ng pagmamahal mo. Dugo’t laman mo ‘yon!” Galit na binulyawan ni Aldrin si Gelo.

“Nauunawaan kita. For Pete’s Sake! I supported you from the start. Noon pa man binalaan na kita. H’wag mong hintayin na kikilos na naman si Papa. Matatanggap naman nila si Elaine kung tutuusin; pero ‘yong talikuran mo ang pagiging ama mo sa tatlong bata, hindi pwede ’yon. Sina Papa ang sumuporta sa lahat lahat.” --si Aldrin.

Walang nasabi si Gelo. Tumahimik na lamang at nag-isip ng malalim.

=======================================================

Pagkalipas ng dalawang buwan ay nagsimula nang maglakad si China. Naging masigla ang bata at nagiging bibo ito. Kaya tuwang tuwa naman si Elaine at Claire dahil nasusubaybayan nila ang paglaki ng bata.

“Siguro mas masaya kung marunong ng magsalita si China. Sigurado ako ang daldal nito.” Sabi ni Claire.

“Oo, nga. At sana hindi magmana sa kadaldalan mo.” Pabirong sinabi ni Elaine.

“Ya....ya.....ya...” Biglang sinabi ni China.

Nagulat naman ang dalawa sa narininig nila.

“Naku Baby, ulitin mo nga. Tawagin mo akong Yaya.” Turo ni Claire sa sarili. At inulit naman ng bata.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon