Chap. 29

8.9K 269 3
                                    

Pagkalipas ng ilang buwan, binalitaan na lang ni Christer sina Elaine at Vee na natapos na ang Hotel. Naging abala sina Vee at Elaine upang paghandaan ang nalalapit na pagbabalik sa Pilipinas.

Inasikaso na rin ni Elaine ang lahat ng kailangan n'ya. Ngunit hindi parin maalis kay Elaine ang mangamba. Tumawag s'ya sa Pilipinas at pinaalam kina Dione at Patrick ang kanyang pag-uwi. Masayang masaya naman ang ina ni Elaine sa nasabing balita. Naikwento na rin n'ya ang huling pagkikita nila ni Gelo. Ibinalita narin nina Dione na marami na silang nabili na mga properties sa perang pinapadala ni Elaine. At ang magkapatid ang nag-aasikaso ng lahat. Nagpaalam narin si Elaine kay Mrs. Welch at Anthony. Mabigat sa loob ni Anthony na magkalayo sila ni Elaine ngunit nauunawaan naman n'ya ang pangulila ni Elaine sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Alam ni Elaine na malaki ang pagtingin ni Anthony sa kanya. Pero tinuturing ni Elaine si Anthony bilang kaibigan. Dahil hindi pa s'ya sigurado sa kanyang nararamdaman kay Anthony.

"Mabuhay! Welcome to Philippines.."

" Philippines, I'm back!" Sigaw ni Vee. Halos napalingon ang mga tao sa kanya dahil sa kanyang pagsigaw.

"Tumigil ka sa pagtitili..nakakarindi!" Reklamo ni Elaine. Napangiti lang si Christer.

"Naku, Margaux parang hindi ka pa sanay kay Vee." Natatawang sabi ni Christer.

Sinalubong naman sina Christer ng mga kamag-anak nina Vee at Elaine.

"Paano magkita nalang tayo...tawagan n'yo ako. Elaine, ingatan mo si Christer. Kung malandi ako, mas malandi 'yan!" Paalala ni Vee kay Elaine habang papaalis kasama ang kanyang mga magulang.

Tumaas naman ang kilay ni Christer. Kaya natawa si Elaine sa kanilang dalawa dahil kahit saan magpunta walang tigil ang bangayan. Sumama si Christer sa bagong bahay nina Elaine. Isa itong 2 storey house, modern ang design sa loob at labas nito.

"Welcome to our home."-si Elaine.

"You have a lovely home. I like it. I can feel the true essence of love in your family." Napapangiti si Christer habang nililibot ng kanyang paningin sa buong paligid ng bahay.

"Feel free. Kami lang naman nandito. And I want you to be comfortable while staying here. I owe everything to you, Christer. Salamat at nagtiwala ka sa akin." Sabi ni Elaine habang nakaakbay s'ya kay Christer. Inakbayan din s'ya ng kaibigan.

"Silly girl. Ako rin nga magpasalamat sa 'yo. Sumikat ng husto ang Hotel at bar ko sa Sweden. Kayo ni Vee ang nagdala ng swerte sa akin. That's why I'm happy that I found friends like you." --si Christer.

Halos dalawang araw na nagpahinga sina Christer at Elaine. Gusto nilang magshopping, sinundo sila ni Vee gamit ang bagong bili na kotse nito na PORSCHE.

Sa labas palang ng mall , napansin naman ni Elaine halos saan man silang magpunta na mga beauty and Cosmetics area; ay nakabalandra ang mga posters nya. Kaya naman bawat taong makasalubong nila ay titig na titig sa kanya. Simple man ang kanyang ayos ay hindi maiwasan s'yang tignan ng mga tao.

Hanggang sa napadaan sila isang Toy Section. Napansin n'ya na may isang babae na nakatingin sa isang malaking TEDDY Bear. Kinabahan si Elaine habang tinititigan ang babae. Maya-maya may isang batang babae na lumapit dito. Itinuro ng babae ang laruan ngunit umiling ang bata. Maya't maya may lumapit na isang lalaki. Parang nanigas ang mga paa ni Elaine nang makita n'ya ang lalaking kumausap sa bata. Hindi maikurap ni Elaine ang kanyang mga mata dahil nakatuon ang kanyang isip sa mag-ama na nag-uusap.

"Elaine, okay ka lang?" tanong ni Vee.

"Kenzo..." ang tanging nasabi ni Elaine.

Agad naman napalingon sina Vee at Christer sa tinitignan ni Elaine.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon